• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 1:21 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Malaysia at Thailand, kasama na sa mga bansang inaprubahan ni PDu30 na may travel ban

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw.

 

Ang mga ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas.

 

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na  ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama sa travel ban. Ulitin ko, kasama na  sa mga bansang may travel ban .. ang bansang Malaysia at ang Thailand,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ito aniya ay magsisimula ng 12:01AM ng July 25, 2021 hanggang 11:59PM ng July 31, 2021.

 

“Hindi pupuwedeng pumasok ngayon bukod pa doon sa mga bansang may travel ban na ang manggagaling sa Malaysia at Thailand. Lahat ng naka-transit na  o papunta na ng Pilipinas at lahat ng darating “14 days immediately preceding arrival to the Philippines, pero bago po ng 12:01AM ng July 25, 2021, ay pupuwede pa rin pong makapasok sa bansa pero “subject to full 14 day facility quarantine, notwithstanding” kung negatibo ang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa niya na ang travel restrictions, ay “subject sa usual exceptions na iyong mga filipino na kabahagi ng repatriation at special commercial flights ay pupuwede pong pumasok ng Pilipinas subalit kailangan na sundin ang “prescribed testing at quarantine protocols.”

 

“This action is undertaken to prevent the further spread and community transmission of COVID-19 variants in the Philippines,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

NCR, 4 pang lalawigan, inilagay sa GCQ with heightened restrictions – IATF

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula ngayong araw, July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maliban sa NCR, isinailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur na dati ng nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

 

Mula naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang Davao de Oro at Davao del Norte ay inilagay na sa GCQ with heightened restrictions simula July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

“As these areas will be placed under GCQ with heightened restrictions, children five years old and above will not be allowed to go to outdoor areas, as provided for under IATF Resolution No. 125 (s.2021),” ani Sec. Roque.

 

 

Samantala, muling ipinagbawal  na lumabas  ang mga batang 5-taong gulang pataas dahil sa umiiral na “GCQ  with heightened restrictions sa Metro Manila at 4 pang probinsya. (Daris Jose)

OCTA group nanawagan sa gobyerno na agapan paghigpit vs sa Delta variant

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang OCTA Research Group na magpatupad na ang gobyerno ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso muli ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

 

 

Hindi rin dapat balewalahin ang pagtaas ng coronavirus infections sa Metro Manila dahil sa posibleng dulot na ito ng mas nakakahawang Delta variant.

 

 

Ayon sa naturang independent group hindi aniya sapat ang kasalukuyang general community quarantine status without restriction at kailangan na ipatupad ay ang mas mahigpit na quarantine status o restrictions sa NCR.

 

 

Ang tama at sapat na intervention kabilang ang lockdown na samahan pa ng pinalawig na testing at contact tracing ang dapat ipatupad ng gobyerno.

 

 

Nauna nang inamin ng Department of Health na nagtala na sila ng local transmission ng Delta variant.

 

 

Sa pinakabagong pagtukoy ng DOH meron na namang 12 bagong kaso na nahawa ng Delta variant sa bansa. (Gene Adsuara)

Construction worker timbog sa 328 grams marijuana

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio St., Brgy. Daanghari.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Bacog, Block 3, Brgy. Daanghari.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng marijuana.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang pastic ice bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may corresponding standard drug price (SDP) P39,360.00, buy-bust money, at isang eco bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

JULIE ANNE, dream come true na makita ang billboard ads sa Times Square; kasama ang ‘Free’ sa EQUAL Playlist ng Spotify

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na dream come true sa kanya na makita ang billboard ads niya sa pamosong Times Square sa New York City.

 

 

At nangyari na nga ito dahil sa EQUAL Playlist ng Spotify.

 

 

Pinost niya sa kanyang Instagram ang photos at may caption na, “WE MADE IT TO TIMES SQUARE, NEW YORK!!!  @spotify! This is a dream come true!

 

“Thank you everyone for the undying support and love! Please continue to support all artists from around the world by checking out the @Spotify Equal Playlist and listening to the music of all these amazing and talented women.

