• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

Baclao ayos sa Meralco

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SOLB na si Siverino ‘Nonoy Baclao, Jr. sa pagbabalik sa Meralco sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.

 

 

Maski hindi pa nakapaglaro sa Bolts taong 2020, pinagkalooban ng kuryente ng contract extension ang 33-year-old, 6-foot-5 big man na produkto ng Ateneo de Manila Univerity-Quezon City.

 

 

Ginamit ni Baclao ang Season 45 ng unang Asia’y play-for-pay hoops na pagpaparehabilitasyon sa kanyang injury na nakuha sa unang laro ng 2019 Governors Cup habang nasa Alaska Milk pa.

 

 

Mabuti’t sinalo siya ng Meralco noong Abril buhat sa unrestricted free agent list, pero hindi rin nakasama sa import-less conference sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre. Nakarating hanggang semifinals ang Bolts bago nilango ng eventual champion Ginebra Barangay Ginebra Sanm Miguel.

 

 

Kapag nakabalik-0aksiyon si Baclao, maaring mag-iba ang ihip ng hangin para sa koponan.

 

 

“He would have helped a great deal being able to guard Japeth (Aguilar) and (Prince) Caperal,” sima ni Bolts coach Norman Black na mentor din dati ni Baclao sa ADMUBlue Eagles. (REC)

Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.

 

 

Buwena-manong kompetisyon pa lang pa lang ito ng tubong Cagayan de Oro na si Alcantara at isinilng sa Tere Haute na si Gonzales para sa halos isang taong pagtengga sanhi ng pandemic.

 

 

Huling umaksiyon ang homegrown at half-Noypi sa Davis Cup kontra Greece kung saan sawimpalad ang ang ‘Pinas 4-1 sa Maynila noong Marso.

 

 

Wagi ng gold medal sa PH 2019 Southeast Asian Games men’s doubles sina Alcantara at Jeson Patrombon sa pagsilat sa Fil-Am pair nina Gonzales at Treat Conrad Huey sa all-PH finals. (REC)

Luke 6:8

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Give, and you will receive.

Magno ‘nag-eespiya’ na rin

Posted on: February 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUKOD sa kaabalahan sa pag-eensayo ni Irish Magno, ‘iniispayan’ din niya ang mga posibleng makasapakan sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa Hulyo 23-Agosto 8 tapos maurong dahil sa COVID-19.

 

 

Kasagsagang nag-o- Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang boksingera, 29, 5-2 at isinilang sa Iloilo kung saan nagsisikap mahabol ang tamang lakas, porma’t bangis para sa quadrennial sportsfest na na huling ginanap sa Land of the Rising Sun noong 1964.

 

 

“Alam naman po nina (coach) kung ano ang mga dapat ko pang i-improve,” bulalas ni Magno sa pinakahuling bahagi ng Philippine Sports Commission (PSC) Hour interview nitong Lunes kung saan kanyang ring inaalam ang mga makakatuos via internet.

 

 

“Libre naman po ‘yung Wi-Fi dito, anytime puwede kami mag-scout sa kanila. So ‘yun po ang ginagawa ko rin bukod sa trainings . Tiningnan ko po kung sino na ‘yung mga nag-qualify na po sa Olympics bukod sa akin.” (REC)

Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung saan ay pag-uusapan kung papayagan na nga ba ang in-person classes.

 

“Hindi naman sinabi na palibhasa face to face yan po ay 8 hours 5 days a week. Pwede naman one hour per week, 3 hours per week, basta meron lang pong kombinasyon ng module, ng computer-aided at saka face to face kung kinakailangan makipag-ugnayan sa mga guro,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Yan po ay pag-uusapan,  sa press breifing ipinaliwanag ni Sec. Leonor Briones na ito naman ay naunang naaprubahan ng IATF bagama’t panandaliang tinigil natin dahil pumasok ang new variant. Pero ngayong naintindihan na natin ang new variant na ito at mukha namang wala tayong community transmission sa new variant eh bubuhayin muli ang pag-uusap tungkol sa face to face. Dahil gaya ng sinabi ni Sec. Briones parang tayo na lang ang bansa na wala pang face to face sa buong mundo,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinuspinde ni Pangulong Duterte ang pilot testing ng in-person classes bunsod ng bago at mas nakahahawa na COVID-19 variant na nakumpirma sa ilang bahagi ng bansa.

