• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

Robredo hanga sa resignation ni Magalong

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinangaan ni Vice President Leni Robredo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa irrevocable resignation na inihain nito bilang contact tracing czar kasunod nang kanyang pagdalo sa isang party kung saan hindi nasunod ang COVID-19 protocols.

 

 

Sinabi ni Robredo na “napakahusay nang pag-ako ng accountability” ni Magalong na dapat pamarisan nilang mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Kung siya ang tatanungin, sinabi ni Robredo na mayroong lapse o pagkakamali sa pagdalo ni Magalong sa party ng kilalang eventologist na si Tim Yap.

 

 

Kahanga-hanga naman aniya na malakas ang “sense of accountability” ni Magalong, pero nanghihinayang naman sa resignation nito lalo pa at malaki aniya ang naitulong ng alkalde sa contact tracing efforts ng pamahalaan.

 

 

Nauna nang inamin ni Magalong na posibleng mayroong nangyaring paglabag sa protocols sa party ni Yap kagaya nang hindi pagsuot ng face mask sa lahat ng oras

SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.

 

 

Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.

 

 

Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa namin on TV and we are likewise happy na join na muli si Shawie sa show, together Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

 

 

Regular celebrity contestants ang competitors sa pagbabalik ng YFSF ngayong Pebrero.

 

 

Wish ng mga fans ni Ate Shawie na sana raw pati sa TV 5 ay maipalabas din ang YFSF pero we are clueless if this is possible.

 

 

***

 

 

SUCCESFUL ang world premiere ng Anak ng Macho Dancer noong Sabado ng gabi.      Marami ang humanga sa performance ni Sean de Guzman, ang bida movie na dinirek ni Joel Lamangan under Godfather Productions.

 

 

Sa huling panayam namin kay Sean, he describe himself as a risk taker at pinatunayan niya ito by accepting the challenge to play the lead of Anak ng Macho Dancer. 

 

 

“Matapang po ako. Ibinubuhos ko ang tiwala ko sa isang bagay. Mahilig akong sumugal. Isa ito sa natutunan ko growing up independently,” wika ni Sean.

 

 

Pero aminado naman siya na natakot siya by agreeing to accept the lead role sa movie.

 

 

“Opo, natakot ako kasi first time ko na maging lead tapos yung buong istorya ako ang magdadala eh baguhan palang ako tapos ang mgakatrabaho ko ay malalaking artista. Nakaka-pressure po.”

 

 

Bagamat baguhan, nakaya naman ni Sean na makipagsabayan sa mga veteran stars na kasama niya sa movie. Malaki raw ang naitulong ng mga ito para lumabas na mahusay ang kanyang acting.

 

 

Pero aminado naman si Sean na marami pa siyang dapat i-improve bilang actor.

 

 

Among Sean’s screen idols ay sina John Lloyd Cruz at Leonardo DiCaprio.

 

 

“Iba ang tirada ni John Lloyd. Madadala kasa kwento dahil sa husay niya umarte. Si Leonardo DiCaprio, sobrang galing din kasi kahit na anong role kaya niya. Versatile siya. Napanood ko sa Romeo and Juliet at doon ako humanga lalo sa kanya. Favorite movie ko ni John Llloyd ang One More Chance. Siyempre ang husay niya. Gusto na makatrabaho si John Lloyd in the future,” kwento ni Sean.

 

 

Kung sakali raw ma-meet niya in person si John, magre-request daw siya na mag-picture kasama ang kanyang idol.

 

 

Ngayong nasubukan mo na ang pag-aartista, gusto na niyang itong maging career.

 

 

“Ipinagdarasal ko po palagi kay God na sana more blessings pa, more projects. And kung hindi man ako palarin sa ganitong field, gusto ko rin matapos ng isang kurso.

 

 

Gusto rin pong maging chef. Gusto ko magtayo ng sarili kong restaurant,” sabi ni Sean who is taking up a Culinary Arts course. (RICKY CALDERON)

Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.

 

 

Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft para sa national men’s basketball training pool na inihahanda sa 19th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2023 na mga itataguyod ng bansa, kasama ang Japan at Indonesia.

 

 

Nasa limang manlalaro ang tinapik ng SBPI sa ika-35 edisyon ng PBA Draft. Ibabalik sa kani-kanilang mother teams sa PBA kapag tapos na ang tour of duty sa national team ng mga player.

 

 

Pipili ang SBPI ng mga pangalan sa nagsumite ng applications, hindi lang sa mga nasa Gilas pool nan a nag-apply din sa PBA Draft.

 

 

“The final list will be submitted to the coaching staff of SBP, give us a few days to look at the list,” wika nitong Linggo ni SBP president Alfredo Panlilio, ang governor din ng Meralco Bolts sa PBA Board of Governors.

