• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 7:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

5 nalambat sa buy-bust sa Caloocan at Malabon

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ni Christian Mendioro, 44, watch-listed, kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, agad ikinisa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa No. 83 Baltazar St., Brgy. 69 dakong alas-2:30 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto kay Medioro matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Malabon, natimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Albert Barot sina Hermie Fabilane, 34, Marvin Fabilane, 36, Jhon Rick Berania, 19 at Reggie Tumanday, 24, sa buy bust operation sa Dela Pena St. corner M H Del Pilar, Brgy. Maysilo dakong alas-8:20 ng gabi.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang sa 9.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,800 at P500 buy bust money. (Richard Mesa)

Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers (CDW) sa lalawigan sa pamamagitan ng online conference na isinagawa sa Zoom application kahapon.

 

 

 

Ito ay kaugnay ng programang Evacuation Center Coordination and Management (ECCM) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kahandaan ng lalawigan sa oras ng sakuna.

 

 

 

Kilala rin bilang Children’s Emergency Relief and Protection Act, nilagdaan at naaprubahan ang RA10821 noong Mayo 18, 2016, na nagtatakda ng pamantayan ng pananagutan sa mga bata tungkol sa pangangalaga at pagkakaloob ng kanilang mga pangangailangan bago, habang at pagkatapos ng isang sakuna.

 

 

 

Ayon kay Clarita Libiran ng PDRRMO, bukod sa mga bata, ang mga buntis /nagpapasuso na kababaihan at mga batang may kapansanan ay protektado rin sa batas na ito at nararapat makatanggap ng mabilisang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.

 

 

 

Bukod dito, pinangunahan din nina Ana Maria Santos at Efrida Christina Jo Zapanta mula AKAPIN, Inc., isang organisasyon ng mga magulang ng mga kabataang may kapansanan, ang basic sign language training upang turuan ang mga CDW at mga social worker na makipag-usap sa mga batang may espesyal na pangangailangan lalo na sa oras na nangangailangan sila ng tulong sa isang hindi inaasahang pangyayari, kalamidad o sa kanilang pananatili sa evacuation center.

 

 

 

Binigyang diin naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng gampanin ng mga social worker at mga child development worker sa paggabay at pag-unawa sa mga kabataan lalo na sa panahong sila ay pinaka kailangan.

 

 

 

“Kayo ang katuwang ng ating pamahalaan sa pag-aalaga sa ating mga kabataan lalo na sa panahon ng sakuna. Tayo, bilang ginamit ng Panginoon upang tumulong at maglingkod, ito ay panawagan ng sakripisyo at pag-unawa para maiangat ang dangal ng ating mga kabataan at ating mga kalalawigan. Sinusuportahan po natin ang mga ganitong layunin para sa ating mga kabataan lalu na ‘yong mga batang may special needs,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

“At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito na rin ang kahuli-hulihang SONA ko bilang tagapagsalita, so hindi lang po si Presidente ang magpapaalam,” anito.

 

Sa ngayon ay patuloy ang gagawin niyang pakikipagtulungan sa mga miyembro ng media at pagdadala ng mga balita at mga impormasyon na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi pa niya na nagagalak siya sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging instrumento na isulong ang freedom of information ng taumbayan.

 

Sa kabilang dako, magpapa-schedule naman si Sec. Roque ng “thorough physical check-up” bago po dumating ang buwan ng Setyembre para malaman kung ano talaga ang estado ng kanyang kalusugan.

 

Ayaw namang umasa ni Sec. Roque sa kung ano ang magiging resulta ng kanyang medical conddition sa naka-iskedyul na pagpapa-check up niya.

