• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 9:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.

 

Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang Pangulo sa pagkakaantala ng pagdating Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula COVAX at Sinovac COVID-19 vaccines na dapat sana’y dumating noong Pebrero 15 at ngayong araw, Pebrero 23.

 

“Alam mo, si Pangulo, he understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa  naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements,” ang pahayag ni CabSec. Nograles

 

“But at the end of the day, it is the vaccine manufacturers’ obligation, responsibility to ship it to us at a time that was promised,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang mga petsa kung saan ay inaasahan ang pagdating ng Pfizer-BioNTech at Sinovac vaccines ay una nang inanunsyo nina presidential spokesperson Harry Roque at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

Ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay na ng emergency use authorization sa Pfizer-BioNTech noong Enero 14 subalit sinabi ni Galvez sa Senate hearing a naibigay ang EUA noong Pebrero 11 at ang kawalan ng indemnification law sa bansa ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech.

 

Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use.

 

At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, ang Kongreso ay nakatakdang magpasa ng batas na magbibigay ng indemnity o bayad-pinsala sa mga vaccine makers at magpupundar ng pondo para bayaran ang “claims for damages” sa oras na makaroon ng adverse effects mula sa pagbabakuna.

 

“The law is applicable to all vaccines,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aabot sa 600,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinovac Biotech ng China ang darating sa bansa ngayong linggo.

 

Ayon pa kay Sec. Roque, 100,000 doses ang donasyon ng gobyerno ng China sa Department of National Defense (DND) habang ang 500,000 doses naman ay ilalaan para sa medical frontliners.

 

Lumagda naman ang Pilipinas ng indemnity deal para makakuha ng COVID-19 vaccines mula sa US pharmaceutical giant Pfizer at United Kingdom’s AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility.

 

Samantala, pinabulaanan ng Malakanyang na tanging Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.

 

Ani Sec. Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna, at ng mga bibigyan ng COVAX na talagang kinakailangang magkaroon ng indemnity agreement.

 

Ito ang pagbibigay ng danyos na babalikatin ng gobyerno at hindi ng manufacturer sakalit makitaan ng side effect ang isang nabakunahan.

 

Ganunpaman, inamin ni Roque na mas maingat ang mga manufacturers pagdating sa Pilipinas dahil sa naging kontrobersya tungkol sa Dengvaxia na bagama’t nabigyan ng General Use Authorization ay naharap ang Sanofi sa mga iba’t ibang mga kaso na kumalat sa mga drug manufacturers sa buong mundo.

 

Hindi naman nila maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas. (Daris Jose)

POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games

Posted on: February 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.

 

 

Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.

 

 

Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak, cycling, MTB, BMx, dancesport at men’s dancesport at maraming iba pa.

 

 

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na isinumite na nila ang listahan na sasalihan ng bansa sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee.

 

 

Ibinasi nila ang listahan sa mga nakuhang tagumpay noong Asian Games na ginanap sa Jakarta kung saan nakasungkit ang bansa ng apat na gold medals noong 2018.

 

 

Kinabibilangan ito nina Hidilyn Diaz sa weightlfting, Margielyn Didal sa skateboarding, Yuka Saso sa golf at Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa women’s team golf.

 

 

Itinalaga ng POC si Dr. Jose Raul Canlas ng surfing bilang chef de mission sa Hangzhou Games.

 

 

Sinabi naman nito na nagsimula na ang preparasyon ng bansa noon pang nakaraang linggo para sa Asian Games.

Ads February 23, 2021

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero.  Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation.  Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang isasakay.   Ang una – mas kailangan dahil bagamat ang polisiya ngayon sa public transport ay pwede na umupo ang pasahero ng “one seat apart” at pwede magtabi sa upuan basta may “plastic barrier”, nanatili naman na limitado sa fifty per cent ng mga sasakyan ang pinapayagan pumasada. Ito naman ang nais madagdagan pag modified GCQ na. Sangayon tayo sa dagdag na masasakyan para masilbihan ang inaasahang pagdami ng pasahero sa modified GCQ. Pero dapat pa rin na istriktong maipatupad ang mga health protocols na tila nakaliligtaan na:

 

  1. Linisin o palitan mga plastic barriers;
  2. Ang pag-gamit ng thermal scanners sa mga sasakay, at ang mga basic na protocols tulad ng alcohol at face masks; ang contact tracing policy, at iba pa.
  3. Iwasan din ang pagpuputol ng ruta na sanhi ng dagdag sakay at gastos sa pamasahe ng mga pasahero. Yun hirap ng palipat-lipat ng sasakyan ay mas nag-e-expose sa mga pasahero dahil nasa lansangan sila ng mas matagal para lang mag abang at lumipat ng masasakyan.