 

 

Kung may mga tinapik na’y ibabalik kay Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Willie Marcial ang talaan.

 

 

“We will choose from the existing draft who qualifies for the national team,” panapos na pahayag ni Panlilio. (REC)

Go inihain ang programang Philippine National Games

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILATAG ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang Senate Bill No. 2001 o Philippine National Games Act sa layuning magtuluy-tuloy ang programa para sa sports.

 

 

“In continue my advocacy to promote sports in the country with this bill that, I know, will further the development of our sports programs and eventually shape more athletes into champions,” reaksyon noong Linggo ng mambabatas.

 

 

Isa sa mga adhikain ng panukala ng senador ang pagbalangkas sa isang komprehensibong programa sa sports na magkokonekta para sa mga palaro mula sa brangay hanggang pambansa.

 

 

“Naniniwala ako na ang sports ay isang paraan upang mabigyan natin ng ang ating mga kabataan nang mabuting pagkakaabalahan at ilayo rin sila sa mga masasamang bisyo, tulad ng iligal na droga at masasamang bisyo,” sambit pa ni Go.

 

 

Kilalang aktibo sa sports sa Senado si Go na tumutulong sa Philippine Sports Commission (PSC) at mga atleta sa ilang taon na niyang panunungkulan. (REC)

POKWANG, naniniwalang walang masama o dapat ikahiya sa pagsasangla

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG 2021, minamarkahan ng RD Pawnshop, Inc., na isa sa leading pawnshop brands sa bansa, ang isa pang milestone sa pagdiriwang ng kanilang ika-45 na anibersaryo.

 

 

Ayon kay Alma Pascual, ang Business Unit Head na RD Pawnshop Inc., na ii-expect ng kanilang satisfied na kliyente na mananatili ang commitment nila na mag-provide ng quality services to all Filipinos.

 

 

Kasabay ng kanilang 45th-anniversary celebration, ni-launch ng company via a virtual

 

 

press conference ang kanilang ‘Magandang Bukas’ campaign, which emphasized its promise of being a companion of all hardworking Filipinos, through and through, especially amid

 

 

the current pandemic.

 

 

Isa nga sa virtual event attendees ang kanilang brand ambassador na si Pokwang, na inspiring comedienne, actress, television host, ant singer.

 

 

At RD Pawnshop, we recognize the value of stability from beginning to end, which

helped us thrive for 45 years in service. We want to share this value of stability with

Filipinos as we will always be happy to serve and accompany them in every part of their

journey.

We also want to continue being a source of hope and partner until they make all their dreams happen, hence our new tagline “Kasama mo, Hanggang sa Magandang Bukas”, pahayag pa ni Alma Pascual.

 

 

With its ‘Magandang Bukas’ campaign, lalo pang ipararamdam ng RD Pawnshop na isa ito sa

 

 

most approachable pawnshops sa bansa. Dahil nauunawaan nila ang mga sakripisyo ng mga Pinoy, hatid ng company ang lower remittance rates and higher appraisal values with zero advance interest.

 

 

Alongside a workforce trained with excellent customer services and practices, it assures

 

 

Filipinos hassle-free, reliable, and fast transactions.

 

 

Bukod sa pagsasangla (na sa paniwala ni Pokwang ay walang masama at dapat ikahiya dahil pinaghirapan ang mga gamit na ginagawa dahil sa kagipitan at para makatulong sa pamilya), nagpo-provide din ang RD Pawnshop ng other services, tulad ng e-loading, bills payment, at insurance services.

 

 

Ang RD Pawnshop ay itinatag nooong 1976 ni Rodrigo E. Rivera Sr. at asawa na si Dolores ChuaRivera sa General Santos City.       It is part of the conglomerate RD Corporation dedicated to providing clean, conscientious, and respectable services.

 

 

To learn more about RD Pawnshop, visit its website at https://rdpawnshop.com.ph/ or

 

 

send them an e-mail at info@rdpawnshop.com for inquiries. (ROHN ROMULO)

Pacquiao tinanggalan ng titulo

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggalan ng korona ng World Boxing Association (WBA) si welterweight king Manny Pacquiao dahil bigo nitong madepensahan ang titulo sa mahabang panahon.

 

 

Mula sa pagiging “super champion,” nagpasya ang WBA Championships Committee na gawin itong “champion in recess” habang si Cuban Yordenis Ugas na ang magsisilbing “super champion” simula ngayong araw.

 

 

“Filipino Manny Pacquiao has been named Champion in Recess by the WBA in a resolution issued by the Championships Committee. Cuban Yordenis Ugas was promoted to Welterweight Super Champion,” nakasaad sa statement ng WBA.