 

“Pero sa tingin ko po, alam na natin ang anyo ng bagong variant ngayon, mas nakakahawa. Pero alam din po natin ang kasagutan sa bagong variant na ‘yan mas maigting na mask, hugas at iwas.

 

Nauna rito, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na tanging ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.

 

Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman aniya ay dalawang araw. Depende aniya sa situwasyon.

 

Magkagayon pa man ay naghahanda pa rin ang DepEd sa pagdating ng panahon na i-lift o bawiin na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deferment ng pilot studies ng Pilipinas.

 

Sa ngayon ay masasabing maraming kondisyon ang dapat na ikunsidera gaya ng kailangang pumayag ang local government na gumawa ng face-to-face sa kanilang teritoryo dahil teritoryo ng mga ito iyon at saka malaki aniya ang mga investment ng mga local government sa mga eskuwelahan. Kailangan na may consent ng mga ito. Eliminated  ang NCR sa isinama nila na 1,000 schools dahil hindi naman ito sumasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)

RURU, naglalakihan na ang braso at dibdib dahil sa ‘intense workout’; paghahanda para sa ‘Lolong’

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BORTANG-BORTA ang pangangatawan ni Ruru Madrid sa isang video post nito sa Instangram kunsaan nagwu-workout ito bilang paghahanda sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Lolong.

 

 

Naglalakihan ang mga muscles sa braso ni Ruru habang nagbubuhat ito ng weights. Kitang-kita rin ang malaking dibdib ng aktor na kinasasabikan na ng nga beking makita kapag nag-topless na ito.

 

 

“My kind of chill weekend,” caption pa ni Ruru sa IG post.

 

 

Bukod sa intense workout, sumabak din sa stunt training si Ruru. Makikita sa pinost niya sa IG ang training niya kasama ang dalawang lalake. Nag-aral din ang aktor ng Filipino traditional martial art na Arnis.

 

 

Makakatambal ni Ruru sa upcoming action-adventure series ay sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

 

 

***

 

 

NAG-STANDOUT sa kanyang audition para sa bagong cooking show na Farm To Table si Chef JR Royol.

 

 

Tinalo nga raw ng Bicolano-Igorot chef ang ilang mas kilala nang celebrity chefs.

 

 

“This show came at the right time. Noong may tumawag sa akin para mag-audition ako, wala akong alam na it’s for a cooking show. Akala ko guesting lang iyon. When they called me na ako ang napili, natuwa po ako kasi marami kaming nag-audition. Magandang blessing ito for my family,” sey pa ni Chef JR.

 

 

Bumagay raw kasi si Chef JR sa concept ng show kunsaan pupunta ito sa iba’t ibang farms sa bansa at ituturo kung papaano makakalikha ng masasarap na putahe gamit ang fresh ingredients mula rito.

 

 

“The way I look at this project is para siyang hands-on training. For me, more than the exposure, I’m mostly excited with the knowledge na makukuha ko working with different people. One of my practices is to really teach my staff before. Mas excited ako na mas malawak ‘yung audience na matuturuan ko with this show.”

 

 

***

 

 

HINDI lang pala si Kim Cattrall ang hindi makakasama sa reboot ng Sex and the City sa HBO Max.

 

 

Hindi rin kasama si Chris Noth, ang gumanap na Mr. Big, at si David Eigenberg, ang gumanap na Steve Brady.

 

 

Noon pa naman sinabi ni Noth na tapos na siya sa pagganap bilang si Mr. Big after ng second movie ng SATC. He has moved on portraying other characters on TV tulad sa The Good Wife, Gone, Dr. Who at The Equalizer. 

 

 

Si Mr. Big ang love interest ng character ni Sarah Jessica Parker as Carrie Bradshaw sa six seasons ng SATC. Kinasal sila sa first movie version ng SATC in 2008 at na-survive nila ang struggles of married life sa SATC sequel on 2010.

 

 

Si Eigenberg ang gumanap na bartender boyfriend ni Miranda Hobbes (Cynthia Nixon) mula season 1 to 5 ng SATC. Season 6 sila kinasal. Sa SATC movie, naghiwalay sila pero nagkabalikan sa ending. Sa second movie, iilan lang ang eksena niya. Kasalukuyang lumalabas si David sa series na Chicago Fire.

 

 

Medyo disappointed ang SATC fans dahil hindi mabubuo ang cast para sa 10-episode revival title “And Just Like That.”