 

“You may also watch the music video of FREE: https://www.youtube.com/watch?v=dzA8dTwgV5c
“I couldn’t have made it here without you guys! Maraming maraming salamat at mahal ko kayong lahat!”

 

 

Ang EQUAL campaign ng Spotify ay pagsuporta sa mga female creators saan man panig ng mundo para i-promote ang gender equality sa music industry.

 

 

Tuwang-tuwa naman ang mga celebrity friends ni Julie Anne, ganun ang iba pang Kapuso stars tulad nina Lovi Poe, Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha, Edgar Allan Guzman, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Aicelle Santos, Jerald Napoles, Sophia Pablo, Ruru Madrid, Cacai Bautista, Lovely Abella, David Licauco, Jeric Gonzales, Inah de Belen, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Kris Lawrence, Mariz Umali, Direk Louie Ignacio at marami pang iba.

 

 

Nag-congratulate din ang Universal Records PH at pinasalamatan ang Spotify Asia na kung saan cover photo ang singer/actress ng EQUAL Philippines Playlist ngayong buwan ng Hulyo.

 

 

Kasama rin ang latest single niya na “Free” sa EQUAL Global Playlist.

 

 

***

 

MAGHANDA sa biggest and most gripping battle sa pagitan ng bearers of the Agila at mystic powers ng Bakunawa sa final episode ng top-rating fantasy drama series ng GMA Network, ang Agimat ng Agila.

 

 

Ang original series ang nagsilbing pagbabalik-telebisyon ng well-loved and versatile actor Ramon “Bong” Revilla, Jr. na gumanap bilang Major Gabriel Labrador.

 

 

Nakasama niya ang stellar roster of cast na kinabibilangan nina Sanya Lopez as Maya Lagman, Elizabeth Oropesa as Nanay Berta, Roi Vinzon as Alejandro Dominguez, Benjie Paras as Sgt. Wesley Dimanahan, Allen Dizon as Capt. Gerry Flores, Michelle Dee as Serpenta, EA Guzman as Julian, Miggs Cuaderno as Bidoy, at Ian Ignacio as Malvar.

 

 

Sa previous episode, natanggap ni Gabriel (Bong) ang poisonous kiss mula kay Serpenta (Michelle) after ng pakikipaglaban niya kay Maya (Sanya) na nasa ilalim ng mystic powers ng bertud ng Bakunawa.

 

 

Gabriel embarks on a journey para i-rescue si Maya sa estranged father nito na si Alejandro (Roi), para tapusin na ang wicked ploys ngayong taglay niya ang venomous powers ng Bakunawa.

 

 

Magtagumpay kaya ang nagtataglay ng Agimat ng Agila laban sa nagmamay-ari ng bertud ng Bakunawa?

 

 

Samantala, dahil sa natanggap na  positive feedback at high ratings ng show, labis na nagpapasalamat si Bong sa viewers at mayroon siyang exciting revelation, “Nakakataba ng puso na mahal pa rin tayo ng viewers, lalong-lalo na ng mga Kapuso. Sa init ng kanilang pagtanggap, para na rin tayong hindi nagpahinga sa paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Kaya mas nakaka-inspire pagandahin ang Agimat ng Agila. Regalo namin ito sa kanila.

 

 

Mas may malaki pa kaming regalo na nag-aabang sa ating viewers kaya tumutok lang po sila.”

 

 

Kaya ‘wag palagpasin ang exciting finale ng Agimat ng Agila na mula sa direksyon ni Rico Gutierrez ngayong July 24, 7:15pm, sa GMA-7.

 

 

Para sa viewers abroad mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Available din ang program for streaming via iQiyi International or IQ.com for subscribers in the Philippines.

(ROHN ROMULO)

DOMINIC, ‘guwapong-guwapo sa sarili’ at masuwerte kay BEA ayon sa netizens; trending ang photo na magka-holding hands

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TRENDING na naman dahil pinag-uusapan ang netizens ang photo na magka-holding hands sina Bea Alonzo at Dominic Roque, kasama ang isang kaibigan na kuha sa Japanese resto.

