• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 6:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

Disney Drops Trailer for ‘Cruella’ Starring Emma Stone as the Fashionable Villain

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY has released the first trailer for the upcomong film Cruella, a live-action movie exploring the backstory of the iconic villain Cruella de Vil.

 

 

The trailer gave us a glimpse of Emma Stone as the fashionable villain of 101 Dalmatians.

 

 

The live-action remake will follow Cruella in her younger years during the 1970s, before she became the iconic baddie that’s obsessed with the skin of spotted pups.

 

 

Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=gmRKv7n2If8&feature=emb_logo

 

 

Set amidst the punk rock revolution, Cruella‘s origin story begins with a young grifter named Estella, who is determined to become known for her creative designs. Soon, she catches the interest of the fashion legend Baroness von Hellman (Emma Thompson), which will set in motion a series of events that will transform Estella into the brilliant, bad, and a little bit mad, Cruella.

 

 

Directed by Craig Gillespie and with Emma Stone as the title character, Cruella is based on the character Cruella de Vil from Dodie Smith’s 1956 novel The Hundred and One Dalmatians. From a screenplay by Dana Fox and Tony McNamara.

 

 

Cruella de Vil is best remembered for her animated version in Disney’s 1961 movie One Hundred and One Dalmatians, and later for its first live-action version in the 1996 remake and its sequel, where Glenn Close played the legendary villain.

 

 

Cruella, however, is different from previous versions as it will take viewers back to the 1970s to follow young fashion designer Estella de Vil as she becomes obsessed with dogs’ skins and later becomes the ruthless and terrifying villain everyone now knows.

 

 

Cruella is set to be released in theaters on May 28. (ROHN ROMULO)

Duterte naiinip na sa bakuna

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghihintay sa pagdating ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsalita na mismo ang Pangulo na naiinip na siya at inaasahan niyang mas magiging mabilis na ang lahat ng mga naatasan kaugnay sa mga kukuning bakuna ng gobyerno.

 

 

“Pero tatapatin ko na po kayo, si Presidente nagsalita na, siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna. Kaya naman siguro dahil nagsalita na ng ganiyan ang Presidente ay gagalaw ng mas mabilis ang lahat,” ani Roque.

 

 

Nauna nang inasahan ang pagdating ng bakuna na gawa ng Pfizer ngayong Pebrero pero naantala ito at wala pang katiyakan kung kailan petsa dahil sa isyu indemnification o katiyakan na hindi sila ang magbabayad sakaling magkaroon ng side effect ang bakuna.

 

 

Kaugnay sa mga mungkahi na payagan na lamang ang mga local government units (LGUs) na sila ang direktang bumili ng bakuna, ipinaliwanag ni Roque na hindi ito maaari dahil sa kawalan ng general use authorization.

 

 

Ipinaliwanag din ni Roque na ang pagbili ng bakuna ay “special arrangement” sa pagitan ng vaccine developers at ng mga gobyerno.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ni Duterte ang isang Memorandum Order kamakalawa na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga LGUs na magbayad ng higit sa 15% na advance payment sa mga bakunang binili sa pamamagitan ng tripartite agreement kung saan kasama nila sa kontrata ang manufacturer at national government. (Daris Jose)

HEART, inamin na totoong nag-audition para isang role sa ‘Crazy Rich Asians’

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAPUSO actress at Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, said in an interview with dermatologist Aivee Teo, na totoong nag-audition siya for the role of Arminta Lee sa Crazy Rich Asians noong nasa last leg na ito ng auditions.

\

 

     “I auditioned here in the Philippines, and I remember I got a crew, and I did a scene, like a real scene from a telenovela,” sabi ni Heart.

 

 

“After submitting my entry, I received more than 10 missed calls from an agent based in Los Angeles. Nang masagot ko tanong niya: ‘How come you’re not answering your phone?  Your presentation paused in the middle of the showing.’ They’re willing to take a break if you could send an email for that so they could continue watching the audition. 

 

 

Sabi ko, ‘grabe naman!’ And then, they asked if I was available to shoot so sagot ko, ‘siyempre, of course.’ But then, they never called me back.”

 

 

Hindi man daw niya nakuha ang part, grateful pa rin siya sa opportunities na natanggap niya, at naging new friend niya ang author ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan. 

