• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 10:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin.

 

 

Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea.

 

 

In all fairness, karamihan sa nababasa naming comment ng netizens ay kinikilig na sa dalawa.

 

 

At sa recent YouTube upload ni Bea kanyang channel kunsaan ay prinank niya ang kanyang stylist, halos majority ng comment ay request ng mga subscribers niya.

 

 

At ang request, episode naman daw na si Dominic na ang kasama niya. Kaya abangan kung pagbibigyan na ba ni Bea ang mga fan niya ngayon.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na makipag-break sa Kapuso Star na si Liezel Lopez, masasabi yata ni Kristoffer Martin na nagising at natagpuan na niya ang sarili?

 

 

Kitang-kita sa picture na pinost niya habang nakayakap sa maaaring naging instrument kung bakit sinasabi niya ngayon na “surrendered” at “delivered” na raw siya in-terms of his faith ang higpit ng pagkakayap niya at pag-iyak niya.

 

 

May tumawag nga rito na “iyakin” daw.

 

 

At mas alam at nararamdaman na raw niya ngayon ang ibig sabihin ng “I am lost, but now I am found.”

 

 

Ang Instagram post ni Kristoffer na ngayon ay sumurender na raw kay Jesus, “Surrendered. Delivered.

 

“Thank you @grace.churchph.

 

“Thank you to Pastor @lomotancrisfor this opportunity. What I saw from my experiences before, that unconditional love has been there all the time. God uses people as his instrument to let you feel that kind of love. Even if you’re blinded by everything. He’s always there seeing you. Loving you unconditionally. ‘I was once lost, but now I am found.’ I always hear that. But I felt it more and real now. Thank you Jesus.”

 

 

Masaya naman para kay Kristoffer ang iba pang mga Kapuso stars tulad nina Rocco Nacino, Thea Tolentino, Aicelle Santos, Kim Rodriguez, Rodjun Cruz at iba pa.

 

 

***

 

 

ANG tungkol sa pagpapabakuna niya ang Instagram post ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, pero ang mga comments, puro sa looks at katawan nito.

 

 

Sey ng mga comments; “Ang guwapo!”

 

 

“Papa-vaccine lang gwapo pa rin.”

 

 

“My dream body.”

 

 

“Macho!”

 

 

“huy ka yummy!”

 

 

Pero siyempre,  natuwa ang mga fan niya na vaccinated na nga si Alden.

 

 

Sey ng isang comment, “We stan a responsible and vaccinated heartthrob.”

 

 

Pero true naman, kahit kami, napansin din na sa lahat yata ng nagpabakunang celebrities, aba, ang bida ng primetime series ng GMA-7 na The World Between Us na si Alden ang papasang endorser ng vaccine sa picture na pinost niya.

(ROSE GARCIA)

9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

 

 

Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .

 

 

Kinilala ang mga pina-deport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke  at Ichimura Shuichi.

 

 

Ang siyam ay kabilang sa sindikato na sangkot sa telecom fraud at extortion, na inaresto sa isang hotel sa Makati City noong  November 2019 ng mga ahente ng BI’s Fugitive Search Unit.

 

 

“They were involved in voice phishing and telephone fraud operations that targeted Japanese,” ayon kay  BI Commissioner Jaime Morente.

 

 

Matatandaan na sampu pa sa kanila ay pina-deport kamakailan upang harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

 

 

Ang mga pugante ay inilagay na rin sa BI’s blacklist upang hindi na makabalik ng bansa.  (GENE ADSUARA)

Two Korean Blockbuster Movies: METAMORPHOSIS & THE THRONE On VIVAMAX

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THIS July, get ready for a hair-raising, heart-stopping movie experience that only VIVAMAX can bring, with two Korean blockbuster movies: METAMORPHOSIS & THE THRONE.

 

 

Get ready to face your fear with the star-studded horror thriller film, METAMORPHOSIS now streaming online.