 

 

Nag-viral din ang photo ng rumored couple nang makitang magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo, na tiyahin ni Dominic at malapit talaga sila.

 

 

Sakto rin ang pagsi-celebrate ni Dominic ng kanyang 31st birthday kasama si Bea sa Amerika at hindi na nga maitatago ang sweetness nila sa isa’t-isa.

 

 

Kaya naman tuwang-tuwa na naman ang netizens, dahil mukhang out na talaga sina at Bea at Dom sa kanilang relasyon, at pag-amin na lang ang kulang.

 

 

Comments nga nila:

 

“They looks so good together, mas bagay sila kesa kay budoy.”

“matagal na nagcelebrate sila anniv sa amanpulo.”

“I wish them happiness. I don’t have an opinion on whoever one chooses to be in life. I’m for happiness and peace.”

“Holding hands while eating naol kainggit.”

“Napunta si Bea, sa isang GGSS na lalaki at pampam. Goodluck na lang.”

“GGSS din comment ko kay guy nung una pero kung mabait naman, may pera, mahal siya at gwapo pa abay why not. Ang pogi naman pala dati d ko siya bet.”

“Porke pogi GGSS agad. Haaayyyy.”

“We don’t know everything about him. If that’s his only weakness/fault aba what a good deal.”

“Deserve na deserve nya ang GGSS. Ang guwapo, kinis, mestizo, at masculado kaya nya, ahahayyy!”

“Both single. Why not? Congrats.”

“Bagay na bagay!”

“Swerte ni dom huhu.”

“Ikaw ba nman maka makakuha ng girl na super yaman daig mo pa naka jackpot sa lotto.”

“aanhin mo ang yaman if wala kang lovelife.”

“Beautiful couple.”

“Mukhang super happy ni bea dito.”

“Blooming talaga si B!”

“Parehong yummy looking. They are lucky to have each other and I could just imagine the cutest babies they will have. Sana sila na magkatuluyan talaga.”

“Konti na lang, magiging POWER COUPLE na sila. Go-go-go!”

“Good for them…they didn’t step on anyone’s feelings nor deceived anyone…go for it…a peaceful mind is important..at end of the day you can sleep knowing what you obtained is solely on the merits of good vibes…trust me Bea’s the “time ultimate truth teller ” really reveals itself…”

“ang gaan ng dating nila 🙂 so nice!”

“God Bless them. Love love love ko talaga si Bea at Dom.”

 

 

***

 

 

KAHIT may mga nanglalait ay nakasuporta ang fans at followers ni Kisses Delavin na nakapasok sa Top 100 sa Miss Universe Philippines 2021 pageant.

 

 

Kaya pala matagal din siyang nag-lie low sa social media at this week lang uli siya nag-post sa Instagram para sa pag-join niya sa national beauty pageant.

 

 

Sa kanyang IG post na may caption na, “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!”

 

 

“2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie. Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta!”

 

 

Dagdag pa niya, “Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!”

 

 

Inamin din ng young actress na may offer sa kanya na mag-join sa Miss World Philippines 2021 ngunit tinanggihan daw niya ito dahil mas pinili na mag-compete sa Miss Universe Philippines.

 

 

Samantala, in-announce na kung saan gaganapin ang 70th Miss Universe competition, ito ay sa Eilat, Israel sa December, 2021.

(ROHN ROMULO)

Doctor Strange’s Benedict Wong, Excited To Return For ‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Doctor Strange’s Benedict Wong talks his excitement to return to the Marvel Cinematic Universe as Wong in Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

 

 

Wong first made his MCU debut as the librarian of Kamar-Taj in 2016’s Doctor Strange, with his role deviated from the comics as a teacher of the new Sorcerer Supreme rather than a servant of Strange. He has since appeared in Avengers: Infinity War in the first act fight against Ebony Maw and Cull Obsidian and Avengers: Endgame as one of the multiple sorcerers who open the various portals to bring the Avengers and their allies into the battle against Thanos.