 

 

Matagal nang hawak ni Pacquiao ang WBA belt.

 

 

Noong Hulyo 2019 pa itong sumalang kung saan pinayuko nito si American fighter Keith Thurman via split decision para masungkit ang WBA welterweight belt.

 

 

Subalit hindi na naging madali ang mga sumunod na pangyayari.

 

 

Dumanas ang buong mundo ng paghihirap dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya’t bigo ang kampo ni Pacquiao na maikasa ang kanyang title defense.

 

 

Hindi naman ito kontrolado ni Pacquiao kaya’t wala itong magawa kundi sumunod sa mga health protocols at restrictions.

Int’l Day of Education: CHR, nanawagan ng proteksyon vs abuso sa mga estudyante

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nananawagan ng Commission on Human Rights (CHR) ng mahigpit na proteksyon sa mga kabataan kasabay ng paggunita sa International Day of Education  noong Enero 24.

 

 

Ikinabahala ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang lumalalang epekto ng pandemya sa higit 28-milyong kabataang estudyante sa bansa.

 

 

“The third International Day of Education comes in the wake of a pandemic that has left an unprecedented number of individuals without access to education, as well as the widespread interruption of literacy and learning programs that has affected the lives of 1.6 billion students in all over the world. “

 

 

Ayon kay De Guia, habang patuloy na lumalala ang sitwasyon na dulot ng pandemya, nalalagay din sa alanganin ang kalagayan ng mga estudyante.

 

 

Kabilang na raw dito ang ulat tungkol sa “Christmas sale” o bentahan ng malalaswang larawan at videos online ng ilang mag-aaral para lang maka-agapay sa gastusin ng distance learning.

 

 

Batay sa datos ng Department of Justice (DOJ), umabot sa 260% ang itinaas ng mga kaso ng “online sexual exploitation of children” sa kasagsagan ng lockdown.

 

 

Ayon naman sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), lumobo sa P113-million ang mga transaksyong may kinalaman sa child pornography materials sa unang bahagi pa lang ng 2020.

 

 

Mas mataas mula sa P65.8-million na naitala noong 2019.

 

 

“The Commission calls upon the Department of Education (DepEd) and schools to continue to ramp up the efforts of Child Protection Committees (CPC) tasked to identify cases of child abuse.”

 

 

“The National Telecommunications Commission (NTC) should equally remain vigilant in ensuring that Internet Service Providers (ISPs) block access to all websites carrying child pornography materials. Failure of ISPs or reluctance to comply to measures that combat online sexual exploitation of children must be sanctioned.”

 

 

Giit ng CHR, obligasyon ng estado na protektahan mula sa kahit anong anyo ng abuso ang mga kabataan. Kaakibat nito ang pagsisiguro na naipapaliwanag sa kanila ang kanilang karapatan; at tulong mula sa mga guro at magulang.

 

 

“Teachers should also be given support. As teaching shifts heavily to online means, government must ensure that communication allowances to teachers are provided or reimbursed in a timely manner.”

 

 

“For those pursuing learning offline due to limits in internet connectivity, the delivery of modules should be done more efficiently without compromising teachers’ safety towards guaranteeing that every child with no access to the internet is not deprived of education.”

 

 

Isinusulong ng ahensya ang inihain na panukalang batas sa Senado na naglalayong bigyan ng tamang edukasyon tungkol sa kanilang karapatan at paglaban sa abuso ang mga kabataan.

MARK at NICOLE, proud and happy sa pagdating ni BABY CORKY

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINILANG na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras noong January 31.

 

 

Sa Instagram post ni Mark, ang buong pangalan ni Baby Corky ay Mark Fernando Donesa Herras.

 

 

“Hi I’m Corky” caption pa ni Mark.

 

 

Sa IG Stories nila Mark at Nicole, nag-share sila ng videos ng kanilang baby na karga at pinanggigilan ni Mark. Nilagyan ni Nicole ng caption na “Thank you Lord.”

 

 

Mababasa rin sa IG ni Mark ang post niya bago nanganak si Nicole: “Itchy I love you!! Alam ko nahihirapan–kapagod, puyat–pero malakas ka naman, my itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky!! Love you!!!! Konting tiis na lang my love.”

 

 

Naging ready sina Mark at Nicole bago sinilang si Baby Corky. Sa kanilang vlog, pinakita nila ang lahat ng requirements tulad ng RT-PCR or Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction test at home for COVID-19 kunsaan negative ang results. Pati na ang mga naging urine at blood tests niya.

