• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2021

SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway.

 

 

Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy ng transportasyon.

 

 

“As early as 2017, we had been considering the BRT system on the Skyway to further decongest traffic in Metro Manila and transform the commuting experience of many Filipinos,” wika ni SMC president Ramon Ang.

 

 

Gumagawa na ng pag-aaral ang SMC para sa pagtatayo ng BRT sa Skyway at ginagawa na rin ang plano para dito. Ang nasabing plano ay ibibigay sa Department of Transportation (DOTr) kapag tapos na ang pag-aaral na ginagawa.

 

 

“We’re excited to start discussions on this. The most important thing is that the platform is already here – the completed elevated Skyway system – and this BRT or high-capacity P2P system will make commuting faster and better for motorists,” saad pa rin ni Ang.

 

 

Sa pamamagitan ng Skyway, ang BRT ay gagamit ng mga buses na magsasakay ng mas maraming pasahero sa tamang oras at hihinto lamang sa mga designated stations sa tinalagang pagitan.

 

 

Ang BRT system ay maaari rin na isahintulad sa high-capacity point-to-point (P2P) bus system.

 

 

Makakatulong din ang BRT system sa pagkunti ng mga sasakyan na nagkukumpetensiya ng lugar sa lansangan kung kaya’t mababawasan ang pagsisikip sa mga kalsada. Magkakaron din ng magandang karanasan ang mga motorista at pasahero na sa araw-araw ay sumasakay sa pampublikong transportasyon.

 

 

Ang plano ng SMC ay ang BRT system ay magsisumula sa Skyway galing Susana Heights sa San Pedro, Laguna hanggang Balintawak.

 

 

“Our expressways are designed not just for motorists, but also to serve as a platform for efficient and sustainable mass transportation,” dagdag ni Ang.

 

 

Ayon pa rin kay Ang, ang mga motorista ay mas pipiliin ang mayrong mahusay na sistema ng pambuplikong transportasyon na may ligtas, kumportable, at murang pamasahe kaysa magdala ng kanilang sariling sasakyan.

 

 

Naniniwala si Ang na ang kanilang elevated expressway ay importante sa paglutas ng traffic sa Metro Manila kung saan ang traffic ay mas magiging matindi pa sa mga darating na panahon. Para sa kanya kailangan ng gumawa ng mga aksyon ngayon para hindi na lumala pa ito. (LASACMAR)

KRIS, looking forward na maka-face to face ang basher ni BIMBY

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA Q&A session ng mag-inang Kris Aquino at Bimby noong nakaraang linggo, marami talaga ang pumuri sa anak niya lalo na sa pagiging smart sa pagsagot ng mga tanong.

 

 

Tinanong ni Kris si Bimby kung ano ang nararamdaman niya kapag may nababasang comment at tinatawag siyang gay.

 

 

“Wala I don’t really feel anything,” sagot ni Bimby.

 

 

“O sige, if you think I’m gay, alright dude. But you do realize that the gay community sa Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 14 in a few minutes, so, parang, it did not go through my mind, because I know what I am. I’m straight as an arrow.”

 

 

“Are you sure?”, tanong ni Kris. “Yes!”, sagot ng anak.

 

 

Pananaw naman ni Kris sa pagiging gay ng isang tao, “I really don’t care, honestly. Whatever you choose to be, it will be fine with me for as long as you excel.

 

 

“And I am so anti-homophobia.”

 

 

Singit naman ni Bimby, “I love gays. I love LGBTQ++.”

 

 

“Have you questioned yourself at all?”, tanong uli ni Kris sa anak.

 

 

“No, not at all. I love girls. I’ll set the record straight, I’m straight. I like women. I don’t like boys.”

 

 

Payo pa ni Kris, “You know Bimb, whatever you choose to be, it’s none of their business.”

 

 

Sagot naman ng anak na nagbibinata na, “I’m sure, they’re entitled to their opinion on what they think about me, just as long as you don’t attack me.

 

 

“If you say, ‘I think Bimb is gay,’ I’ll respect that. I’ll say, ‘No, I’m not gay.’ But if you say, ‘Beki si Bimb, kadiri!’ That’s wrong. As long as you debate with someone at may respeto ka sa tao, okay lang, sure. If you have different opinions, okay lang ‘yan, sure.”

 

 

Sa IG post ni Kris proud na proud nga siya sa naging pag-uusap nila ni Bimby,

 

 

“He asked, i answered…

 

“What can i say? i said LAHAT sasagutin, kaya walang inurungan… my 14 year old knows me inside out… in my birthday card to him i said – he has already given me way too much LOVE, SUPPORT, TRUST, and UNDERSTANDING. Kaya ngayon, it’s time for him to experience “regular” and “normal” to the best that i can give him… Tomorrow he answers my questions, i am so PROUD, mas matalino, mas matatag, mas malawak ang pagunawa ng bunso ko kumpara sa mama nya when i was his age, and even now in many ways, he really is the BETTER me!”

 

 

Pero hindi niya napigilang sagutin ang isang basher na parang pinagtawanan ang pag-pilantik ng mga daliri ni Bimby, na later on ay dinelete din ang comment nito.