 

 

After nearly two decades of attempting to get a solo Shang-Chi film off the ground, the ball finally got rolling in late 2018 when David Callaham was tapped to pen the script and co-writer/director Destin Daniel Cretton joined in early 2019 and Simu Liu officially set to lead the film later that year.

 

 

Initially seeing another speed bump in its production due to the ongoing COVID-19 pandemic, production officially wrapped in October last year and a release set for September 3. In addition to some well-choreographed martial arts and a culturally-rich world, the trailers for the film featured a true surprise with the arrival of Wong and vieweers weren’t the only ones happily surprised to see the character’s return.

 

 

Wong recently caught up with SYFY Wire to discuss the upcoming supernatural drama Nine Days and the conversation came around to his impending MCU return in Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings.

 

 

Though keeping his lips sealed on the exact details of his return, the actor did express his rollercoaster of emotions of initially wondering whether he’d be left out of the film to getting the call asking for his reprisal and honor of joining its authentic cast.

 

 

According to Wong, “When Shang-Chi was happening, I was so pleased that it was happening but I was a little kind of crestfallen I wasn’t a part of it. And then the call [from Marvel Studios] came. And I was like, ‘Yes!’ And then to be sat at a table of Asian excellence, it was amazing. And I’m a big fan of all of those artists. Tony Leung (In the Mood for Love) is a massive idol of mine. So it’s been constant surprises, that’s what [the role of Wong] gives me.”

 

 

With the interconnected nature of the MCU, characters’ returns are seemingly both set in stone and a complete unknown for the actors behind the extensive character roster. Though Shang-Chi may open the door to the return of Iron Man 3 characters given The Mandarin’s larger role in the former after the multiple fake-outs in the latter, it’s very intriguing to have Doctor Strange‘s Wong and The Incredible Hulk‘s Abomination included.

 

 

It’s also a really humbling and sweet treat to hear Wong elated over getting to work with Tony Leung, his “massive idol,” on the film. Though he may not have ultimately had any scenes with the Mandarin actor, to simply get to be a part of the project with Leung is sure to be a dream come true for both Wong and audiences alike. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

4 drug suspect timbog sa buy bust sa Valenzuela

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapo ng umaga.

 

 

Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa harap ng walang numerong bahay sa Matiyaga St. Area 3, Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Agad inaresto ng mga operatiba si Gilbert Evangelista, alyas Berto, 29, ng Navotas City at Joan Macaspac, 25, matapos umanong bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy-bust money, P500 cash, 2 cellphones at pouch.

 

 

Nauna rito, dakong alas-9 ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa buy-bust operation sa labas ng kanilang bahay sa F. Alcanar St., Brgy. Wawang Pulo si Reilando Manalo alyas Toto, 42, at kanyang live-in partner na si Mary Jane Castillo, 46.

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

BEAUTY, na-meet na ang young actor na si KELVIN na magiging ka-partner sa upcoming mini-series

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“ONE of my most challenging roles,” ang sagot ni Jim Pebanco when asked to describe his role as a cybersex den operator sa Lockdown.

 

 

“Noong nabasa ko pa lang, tuwang-tuwa na ako kasi ang ganda ng role at ang ganda ng script. Kaya pinag-aralan ko talaga mabuti ang script,” sabi ni Jim.

 

 

“Dapat iba ito sa ibang roles na nagawa ko na. Sa bawat role na gagawin ko, kailangan may iba akong ipakikita in terms of acting.

 

 

“Isa sa eksenang nahirapan ako ay ‘yung Russian Roulette. Nakakatakot yung eksena. Bago naming kinunan ang eksena, pina-check ko talaga na walang bala ‘yung baril. Delikado kasi ang eksena,” kwento ni Jim.

 

 

Paano ginampanan ang role mo bilang bading tapos nakita mo halos lahat sa mga co-stars mo?

 

 

“Just focus on the role. Kasi pare-pareho kaming kapit sa patalim. Ang iniisip ko we are doing these things for survival.”