 

 

Sa movie, si Araminta Lee ay ginampanan ni Sonoya Mizuno, isang celebrated fashion icon ng Singapore, at heiress ng Lee’s Billionaire Hotel Chain.

 

 

Kung nakuha pala ni Heart ang role, bagay na bagay sa kanya dahil isa nga rin siyang fashion icon.

 

 

***

 

 

“MAGKAPATID” na ngayong maituturing ang mag-sweetheart na Bianca Umali at Ruru Madrid, dahil isa na palang binyagan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang actress.

 

 

Dati na palang gusto talaga ni Bianca na sumapi sa INC at naging tulay nga si Ruru para matupad iyon.  Bininyagan si Bianca noong December 23, 2020.

 

 

Kabilang na ngayon si Bianca sa maraming artista at TV personalities na members ng INC.

 

 

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Bianca ang lock-in taping nila ng Legal Wives na malapit nang mapanood sa GMA Primetime block, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres sa direksyon ni Zig Dulay.

 

 

Si Ruru naman ay kasalukuyang naghahanda sa lock-in taping ng “Lolong,” kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin, matapos ang kanilang physical training.

 

 

***

 

TULUY-TULOY pa rin ang mas magagandang pagbabago sa GMA Network ngayong 2021.

 

 

Bukod sa sunud-sunod ang mga bagong programang ipinakikilala nito ay inaabangan na rin  ang malaking pagbabago sa isa pa nitong free-to-air channel na GMA News TV simula sa Lunes, February 22.

 

 

Ayon sa teaser na ipinalalabas na ng network, ipinasilip na rin nila ang bagong logo nito, “A big change is about to happen and it’s gonna be good.”

 

 

Hindi kataka-taka na may “big change” dahil simula pa lamang ng taon, may mga malalaki na silang ini-launch na programa, tulad ng fantasy-romance series na The Lost Recipe na simula pa lamang ay pumatok na sa mga viewers.

 

 

Nasundan na ito ng romance fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig na hit sa mga young at young-at-heart. At nariyan na rin ang original comedy game show na Game of the Gens, na target din ay ang mga manonood from various generations.

 

 

Mapapanood na rin dito ang mga inaantabayanang newscasts, documentaries at lifestyle shows, very soon. (NORA V. CALDERON)

Hiniling na ipagpaliban muna ang 3-strike policy ng TRB

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hiniling ng isang House leader sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban muna ang implementasyon ng 3-trike policy para sa mga motoristang gumagamit ng radio frequency identification lanes na walang sapat na load.

 

 

Si House Deputy Speaker Wes Gatchalian ang humuling na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng three-strike policy hanggang wala pa ang interoperability ng dalawang (2) major tollway operators.

 

 

“Until such time that Easytrip and Autosweep are made compatible with each other’s tollway system, no fines should be imposed on motorists using the expressways,” wika ni Gatchalian.

 

 

Ang San Miguel Corp ang siyang namamahala sa South Luzon Expressway na gumagamit ng cashless toll payment na Autosweep. Samantalang ang Metro Pacific Tollways Corp ay ang gumagamit ng Easytrip cards para sa mga motoristang dumadaan sa North Luzon Expressway.

 

 

Ayon kay Gatchalian na bakit ang mga motorista ang dapat na parusahan at bigyan ng multa samantalang ang mga toll operators ay walang ginagawa upang maging maganda at maayos ang implementasyon.

 

 

“Why should we penalize motorists who use the expressways when the toll operators are getting away despite bungling the implementation of the cashless toll payment system?” saad pa rin ni Gatchalian.

 

 

Noon pa man ay giniit na niya sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang cashless toll collection payment hanggang ang RFID interoperability bill ay hindi pa napapasa at nilalagdaan bilang isang batas ng Mababang Kapulungan.

 

 

Ayon pa rin kay Gatchalian na ang mga mambabatas mula sa Metro Manila ay nagkakaisa na ang RFID system ay dapat munang ipagpaliban hanggang ang lahat ng mga issues ay naayos na.