 

Mungkahi rin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)na suspendihin o tuluyan nang alisin sa Joint Administative Order 2014-01 ang malupit na parusa sa mga out-of-line operation o iba pang violation na tinuring na colorum kahit may prangkisa naman.

 

 

Halimbawa ay may multa na, na P200 thousand (P1M pag bus, P120K pag sedan, P50K pag jeep).  Impound ang sasakyan pero DAMAY ANG MGA WALANG KASALANAN O WALANG VIOLATION NA MGA UNITS na nagkataon lang na nakapaloob sa isang prangkisa kung saan kasama yung unit na nahuli.

 

 

Ano ang kasalanan ng mga driver ng mga units na hindi naman lumabag sa batas para matanggalan sila ng hanapbuhay.

 

 

Pag nanatili itong polisiyang ito at tuluyang ipatutupad ng LTFRB at DOTr ang pag consolidate ng mga prangkisa sa isang cooperatiba o corporation ay magiging malaking problema ito. Ngayon pa lang ay marami nang umaangal dito na mga franchise holders. Epekto nito ay nababawasan ang maaring masakyan ng mga pasahero, kawalan ng trabaho sa mga driver at konduktor at kawalan ng hanapbuhay para sa operator ng may prangkisa. (Atty. Ariel Inton-Enrile)

Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.

 

 

Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig City ang nagpatunay sa pagbabalik sa Gin Kings ni ‘GregZilla’ na may caption na “back in the lab w/my twin @japethaguilar35 hand down man down” sa alalay lang munang praktis ng dalawa.

 

 

Nag-sorry noong Disyembre ang seven-footer Fil-Am center sa mga opisyal ng San Miguel Corporation sa pangunguna nina team owner Ramon Ang at SMC sports director at BGSM governor/team manager Alfrancis Chua dahil sa biglaang kanyang desisyong basta na lang pagsibat sa koponan pa-Amerika noong Enero 2020.

 

 

Pagkaraan pinatawad naman siya at pumirma sa buwang ito ng bagong kontrata na napaso sa unang buwan nang nagdaan taon ngayong Pebrero para muling makipag-ensayo na sa kakampi sa alak para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.

 

 

Huling naglaro sa 44th season sa Ginebra si Slaughter  at nag-average ng 9.6 points, 6.4 rebounds, 1.0 assists at 0.9 blocks. (REC)

National gov’t, patuloy ang pakikipag-koordinasyon sa Metro Manila Mayors

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng National government sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila mayors para sa posibilidad na maibaba na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DoH Usec. Maria Rosario Vergeire, na mayroon na silang hawak na talaan para mapagbasehan kung dapat na bang mag-shift ang NCR sa MGCQ mula sa GCQ.

 

Subalit, umamin si Vergeire na hindi pa kumpleto ang kanilang mga hawak na datos dahil hindi pa nakapagsusumite nito ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 

Pagdating din sa surveillance at contact tracing system medyo kulang pa talaga aniya ang mga cities and lone municipalities sa NCR.

 

Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pakikipag-koordinasyon ng pamahalaan sa Metro Manila Mayors para matulungan ang mga ito na maging handa na sakaling luwagan na sa MGCQ ang buong Kamaynilaan. (Daris Jose)

Pingris delikadingding na

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAMEMELIGRO na si veteran free agent Jean Marc Pingris para sa Magnolia Hotshots sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.

 

 

Wala pa kasing kasiguruhan kung maglalaro pa o magre-retiro na ang magku-40 anyossa Oktubre 16, 6-4 power forward na tubong Pozzorubio, Pangasinan.

 

 

Nitong nagdaang ilang mga taon, tipid na ang laro ng Pinoy Sakuragi dahil sa injuries.