 

 

Inamin ni Jim na dahil sa pandemya, nagkaroon siya ng depression at anxiety. Pero nakatulong naman daw ang depression niya to add meat to his performance.

 

 

Paano ka naapektuhan ng pandemic?

 

 

“Nagkaroon ako ng anxiety kasi ‘yung uncertainties. Hanggang kailan kaya ito saka ako kaya ang mangyayari sa atin? Sa totoo lang, muntik na akong masiraan ng ulo. Tapos my sister was dying at that time.    “Ayaw na niyang mabuhay. Tapos may iba pa akong mga kapatid na kailangan ko rin tulungan. Nakatulong yun sa role ko kasi naisip survival of the fittest ang kinakaharap ko,” mahabang kwento ni Jim.

 

 

When choosing a role, ang kailangan daw ay hindi pa niya ito nagagawa. At kailangan daw ito yung type of role na kailangan niyang pag-isipan.

 

 

“Gusto yung roles na nasa edge. Kasi natsa-challenge ako. May mga roles na kaya mong gawin kahit na nakapikit ka pero itong role ko sa Lockdown, pinag-isipan ko talaga kung paano ko gagawin. Hindi ka pwedeng tatanga-tanga.

 

 

“Ang maganda naman sa mga co-stars kong mga lalaki, puro game sila. Walang inhibitions.”

 

 

Sa cybersex hub ni Jim pumasok ng trabaho si Paolo Gumabao bilang cybersex worker.

 

May eksena sa movie na dapat ipapasok ni Jim ang kamay niya sa loob ng underwear ni Paolo pero di niya ginawa kahit payag naman ang binata.

 

 

“Ako ang nahiya kaya sinalat ko na lang,” natatawang sabi ni Jim.

 

 

Hanga si Jim sa tapang ni Paolo sa mga maseselan na eksena, including frontal nudity at kissing scene sa kapwa niya lalaki.

 

 

“Game na game siya basta sa ikagaganda ng eksena, sabi pa ni Jim na nag-enjoy din sa role niya bilang cybersex den operator.

 

 

Ready for streaming na ang movie sa KTX.ph.

 

 

Official entry ang Lockdown sa Asian Film Festival Barcelona. Ipalalabas din ito sa Indienation section ng Cinemalaya this August.

 

 

***

 

 

FOR the very first time, nagkita na rin sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda.

 

 

Magbibida sila sa upcoming mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette under GMA 7.

 

 

Si Kelvin ang isa most promising young actors sa Kapuso Network. He was last seen in the top-rating series The Lost Recipe.

 

 

Bagong contract star naman ng GMA Network si Beauty.

(RICKY CALDERON) 

Delta variant ng COVID-19 magiging ‘dominant’ na sa loob ng ilang buwan – WHO

Posted on: July 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Asahan na magiging dominant strain ng virus sa susunod na mga buwan ang Delta variant ng COVID-19.

 

 

Ito mismo ang naging pagtaya ng World Health Organization (WHO) matapos na maitala ang nasabing Delta variant sa 124 territories.

 

 

Dagdag pa ng WHO, maaaring mahigitan nito ang ibang variant na siyang kakalat sa maraming bansa.

 

 

Sa listahan kasi ng WHO ang Delta na variant na unang nakita sa India ay may mabilis na paghawa habang ang Alpha variant na unang natukoy sa Britain ay naiulat na nakarating sa 180 teritoryo, ang Beta naman na unang nadiskubre sa South Africa ay nakarating na rin sa 130 teritoryo at ang Gamma na unang nakita sa Brazil ay kumalat na rin sa 78 teritoryo.

 

 

Nitong buwan pa lamang ng Hulyo ay lumaganap na to sa mga bansa gaya ng Australia, Bangladesh, Botswana, Britain, China, Denmark, India, Indonesia, Israel, Portugal, Russia, Singapore at South Africa.

 

 

Tumaas ng 30 percent ang kaso nito sa Western Pacific region habang 21 percent ang pagtaas nito sa European region. (Daris Jose)