 

 

***

 

 

MAY mga pinanghihinayangan pa rin hanggang ngayon si Luis Manzano sa mga nabili niya.

 

 

Kahit nga afford ni Luis ang bumili ng mga mamahaling gamit, kung puwede lang daw niyang ibalik iyon at gamitin niya ang pera sa mas importanteng bagay.

 

 

Sa webinar by Manulife titled “Ready, Set, #Goals,” kinuwento ni Luis ang pagbili niya ng luxury jacket sa New York na pinagsisisihan niyang bilhin.

 

 

Kuwento ni Luis na may ginagawa siyang pelikula sa New York nang makita niya ang isang mamahaling jacket sa isang high-end store.

 

 

“So I saw the jacket, I loved it, I walked in and everyone took care of me right away. So, they gave me food, gave me sandwiches. And it so happened na may iba akong mga fans na pumunta doon sa store na ‘yon. So, I was there and I had about, you know, six of my tagahangas with me at the store.

 

 

“They (the staff) said that jacket, the last piece, was bought by Will.i.am of the Black Eyed Peas. So, I was asking for one size. So, they had one jacket sent over from a different department store.

 

 

”When it finally got there, na-realize ko na I never looked at the price. So, could you imagine? So finally when I looked at the price, parang sinundo ako bigla ng mga ninuno ko. Parang I thought oras ko na!

 

 

“I heard singing, I saw a bright light. It turns out it was six figures!” tawa pa niya.

 

 

Gusto raw umalis na ni Luis sa naturang store, kaso nahiya raw siyang pumuslit.

 

 

“I was planning on leaving. I was planning on, you know, just sneaking out of the store. Ang dami ko na palang nakain at nainom. Tsaka all my fans were there. So, nakakahiya kung iniwan ko sila bigla.

 

 

“I ended up buying that jacket. Used it twice or thrice. It’s a nice jacket, but up to now, pinagsisisihan ko pa rin ‘yan!” tawa pa niya ulit.

 

 

***

 

 

NAKI-JOIN na rin si Jessica Soho sa TikTok!

 

 

May sariling TikTok account na ang top-rating show ni Jessica na Kapuso Mo, Jessica Soho at sa unang pinost na video ni Jessica, naka-1 million views ito agad in 24 hours!

 

 

May ilang influencers na rin ang sumakay sa TikTok video ni Jessica. Kabilang dito sina DJ Show Suzuki and Buknoy, na naki-duet sa naturang video.

 

 

May higit na 50K followers agad ang TikTok account ng KMJS. (RUEL J. MENDOZA)

Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.

 

 

Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang puwersa nina Mika Aireen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda, at Rongomaipapa Amy Ahomiro.

 

 

Nagsilbing kamalitan nina Sabete, Baloaloa at Prado ang mga pinakawalan ng Sta. Lucia na sina RoyseTubino, Regine Arocha at Aie Gannaban.

 

 

Huling humambalos sina Sabete, Baloaloa at Prado sa Petro Gazz ng Premier Volleyball League (PVL) na hinatid nila sa trono ng 2019 Open Conference bago natengga ang liga noong Marso 2020 dahil sa Coronavrirus Disease 2019.

 

 

Nagsuot na rin ng Sta. Lucia jersey si Sabete noong 2017 sa Philippine SuperLiga (PSL) bago nag-Angels sa PVL noong 2019.

 

 

Pinaghahandaan  ng Realtors ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa parating na Pebrero 25-27. (REC)

TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO

Posted on: February 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento  ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan na 44.67 porsiyento na mas mababa sa 434,251 na kahalintulad na mga aplikasyon na kanilang natanggap noong 2019.

 

 

Ayon kay Morente na inaasahan ang pagbagsak ng bilang dahil sa travel bans na ipinapairal dahil sa Covid 19 pandemic.

 

 

“International travel restrictions remain in place even as we anticipate a gradual lifting of these restrictions this year as the vaccines against COVID-19 begin to arrive,” the BI chief said.  “We hope that the tourism industry will finally rebound at least by the second or third quarter of 2021 and the Philippines will once again open its doors to foreign visitors,” ayon kay Morente.

 

 

Paliwanag pa ni Morente na dahil sa travel restriction ay bumagsak din ang visa extension fees kaya umabot lamang ng P1.3 bilyon ang nakolekta noong nakaraang taon kumpara sa P2.2 bilyon noong 2019.

 

 

Sinabi pa ni Morente na ang mga nakokolekta mula sa visa extension fees ay isa sa pinagkukunan ng pondo ng kawanian

 

 

“Despite the low numbers for 2020, we remain hopeful that the tourism industry can bounce back this year,” ayon pa kay  Morente. (GENE ADSUARA)