 

“Well, titingnan po muna natin iyan. Ayaw ko na po munang umasa ‘no dahil noong minsan, tayo po ay umaasa eh hindi naman pupuwede dahil sa ating medical condition ‘no. So pinagdadasal po natin iyan at titingnan po natin kung ano ang sasabihin ng mga doktor,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, isa si Sec.Roque sa sinasabing kasama sa inisyal na listahan ng inaayos ng Pangulo na magiging manok nito sa pagka-senador sa 2022 elections. (Daris Jose)

MAINE, thankful na endorser uli ng company na unang nagtiwala sa kanya; ramdam pa rin ang pagiging ‘Phenomenal Star’

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM na ramdam pa rin ang Phenomenal Star na rami ng ganap ni Maine Mendoza lalo na ngayong buwan ng Hulyo.

 

 

Patuloy siyang mapapanood sa Eat Bulaga bilang host na nagsi-celebrate ng 42nd Anniversay ngayong July 30.

 

 

Patok pa rin sa viewers ang Daddy’s Gurl every Saturday with Bossing Vic Sotto sa GMA-7 at host sila ni Dabarkads Paolo Ballesteros sa PoPinoy: The Search for the Next-Gen P-Pop Stars every Sunday naman sa TV5.

 

 

At ngayong August 2 sa pagbubukas ng BuKo Channel, mapapanood na rin ang first vlog-like lifestyle show niya na #MaineGoals na inilabas na ang kuwelang teaser, exclusively ito sa Cignal TV at SatLite CH. 2 na bago niyang ini-endorse.

 

 

Available din LIVE sa Cignal Play for FREE until September 30.

 

 

Siya rin ang napili at perfect na maging new endorser ng GigaPay, ang innovative collaboration ng Smart and PayMaya sa pamamagitan ng GigaLife App.

 

 

Kaya naman ang laki ng pasasalamat ni Maine dahil muli siyang kinuhang endorser.    Inalala niya na ang TNT ng Smart ay isa sa first endorsements noong 2015, na simula ng AlDub nila ni Alden Richards, na nag-celebrate naman ng simpleng 6th anniversary ang AlDub Nation at anniversary na rin niya sa showbiz industry.

 

 

Ayon kay Maine na under pa rin ng Triple A (All Access to Artists) management, It was such a big deal for me to get the trust of the biggest telco brand in the country at that time. Now, I’m so happy to be back to promote a smarter way to pay and proudly say, ‘Simple, Smart Ako’”

 

 

Sa ginanap na launch ng GigaPay with PayMaya, pinaliwanag ni Smart SVP and Head of Consumer Wireless Business Jane J. Basas kung bakit perfect endorser ang 26-year old actress/host sa bagong GigaLife App service, “Maine has really come a long way. She has inspired many content creators with her journey, and we know that she can urge more Filipinos to harness the power of the Internet and social media when it comes to pursuing their dreams.” 

 

 

Dahil sa GigaPay with PayMaya magiging mas simple at mas madali na para subscribers ng Smart Prepaid, Smart Postpaid, Smart Bro, Prepaid Home WiFi, at TNT na makabili ng load at mag-subscribe sa mga promos para palaging connected online anytime and anywhere.

 

 

Kahit si Maine ay nakaka-relate dito.

 

 

“We’ve all run out of data while doing something important, and we know it’s such a big hassle.  GigaPay addresses that so nothing gets in the way of your passions,” sabi pa niya na palaging nagri-reach out sa kanyang fans on social media.

 

 

Dagdag pa ni Maine, “There are more platforms today than when I started six years ago, which means there are more ways to discover what you’re good at, try different hobbies, and improve your craft online. You just need to be connected all the time – and you can now rely on the GigaLife App for that.

 

 

***

 

 

MARAMI ang natuwa sa twitter post ni Sandara Park tungkol sa nag-iibang Summer season sa Seoul, South Korea.

 

 

Ayon kasi sa tweet niya, “Alam nyo ba mas mainit ang Korea ngayon compare sa Phil?! Grabe…” na may kasamang mga emojis na loudly crying face, hot face, face with open mouth and cold sweat at anim na fire, kaya ramdam talaga kung gaano kainit ang araw na ‘yun.

 

 

Iba’t-iba ang naging reaction ng netizens, may mga nag-agree sa kanyang post, at hindi pagbabago ng hitsura at higit sa lahat, hindi pa rin niya nakakalimutan ang Pilipinas.