 

 

Ayon naman kay alternate TRB chairman Garry de Guzman, ang nasabing policy ay naglalayon na itanim sa mga motorista ang disiplina na maglagay muna ng load bago pa sila pumasok sa mga RFID lanes upang maiwasan ang pagkaantala at kaabalahan sa mga motoristang sumusunod na gumagamit ng RFID.

 

 

“Since there are already a lot of RFID users, sad to say, there are also who are abusive. They enter RFID lanes without load. You will be surprised that based on the statistics given by the operators, there are those who enter 50 times without load,” saad ni de Guzman.

 

 

Kung kaya’t upang maresolba ang nasabing problema, ang TRB board ay sumangayon na gumawa ng three-strike policy.

 

 

Sa ilalim ng planong three-strike policy, ang mga hindi susunod na mga motorista ay bibigyan ng paalala para sa kanilang unang paglabag, babala naman sa ikalawang paglabag at paghuli na may kasamang multa sa ikatlong pagkakataon.

 

 

Ang pagkakaron ng patuloy na pagsisikip ng trapiko ay lagi na lamang nangyayari sa mga major toll plazas tulad ng Calamba kung saan ang mga motorista ay nagbabayad ng cash na dapat sana ay para sa mga gumagamit ng RFID.

 

 

Samantala, payag naman ang Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits. (LASACMAR)

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagbigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag hinggil sa COVID-19 vaccine program

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office-Public Health ng Media Literacy hinggil sa COVID-19 Vaccine Program  sa ilang mamamahayag sa Bulacan sa pamamagitan ng Google Meet kahapon.

 

 

Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag dahil katuwang ang mga ito sa pagbabahagi ng impormasyon sa publiko.

 

 

Sa ngalan ni Gob. Daniel R. Fernando, sinabi ni Maricel Santos-Cruz, pinuno ng PPAO, na kinikilala niya ang mahalagang gampanin ng mga mamamayag sa pagbibigay sa publiko ng mapagkukunan ng tama at napapanahong impormasyon na magpapaunawa sa publiko ng kahalagahan ng bakuna.

 

 

Samantala, ipinirisinta ni Theresa Marie Bondoc, Health Education and Promotion Officer III mula sa DOH-Central Luzon Central for Health Development, ang 10 kailangan malaman ng lahat hinggil sa bakuna kontra COVID-19 na sumasagot sa 10 katanungan kabilang ang Bakit kailangang magpabakuna?; Anong bakuna ang gagamitin?; Libre ba ito? Sino ang unang mababakunahan?; Saan at kailan ang pagbabakuna?; Ano ang gagawin bago, habang at pagkatapos bakunahan?; Maaari na bang hindi sundin ang health protocols matapos bakunahan?; at Paano malalaman kung hindi peke ang bakunang makukuha?

 

 

Ipinaliwanag ni Bondoc na maiiwasan ng bakuna ang symptomatic at malalang impeksyon at pagkalat nito kung saan Pfizer and AstraZeneca ang mga bakunang aprubado ng FDA at nabigyan na ng Emergency Use Authorization o EUA.

 

 

“Richest countries worked and join hand in hand to expedite the research and development process of the vaccine, but that doesn’t mean na nagskip tayo ng step, masusi po itong pinag-aralan,” ani Bondoc.

 

 

Para sa prayoritasyon ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.

 

 

Aniya, libre ang bakuna at parehong brand ang tatanggapin ng isang tao para sa dalawang dose na imomonitor hanggang pagkatapos ng bakuna.

 

 

“The LGUs in constant coordination with the DOH will determine the venue and time of vaccination. Pinapaalala din po na kahit mabakunahan na, kailangan pa ring sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shield at palagiang paghuhugas ng kamay,” paliwanag ni Bondoc.

 

 

Idinagdag pa niya na maaaring tumanggi sa bakuna ang isang tao ngunit mawawala na ito sa listahan ng mga prayoridad at mabibigyan lamang ng pagkakataon muli matapos mabakunahan ang lahat ng nasa listahan. Maaari ding ma-exempt ang mga taong may allergy sa nilalaman ng bakuna.

 

 

Matapos ang presentasyon, nakiisa rin ang mga mamamahayag sa malayang talakayan para sa ilang paglilinaw.