 

 

Wakas nitong taong 2020 ang kontrata ng defense specialist sa Pambansang Manok, pero hindi siya nakasama sa Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre dahil nagre-rehab pa rin.

 

 

Hindi pa tiyak kung papipirmahin pa siya ng bagong deal ng manok.

 

 

Sang-ayon kay Ercito ‘Chito’ Victolero, “I don’t want na magsalita para kay Pingris. He’s been through a lot,” wika ng Magnolia coach. “Ang sabi ko sa kanya, kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung ano tingin mo na makabubuti sa’yo, we will respect it.”

 

 

Susuporta pa rin, hirit niya ang koponan kung anuman ang balak ni Pingris, na inaasahang pagpapasyhan sa Marso ang kanyang karera.

 

 

“Right now nagre-recover pa siya,” huling bahagi na sambit ng coach. “Siguro by March, baka makabalita na tayo.

 

 

Sa pananaw ng Opensa Depensa, puwede ka na magretiro Pingris. May edad ka na rin naman kaya marami nang nararamdaman,  at milyonaryo na rin naman.

 

 

Kayo po mga giliw naming mambabasa, ano sa palagay ninyo?

Indemnity agreement, hindi lang para sa Pilipinas kundi pambuong mundong kasunduan-Malakanyang

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ng Malakanyang na tanging ang Pilipinas lang ang bansa na hinihingan ng mga vaccine manufacturers ng indemnification agreement.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang katotohanan ang naturang impormasyon at nakasaad aniya sa COVAX Facility na sadyang kailangang magkaroon ng kasunduan sa panig ng COVAX, mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga bibigyan ng COVAX na talagang kinakailangang magkaroon ng indemnity agreement.

 

Ito ang pagbibigay ng danyos na babalikatin ng pamahalaan at hindi ng manufacturer sakali’t makitaan ng side effect ang isang nabakunahan.

 

“Nakasaad po iyan sa COVAX Facility na kinakailangan magkaroon ng ganiyang kasunduan sa panig ng COVAX, ng mga gumagawa ng mga bakuna at ng mga bibigyan ng COVAX ‘no, na talagang kinakailangan magkakaroon ng indemnity agreement na magbibigay ng danyos kapag mayroong side effect ay iyong gobyerno at hindi po iyong manufacturer ‘no. Bagama’t talaga pong mas maingat sila pagdating sa Pilipinas dahil sa karanasan nila sa Dengvaxia,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya, mas maingat ang mga manufacturers pagdating sa Pilipinas dahil sa naging kontrobersiya tungkol sa Dengvaxia na bagama’t nabigyan ng General Use Authorization ay naharap ang Sanofi sa mga iba’t ibang mga kaso na kumalat sa mga drug manufacturers sa buong mundo.

 

Hindi naman nila maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas.

 

“Alam nyo naman iyong mga drug manufacturers na iyan… eh hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ‘no at alam nila iyong naging karanasan ng Sanofi dito sa Pilipinas sa Dengvaxia na bagama’t  ito ay given General Use Authorization eh nakaharap sila sa mga iba’t ibang mga kaso ‘no. Bagama’t na hindi lang po FDA ng Pilipinas ang nagsabi na General Use Authorization na iyan kung hindi pati na po ang WHO ‘no.

 

So siyempre hindi natin maaalis sa mga multinational pharmaceutical companies na gumagawa ng bakuna na maging mas maingat pagdating sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Delgaco sa rowing finals

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS sa lima ang event na kakasahan ng Philippine Rowing Association (PRA) bets sa Online 31st World Rowing Indoor Championships 2021 Finals sa Pebrero 23-27 sa pagpasok pa ng lima na pinangunahan ni PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist Joanie Delgaco.

 

 

Pasok siya siya kasangga si Mireille Qua sa Under 23 Women 500 meters sa kakaharurot lang na Open Qualification Pathway.

 

 

Swak din sa pinale sina Alyssa Go at Kyra Louise Sandejas sa U23 Lightweight Women 500m, at Joachim de Jesus sa U23 Lightweight Men 500m.

 

 

Ang mga naunang pumalaot sa finals din ay sina sina 2019 SEA Games gold winner Melcah Jen Caballero sa Lightweight Women 500 at Wylene Lu sa U23 Lightweight Women 500 via January 24 Asian Continental Qualification. (REC)