 

 

Married couple Gang-goo (Sung Dong-Il) and Myung-Joo (Jang Young-Nam) and their three kids move into a new home, but bizarre and terrifying things started happening to the family. The last straw is when the devil transforms into one of the family members and started hurting them. The eldest of the children finally calls their uncle Joong-Soo (Bae Sung-Woo), a Catholic priest who performs exorcisms to help them deal with the devil in the family.

 

 

On July 29, time travel to what is believed to be the most tragic story of the Joseon Dynasty in THE THRONE.

 

 

Set during the reign of King Yeongjo (Song Kang-ho), it is the life story of Crown Prince Sado (Yoo Ah-in), the heir to the throne who was deemed unfit to rule. And at age 27, he was condemned by his own father by locking him in a rice chest for eight days because he plotted to assassinate the king. Inside the rice chest, prince Sado starts hallucinating which worsens what is believed to be his mental problems.

 

 

Watch METAMORPHOSIS & THE THRONE and more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store.

 

 

For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account. You can also subscribe at web.vivamax.net, select a plan and you can pay through EC Pay outlets: 7 Eleven, and All Day, or through PayMongo, GrabPay, and GCash or through PayMaya.

 

 

For payment thru E-commerce, you may choose from Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, PayMaya, or Globe One. For payment thru authorized outlets, you may choose from Load Manna, ComWorks, and Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier, Palawan Express.

 

 

You can also call your local Cable Operators to subscribe to VIVAMAX: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Vivamax is also available in the Middle East! To our dear fellow Pinoys in UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, watch all you can for only AED35/month. In Europe, Vivamax can be streamed for only 8 GBP/month. Vivamax, atin ‘to!

 

 

More affordable, more ways to subscribe, more time to watch-all-you-can so #SubscribeToTheMax now to the country’s Pambansang Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Higit 1.2 milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa Quezon City

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniulat kahapon ng Quezon City government na umabot na sa 1,257,658 doses ng CO­VID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente sa ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program, healthcare wor­kers, staff at mga volunteers, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, Hulyo 25, 2021.

 

 

Anang lokal na pamahalaan, sa kabuuan ay 776,569 na ang mga residenteng nabakunahan ng first dose sa lungsod, sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Ito ay 45.68% ng 1.7 milyong populasyon na target mabakunahan ng lungsod upang makamit ang population protection laban sa COVID-19. Malaking bagay anila ito lalo na ngayong may Delta variant na sa bansa, partikular na sa Metro Manila.

 

 

Samantala, nasa 481,089 residente na o 28.30% ng target population ang nakatanggap na ng kanilang second dose o fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa lungsod.

 

 

Patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magparehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Ang mga nabibigyan anila ng schedule ay alinsunod sa first in, first out system o prayoridad na mabakunahan ang mga naunang nakapagrehistro, depende pa rin sa supply ng bakuna na dumarating sa lungsod.

 

 

Maaari anila nilang bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at abangan ang iba pang anunsyo sa kanilang official Facebook page o kaya bisitahin ang  https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.

Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.

 

 

Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.

 

 

“I apologize for any hurt feelings and stress this has caused the PBA and to my team, the NLEX Road Warriors,” ani Ravena.

 

 

Partikular na tinukoy ni Ravena ang PBA Board of Governors at si  PBA commissioner Willie Marcial na nabigla rin sa anunsiyo ng Shiga noong Mayo.

 

 

“I specifically want to apologize to the PBA Board of Governors and Commissioner Willie Marcial who I know are doing their best to lead the PBA and mee­ting the changes and challenges brought about by the pandemic,” ani Ravena.

 

 

Humingi rin ng paumanhin ang dating Ateneo Blue Eagles standout sa mga fans na nakaabang sa bawat kaganapan sa kanyang Japan stint.

 

 

“Most especially I want to apologize to the PBA fans for the controversy and the distraction. It was not my intention,” dagdag ni Ravena.

 

 

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa NLEX at PBA dahil napayagan na itong makapaglaro sa international league na isa sa kanyang pangarap noon pa man.

 

 

Wala pang petsa kung kailan magtutungo si Ra­vena sa Japan para simulan ang training camp nito kasama ang Lakestars.