 

 

Ilan nga sa comments nila:

 

 

“Yup thats true. Iba ang summer sa Korea, kaya ang gov nila kahit sa mga open wet markets may pa aircon/exhaust tapos sa streets may mga big umbrellas. Yung init nila dun is dry, iba sa init dito sa pinas pag summer.”

 

 

“Ayaw ko ng humid kc masyado malagkit Sa katawan! Yun bang kakalabas mo Lang ng banyo after mo maligo tpos pinagpapawisan ka na.”

 

 

“Basta may winter ang isang bansa, extreme ang summer nila. My friend from korea sabi 40° Or up ang weather nila pag summer.”

 

 

“kahit sa japan iba init pagsummer kaya marami namamatay sa heat stroke.”

 

 

“Ok lang yan Dara atlis kapag fall, winter at spring babalik na kayo sa lamig. Dito malamig lang kapag December hanggang February at kapag umuulan ng malakas. Mas bet ko pa din klima diyan kaysa dito.”

 

 

“True! I experienced summer in both Japan and Korea already and nakaka heat stroke siya. In Japan, they even sell cold towels that you can put around your neck kasi ganun level yung init.”

 

 

“Ok lang yan Sandara kyo nga covid cases niyo pag nag hit lang ng 1k medyo alarming na sa inyo, gumagawa na agad kayo agad ng protocols and restriction eh dito sa Pilipinas 6k every day … parang wala lang sa Pilipinas “hu u” covid ang ganap sa amin. Madami din Matigas ang ulo. Saan ka pa? Tiisin mo na lang init tutal natiis din namin. Ang init the past few months. LOL”

 

 

“balik muna sya dito tapos pag winter na, balik na sya sa SK.
haaay nakakamiss na magtravel.”

 

 

“Mas mainit pa Florida kesa Pilipinas grabe humidity dito.”

 

 

“Wala pa rin yan sa init dito sa middle east lalo n sa oil and gas.”

 

 

“The humidity makes summer excruciating in Korea (also Japan). Advisable not to visit and go on tour during this season. Winter in Korea is extreme as well, minus 17 degrees Celsius during our stay. Imperative to be dressed accordingly.”

 

 

“Same here sa Japan. Mas malala ang summer than in the Ph.”

 

 

“Imagine yung naka face shield pa sa Pinas. Mapa summer or tag ulan. I went out to do grocery shopping and soon as I left the store, fogged up na face shield ko. Even wiping it down won’t work. I wonder if the ones who force us to wear it has tried running errands donning one.”

 

 

“Yup, the earth is warming. Even here in Canada, summers are getting so hot and winters are getting milder.”

 

 

“grabe ang ganda pa rin ni Sandara kahit na mainit ang panahon.”

 

 

“Hindi tumatanda ganun parin mukha nya since star circle quest days.”

 

 

“kutis porcelana.”

 

 

“Bakit parang lalong gumanda si Sandara? Bagong pic ba yan?”

 

 

“Buti pa si Dara matatas magtagalog. I also wanana learn narin Hangul.”

 

 

“bilib din ako kay dara eh. di pa rin nakakalimot sa ph.”

 

 

“Di tulad ng ibang pinoy makapunta lang sa ibang bansa parang foreigner na pagbalik.”

(ROHN ROMULO)

Highly Anticipated Epic Film ‘Dune’, Reveals New Trailer And Character Posters

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OSCAR nominee Denis Villeneuve (“Arrival,” “Blade Runner 2049”) directs Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures’ Dune, the big-screen adaptation of Frank Herbert’s seminal bestseller of the same name.

 

 

A mythic and emotionally charged hero’s journey, Dune tells the story of Paul Atreides, a brilliant and gifted young man born into a great destiny beyond his understanding, who must travel to the most dangerous planet in the universe to ensure the future of his family and his people.