 

 

Post ni Kris, “since i’m smart enough to know that @ayrien0218 will most likely delete her comment after i replied to her senseless observation about bimb’s hand gestures, here’s my reply:

@ayrien0218 you know i have had enough of this bullsh*t… if that’s the only thing you can criticize about my son then i have really done a f*cking great job as a mom. On the other hand i must say the fact that you choose to pick on the gestures of a 14 year old boy says so much about your lack of propriety. I have shut up for too long BUT i have had it. This is my feed, and you are bullying the wrong boy. I am not going to criticize you physically BUT i will call you out on your lack of DECENCY. You cannot handle attacking me so you are attacking my son. You chose the wrong Mom. i look forward to the day i see you face to face.”

 

 

Reaction naman ng netizens sa naging obserbasyon ng basher:

 

 

“Sana talaga mag kaso kris para malaman nila na mali sila. Kasi kung ganyan lang lagi, iisipin ng mga anak mo wala ka man lang ginawa na hakbang para ipag tanggol sila sa legal na paraan.”

 

 

“Why are they insisting that Bimby is gay when he already answered the question?”
“He’s straight as an arrow nga, di ba? Since 12 years old pa lang si Bimb, may gay issue na siya. Imagine na minor siya ha.”

 

 

“Just let the socmed team handle your account, and cooperate with the authorities kung kailangan especially with accounts attacking Josh and Bimby. Dumadagdag pa kasi yan sa stress nya , eh hindi nga pwedeng ma-stress ang mga taong may autoimmune issues.

 

“And well, makakatulong kung di masyadong magpapakita mga bagets sa feed nya. Privacy aside, para naman they can live their lives as normally as possible, kahit alam naman nating anything but normal ang buhay nila with a mom like Kris. :)”

 

 

“Im 100% sasabihin ni basher na “ay sorry po nahack po ang account”, “pinakelaman ng kapatid/anak ko ang account ko” or “sorry po, wag nyo po ako ikulong. Maraming tao nakasalalay sa akin”.”

 

 

“It insiuates na bekiz si Bimby, which he already debunked.”
“But for me, pwede namang hindi ka macho manly barumbado and still straight. May mga kilala akong ganun. Helps to understand that he was raised by Kris, so halos lahat ng gestures, mannerisms at manner of speech nya, nakuha from her.”

 

 

“My observation was the same. Yung gestures kasi ni Bimby and way of talking parang si Kris, so ang dating parang ganun nga sa comments ng mga bashers. Again observation ko lang to based dun sa interview nya sa anak nya. But theres no doubt that he is a good kid. I dont care kung ano man sya, choice nya yun.”

 

 

“in polite situations no one would dare comment about that but Kris has put her own son in the spotlight on social media. You can’t censor people’s opinion unless you block them.”

 

 

“Tama. May batas yan lagot ka basher..criminal case yan.

 

 

”She deleted her sons’ photos but uploaded a long video of Bimby where she’s exposing him to public opinion. Just shut up, Kris! Ikaw ang magbigay ng privacy sa anak mo at buhay nyo!”

 

 

“Commenter is insinuating. Look at the emoji.”

 

 

“Parang wala pang sariling identity si bimbi so he copies his mom’s gestures.”

 

 

“Napaka HOMOPHOBIC talaga ng mga pinoy! Dahil siguro walang pinagkakaabalahan sa buhay most chismosa dito kaya pati pilantik ng daliri ng iba napapansin.”

 

 

“kasi sinabi na ni bimb na he’s straight pero ganyan pa din sinasabi ng tao.” (ROHN ROMULO)

DILG, pananagutin ang mga alkalde at brgy chairman na malulusutan ng COVID-19 quarantine violations

Posted on: April 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANANAGUTIN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga alkalde at barangay chairman kapag may nangyaring COVID-19 quarantine violations sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.

 

Sa Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kamakailan lamang ay marami na siyang nakitang quarantine violations na itinuturong dahilan sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila a at sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — o mas tinatawag na National Capital Region Plus (NCR Plus).

 

“Now I will do this. I will hold responsible, and I will direct the Secretary of the Local Government — DILG — to hold the mayors and responsible for these kinds of events happening in their places. It is a violation of the law. And if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty, which is punishable under the Revised Penal Code,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“So the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor, or as a barangay captain. But not so much about the mayor. It’s just that there the liability. These barangay captains are the problem. Since barangays are really small, do not give me that shit about that you didn’t know about it,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong quarantine protocols ang nalabag subalit marami aniya siyang na-obserbahan na ilang isyu gaya ng kasiyahan na maaaring naging dahilan ng pagkalat ng   COVID-19.

 

“Son of a… we don’t have money. Do not ever think that we can accommodate you just anytime.  If you look on TV and the news, patients can’t enter hospitals. They’re waiting in cars. They’re waiting outside until they can be given beds,” ani Panguong Duterte.

 

“The local government will go after you — administratively and criminally — if there’s a fiesta gathering or dance there. The DILG will call the mayor and the barangay captain,” dagdag na pahayag pa rin ng Chief Executive.