 

 

Makakaharap ng Shiga sa opening day ng Japan B.League ang San-En NeoPhoenix na koponan ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ra­vena.

Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.

 

 

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong mas nakahahawa ang Delta subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.

 

 

“..it is three times more contagious than the original SARS COV-2 virus,” ani Salvaña sa IATF mee­ting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi.

 

 

Kung dati aniya na may tatlong araw pa bago makahawa ng tao ang COVID-19 variants, ang Delta ay mas maikling oras lang o 30 oras ay puwede nang makahawa ng iba. habang ang mga sinasabi aniyang close contacts na may 15 minuto, sa Delta ay 1-2 minuto lang ay pwede nang makahawa.

 

 

Gayunman, ani Salvaña, umaasa siya na ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagkalat ng nasabing variant ay tama.

 

 

“Face shield, face mask, physical distancing and of course we have to vaccinate everyone. We need to make sure na maglevel up ang ating compliance because the variant has levelled up,” ani Salvaña.

 

 

Dapat din aniya na tuluy-tuloy lang ang pagbabakuna laban sa CO­VID-19 at kung magagawang mas paspasan pa ay mas mabuti, at kasabay ng pagsunod sa health protocols ay maa­ring hindi matulad ang Pilipinas sa mga kalapit na ASEAN nations. (Daris Jose)

Ads July 27, 2021

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.

 

 

Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.

 

 

Ito ay kasunod na rin ng kanyang performance ngayong araw, Hulyo 24, sa Ariake Gymnastics Centre.

 

 

Sa naturang event, nakakuha si Yulo ng 14.712 record sa vault, dahilan para makuha niya ang puwesto sa top 6 spot sa finals na gaganapins a Agosto 2 ng alas-5:30 ng hapon, oras sa Pilipinas.

 

 

Kanina, sa floor exercise event, nakakuha lamang ng 13.566 points si Yulo, pang-44 sa lahat ng mga atleta.

 

 

Pang-47 naman siya sa individual all-around final berth matapos makakuha ng total na 79.931 points.

 

 

Pagdating naman sa rings, nakuha ni Yulo ang 24th place sa score na 14.0000.

 

 

Nakakuha naman siya ng 13.466 sa parallel bars para sa 55th place, at pang-63 sa horizontal bars matapos makuha ang 12.300 score.

 

 

Sa pommel horse, mayroon namang 11.833 score si Yulo.

Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category.

 

 

Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa judges.

 

 

Sa panayam kay Nolito Velasco, head coach ng Philippine Women’s Boxing team, sinabi nito na nagsilbing “warm-up” para kay Petecio ang face off nila ni Matshu.

 

 

Nag-review rin daw si Velasco sa mga nakaraang laban nina Lin at ni Petecio para mas maihanda ang Pinay boxer pagdating sa Round of 16 bout nito bukas, Hulyo 26, ganap na alas-12:39 ng tanghali.

 

 

Kailangan din aniyang manalo si Petecio sa laban kay Lin para makapasok ito sa quarter finals at magarantiya ang kahit bronze medal para sa Pilipinas.

 

 

Ayon pa sa head coach, nagpapasalamat si Petecio sa mga kababayang Pilipino lalo na sa mga Dabawenyo na nagpapakita sa kanya ng suporta.

55 Delta variant ng COVID-19 naitala sa bansa

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.

 

 

Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus.

 

 

Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na.

 

 

Nasa 37 sa mga dito ay local cases habang 17 naman ay mga returning overseas Filipinos (ROF) na ang isang kaso ay kanilang mahigpit na biniberipika.

 

 

Sa 37 na local cases ay mayroong 14 kaso ay mula Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), walo dito ay mul asa Northern Mindanao, anim na kaso ay sa Metro Manila, anim sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa sa Ilocos Region.

 

 

Dahil dito ay sinabi ng DOH na kailangan ngayon ng gobyerno ng mas mabilis na implementasyon ng response strategies. (Daris Jose)