 

 

As malevolent forces explode into conflict over the planet’s exclusive supply of the most precious resource in existence—a commodity capable of unlocking humanity’s greatest potential—only those who can conquer their fear will survive.

 

 

Check out the new trailer: https://www.youtube.com/watch?v=1wTsUnS32HY and character posters for Warner Bros. Pictures’ highly anticipated Dune and watch the epic adventure only in Philippine cinemas soon.

 

 

The film stars Oscar nominee Timothée Chalamet, Rebecca Ferguson, Oscar Isaac, Oscar nominee Josh Brolin, Stellan Skarsgård, Dave Bautista, Stephen McKinley Henderson, Zendaya, David Dastmalchian, Chang Chen, Sharon Duncan-Brewster, with Oscar nominee Charlotte Rampling, with Jason Momoa, and Oscar winner Javier Bardem.  

 

 

Villeneuve directed Dune from a screenplay he co-wrote with Jon Spaihts and Eric Roth based on the novel of the same name written by Frank Herbert.

 

 

Villeneuve also produced the film with Mary Parent, Cale Boyter and Joe Caracciolo, Jr.  The executive producers are Tanya Lapointe, Joshua Grode, Herbert W. Gains, Jon Spaihts, Thomas Tull, Brian Herbert, Byron Merritt and Kim Herbert.

 

 

Dune was filmed on location in Hungary and Jordan.  The film opens soon in Philippine cinemas from Warner Bros. Pictures and Legendary.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #DuneMovie

(ROHN ROMULO)

GLAIZA, magko-concentrate sa dalawang international films dahil tapos na ang lock-in taping ng ‘Nagbabagang Luha’

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUNTIK na palang mahimatay si Glaiza de Castro sa isang matinding eksena sa GMA Afternoon Prime teleserye na Nagbabagang Luha.

 

 

Kinuwento ng aktres na dahil naapektuhan siya sa kinukunang mabigat na eksena, bigla raw siyang hindi makahinga nang maayos.

 

 

“May isang eksena na hindi talaga ako makahinga. As in naninikip ‘yung dibdib ko kasi may isang eksena doon na sobrang bigat tapos kinikimkim ko kasi ‘yung gusto kong sabihin.

 

 

So, nakapikit lang ako for like 30 minutes tapos kinakalma ko ‘yung sarili ko until nag-calm na rin ‘yung nerves ko.”

 

 

Nagpapasalamat si Glaiza na naging maganda ang pag-guide sa kanyang ni Direk Ricky Davao sa mga mabibigat na eksena. Gusto raw niyang bigyan ng sarili niyang interpretasyon ang role na Maita na unang ginampanan ni Lorna Tolentino sa 1988 original movie.

 

 

“Hindi lang si Direk Ricky ang gusto kong pasalamatan kundi pati ang buong cast and crew dahil sa dedikasyon nila sa project na ito. Kahit na inabot kami ng ilang buwan bago matapos, walang nabago sa level ng energy tuwing babalik kami for the lock-in taping.

 

 

“Bilib ako sa energy ni Rayver Cruz, sobrang animated kasi siya, malaki ‘yung mga galaw niya tapos mahilig siyang magpatawa. Si Mike Tan naman iba naman ‘yung humor niya, mga simpleng hirit pero nakakatawa.

 

 

Si Claire Castro naman, siya ang bunso namin sa taping. Parang magkapatid na talaga kami at nakakabilib ‘yung pinakita niyang acting considering na ito ang unang teleserye niya.”

 

 

Dahil natapos na taping ni Glaiza, puwede na siyang mag-concentrate sa dalawang international films na gagawin niya.

 

 

Isa rito ay ang produced ng Canadian Film Society at ididerek ng isang Filipino-Canadian filmmaker. Yung pangalawa ay gagawin sa Korea kung saan makakasama niya ay mga Korean actor.

 

 

***

 

 

SA wakas at nagkita na rin sina Heart Evangelista at Richard Yap na magtatambal sa GMA teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Kalat na sa social media ang photoshoot na ginawa nilang dalawa para sa promotion ng teleserye.