 

 

Ang bakuna sa COVID-19 ay naglalayong makapagbigay ng libre, epektibo at dekalidad na bakuna laban sa SARS-CoV-2, na nagbibigay prayoridad sa mga pinaka nangangailangang mamamayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 22, 2021

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies na magkaroon ng ibang paraan para hindi na lumabas ang mga senior citizens.

 

 

“Inatasan po ng IATF iyong mga pension issuing agencies pati na ang kanilang servicing banks at iba pang mga financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa mga senior citizens pensioners,” ani Roque.

 

 

Kalimitang nagtutungo ng personal ang isang pensioner isang beses isang taon sa mga tanggapan na nagbibigay sa kanila ng pension o kaya ay sa servicing banks upang magsumite ng dokumento.

 

 

“Dati-rati po kasi, niri-require ang personal appearance. Sa ngayon po kinakailangan magpakita ng personal o magsumite ng mga dokumento ng personal ang mga senior citizen para patuloy nilang ma-access ang kanilang pension,” ani Roque.

 

 

Pero dahil sa COVID-19, isinaalang-alang ng IATF ang kaligtasan ng mga senior citizens.

 

 

Ayon pa kay Roque, ang mga senior citizens ay kabilang sa mga “high risk” at delikado kapag nagkaroon ng COVID-19.

Jesus; Mark 4:39

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Peace, be still.

Rider timbog sa baril-barilan at shabu sa Valenzuela

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kulong ang isang 44-anyos na rider matapos makuhanan ng baril-barilan at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Airsoft pistol/ illegal possesion of firearm), paglabag sa RA 9165 at Art 151 of RPC (Disobedience) ang suspek na kinilalang si Ramil Turba, 44, ng No. 32 Coleta St. Azicate Homes, Brgy. Gen T. De Leon.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PEMS Restie Mables kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 11:30 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng T. Conception St. Brgy. Marulas ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PSSg Jayson Enrile, kasama sina PCpl Alim Macud, PCpl Reynold Panao at PSSg Salvador Estaris sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Anthony Pinol Campado nang makita nila si Turba na nagmamaneho ng isang Honda Click motorcycle.

 

 

Nang parahin ni PCpl Macud ay hindi huminto ang suspek at sa halip ay tinangka nitong tumakas na naging dahilan upang agad itong harangin ni PSSg Enrile saka inaresto.

 

 

Nakita naman ni PCpl Panao na nakasukbit sa baywang ni Turba ang isang kulay silver na airsoft pistol (replica ng 45 caliber) kaya’t kinumpiska niya ito at nang kapkapan ay nakuha pa sa suspek ang isang aluminum tube na may kasamang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga at drug paraphernalia. (Richard Mesa)

Fajardo isasabong na sa Abril ni Austria sa SMB

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na pala dapat mag-aalala ang mga tagasunod ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng San Miguel Beer.

 

 

Inalis na kamakalawa ni Leovino ‘Leo’ Austria ang pangamba ng mga fan hinggil sa pagbabalik na ni June Mar Fajardo sa 46th PBA 2021 Philippine Cup na magbubukas sa Abril matapos ang 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Tiniyak ng Beermen coach na sure ball naman ang pagbabalik-aksiyon ng six-time professional league para sa nalalapit na import-less season-opening conference

 

 

Kasunod ang pahayag ni Austria araw para 31-anyos, 6-10 ang taas na sentrong basketbolistang na sinuri at binigyan na ng go signal ni orthopedic surgeon Dr. George Raul Canlas.

 

 

Missing-in-action rin sa nakaraang season ng unang Asia’s play-for-pay hoop ang franchise player ng Beer ang Cebuano cager dahil sa leg injury noong February 2020.

 

 

Garahe siya sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Angeles, Pampanga bubble na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

 

“I was able to talk to Dr. Canlas, asking the situation June Mar had. He told me definitely. He could return and play in the next season,” lahad ng 62 taong-gulang na bench tactician ng serbesa.

 

 

Pagtatapos ni Austria: “So, maganda ang result ng kanyang healing process and it’s a matter of time to strengthen those muscles supporting his legs. I think by the end of this month, he’s ready to have another workout.”

 

 

***

 

 

Belated Happy Chinese New Year po mga mahal kong mambabasa ng Opensa Depensa at ng People’s BALITA po.(REC)