 

 

Maraming netizen ang kinilig kina Heart at Richard dahil bagay na bagay silang dalawa. Para raw silang mga artista sa isang Korean telenovela.

 

 

Nasabi noon ni Richard na sa Zoom story conference ng teleserye pa lang niya na-meet si Heart. Ngayon ay bukod sa nagkita na sila, nagkayakapan pa sila sa ginawang pictorial.

 

 

Sey ng ibang netizen na kung hindi lang daw happily married ang dalawa, malamang na ma-develop sila sa isa’t isa. Pareho kasi silang may dugong Chinese at galing sa de buena familia.

 

 

Celeste Estrellado ang ginagampanan ni Heart na isang fashion designer and socialite. Si Richard ay si Tonito Wenceslao III. Ang isa pang leading man ni Heart ay si Paolo Contis na gaganap as Mikoy.

 

 

“Your greatest love was made to be great so the memories could last a lifetime,’ The story of ‘us,’ Mikoy and Celeste, for ‘I Left My Heart in Sorsogon.’ Soon on GMA!” post ni Heart sa social media.

 

 

***

 

 

MULING nagbalik ang pagiging kikay ni Miley Cyrus pagkatapos magpakatino ng ilang taon.

 

 

Nagbabalik si Miley sa pamamagitan ng promotion niya ng kanyang bagong merchandise line na pink muscle shirts na may nakalagay na “Miley Cyrus made me realize I am gay,”

 

 

Pinost ni Miley sa Instagram ang photoshoot niya na pantless sa ibabaw ng truck ng kanyang amang si Billy Ray Cyrus.

 

 

“IDK what @billyraycyrus is gonna be more pissed about! Me making a shirt that says ‘I  D—k’ or crawling all over his truck in my @gucci heels! Speaking of Daddy’s [sic] ask yours for 35 bucks and get the new ‘Miley made me gay’ merch on Shop.MileyCyrus.com!,” caption pa ni Miley.

 

 

Bukod sa pink shirt, binebenta rin ni Miley ang white long sleeved shirt na may drawing ng female genitals for $45.

 

 

Ang portion ng proceeds mula sa sale ng mga shirt at napupunta sa sinusuportahan ni Miley na Happy Hippie, isang non-profit organization na tumutulong sa mga LGBTQ and homeless youth.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads July 26, 2021

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives. 

 

 

Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay natupad din ang kanyang dream na maging isang teacher para matulungan niya ang mga kabataan sa kanilang lugar.

 

 

Pero mas demanding ang role niya sa Legal Wives na sa kabila ng pagiging teenager pa niya ay na-rape at kailangang pakasalan ni Dennis Trillo as Ismael Makadatu, para mailigtas sa kahihiyan.

 

 

Na-excite naman si Bianca nang malaman niyang makakatambal pala niya for the first time, sa bagong serye niya si Dennis na tulad ng isa pang legal wife dito na si Andrea Torres ay dream leading man din ang actor.

 

 

Ngayong gabi na, July 26, ang world premiere ng Legal Wives na tampok din si Alice Dixson, mula sa direction ni Zig Dulay, pagkatapos ng The World Between Us, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

INAMIN ni Kapuso actress Glaiza de Castro na nanibago siya sa pagganap ng role ni Maita sa upcoming teleserye niya, ang Nagbabagang Luha na adaptation of the movie of the same title, directed by Ishmael Bernal in 1988.

 

 

Bakit nanibago si Glaiza, ganoong isa ring family drama ang gagawin niya?

 

 

    “Nakakapanibago, kasi nasanay na akong gumanap ng strong characters, like ng role ni Pirena sa Encantadia, at ang huli kong ginawang Contessa,” sabi ni Glaiza.

 

 

“Parang bigla akong nanibago sa character na ginampanan ko rito, nahirapan din ako na laging umiiyak ang mga eksena ko. Thankful ako rito kay Direk Ricky Davao, dahil naging patient siya sa akin, lagi niya akong ginagabayan, dahil binigyan din niya ng bagong flavour ang role ko bilang si Maita.”

 

 

Pero hindi rin naman daw totally nahirapan si Glaiza na gampanan ang role, dahil tulad niya ay mapagmahal sa kanyang family si Maita, gagawin niya ang lahat para sa kanila, hindi nga siya palaban, kaya tinatanggap niya ang lahat.

 

 

Pero in real life, hindi raw siya papayag na gawin niya iyon, lalo na kung nasa katwiran siya.

 

 

Sa August 2 na magsisimulang mapanood ang world premiere ng Nagbabagang Luha na nagtatampok din kina Rayver Cruz, Claire Castro at Ms. Gina Alajar, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw, papalitan nila ang replay ng Innamorata, na nasa finale week na ngayon.

 

 

***

 

 

NAGSISIMULA pa lamang ng lock-in taping ang buong cast ng I Left My Heart In Sorsogon, pero enjoy na sila dahil sabi nga, para kang nagbabakasyon na may sweldo.

 

 

Ipinakita nga ni Mavy Legaspi sa Sarap Di Ba? lastSaturday, ang hotel room niya at kahit ang parents niyang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay happy rin.

 

 

Pare-pareho na kasi ang family nila, including Cassy Legaspi, na nakaranas ng lock-in taping ng GMA Network at wala silang mairereklamo.

 

 

Nagpasilip na rin sina Heart Evangelista at mga leading men niyang sina Richard Yap at Paolo Contis ng ilang eksena nila roon.

 

 

Tatagal ang buong cast ng one month doon dahil tatapusin na nila ang buong romantic-comedy series sa Sorsogon sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

 

 

***

 

 

BALIK-GMA Network na si Kylie Padilla, pagkatapos ng hiwalayan nila ng husband na si Aljur Abrenica. 

 

 

Nakatira muna si Kylie at ang dalawang anak niyang sina Alas at Axl sa bahay ng amang si Robin Padilla sa Fairview.

 

 

Bukas, July 27, mapapanood muna si Kylie sa replay ng The Good Daughter na pinagbidahan niya sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng Innamorata.

(NORA V. CALDERON)

Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.

 

Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinakailangan na kumuha ang mga ito ng “Certification from the Philippine Overseas Labor Office in the country of origin. ”

 

Para naman aniya sa mga Filipino at dayuhan na fully vaccinated sa Pilipinas, kinakailangan na makapagpakita ang mga ito ng kanilang local government unit (LGU) hospital-issued Vaccination Cards ( original o hard copy form) o LGU-issued Vaccine Certificate, “provided” na puwede aniya itong ma-beripika o makumpirma ng border control authorities, o BOQ-issued International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV).

 

Samantala, para naman aniya sa mga Filipino na nabakunahan sa ibang bansa at dayuhan na fully vaccinated sa ibang bansa ay kinakailangan aniya na makapag-presenta ang mga ito ng vaccination certiticate na ipinalabas ng “health authorities of their place of vaccination,” “provided” na pupuwede pong ma-beripika ang ang mga sertipikong ito. (Daris Jose)

Metro Manila balik sa mas mahabang curfew

Posted on: July 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity  (MMDA) chairman Benhur­  Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong  ng Metro Manila Council (MMC)  na may 9 na mula sa dating tatlo lamang ng local case ng Delta variant sa Metro Manila ang naitala ng Department of Health (DOH).

 

 

Sa pahayag ni Abalos , ang bagong ipatutupad na curfew hours para sa National Capital Region ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

 

Una nang iniksian ang ipinatutupad na curfew  mula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw.

 

 

Ngunit dahil nga sa banta ng mga COVID variant partikular ang Delta variant at pagbabalik sa mas mahigpit na GCQ kaya napagpasyahan ng mga alkalde na muling pahabain ang curfew.

 

 

Aniya, dapat na mas maagap ngayong may local transmission na tumaas pa sa siyam ang Metro Manila dahil sa posibleng bilis na hawaan sa Delta variant. (Gene Adsuara)