 

 

Wala ring kasiguraduhan kung ire-reprise ng iba pang SATC cast tulad nila Willie Garson as Stanford Blatch; Kyle MacLachlan as Trey MacDougal; Evan Handler as Harry Goldenblatt; Mario Cantone as Anthony Marintino; and Frances Sternhagen as Bunny MacDougal.

 

 

Pumanaw naman na ang two SATC cast members na si Lynn Cohen as Magda and Anne Meara as Mary Brady (RUEL J. MENDOZA)

TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.

 

 

Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay  inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang sa kanilang pag-aaral lalo na sa ngayon ay tanging on-line classes lang ang pinapaiiral halos sa buong bansa.

 

 

Nabuking ng QC na nagagamit ang tablet na ipinamahagi nila sa on-line sabong mtapos ang naging operasyon ng Task Force Disiplina noong February 14 kung saan ay may natiyempuhan sila na grupo ng kalalakihan na nag-iinuman at nang makita ang TF Disiplina ay nagpulasan ang mga ito pero may mga tablet na naiwan na naka on pa sa on-line sabong.

 

 

Kinumpiska ng TF Disiplina ang mga tablet at nang masuri ay napag-alaman na ito ay pawang ipinamahagi ng QC government at nakalaan para sa on-line classes.

 

 

Base sa  QC Council Ordinance no. 2954 S-2020,  sinumang indibidwal na gamitin ang binigay na gadgets ng QC government maliban sa on-line classes ay mahaharap sa multa at iba pang mga penalties. (RONALDO QUINIO)

Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.

 

 

“The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated measures to contain the transmission in the region and investigation to characterize the cases and areas of concern,” ayon sa pahayag ng DOH kahapon.

 

 

Magpapadala pa ng dagdag na samples ang DOH-Region 7 sa Philippine Genomic Center (PGC) para makakuha pa ng mga karagdagan rin na mga detalye ukol sa dalawang mutation na inisyal na binansagang  E484K at N501Y.

 

 

“We would like to emphasize that our biosurveillance efforts extend beyond this enhanced response in Region 7 and is inclusive of all regions to give us better national and regional pictures of these mutations and variants,” ayon pa sa DOH.

 

 

Sinabi rin ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga na iugnay ang dalawang bagong diskubreng mutation sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 7. Sinabi ng kalihim na isang factor ang pagtaas ng mobility ng mga tao nang ilagay ang rehiyon sa ‘modified general community quarantine’.

 

 

“Yan sa tingin ko ang posibleng dahilan pero pwedeng hindi lang siya ang dahilan, posibleng marami ring dahilan kaya kailangan ng mas malalimang pagsusuri para malaman natin kung ang pagtaas na ito ay dahil sa isang factor or pangalawang factor or combination ng factors,” pahayag pa ni Duque.

 

 

Ipinaliwanag ng DOH na natural na nagkakaroon ng mutation ang mga viruses, maging kapag nasa loob na ng katawan ng tao. Iba’t iba rin ang epekto ng mga mutation kung saan maaaring hindi naman nakasasama. (Daris Jose)

SHARON, inunahan na agad ang mga bashers na walang in-edit sa latest photo na pinost

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw nang pinag-uusapan ang latest photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram.

 

 

Marami talagang napa-wow at nag-react na pumayat talaga siya na kitang-kita naman sa kanyang pinost na may caption na, “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!”

 

 

Kasama ang hashtag na #noeditinghuwaw, na parang inunahan na ang kanyang mga bashers, dahil pinaghirapan talaga niya ang kanyang stunning figure.

 

 

Last January, nanggulat din si Sharon nang ipost sa IG ang photo na naka-swimsuit habang nasa swimming pool, na kitang nagsimula nang mabawasan ang kanyang timbang.

 

 

Bukod sa kanyang fans and followers, hindi rin napigilang mag-comment ng mga showbiz friends niya.

 

 

Of course, nag-comment din ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan ng, “Hi sexy.”

 

 

Pati ang anak niyang si Frankie Pangilinan at nag-comment in bold letters na, “PLEASE THIS IS THE CUTEST THING IVE EVER SEEN IN MY LIFE.”

 

 

“GO QUEEN HAVE YOUR COFFEE.”

 

 

Sagot naman ni Sharon, “@frankiepangilinan With lots of milk! You know that right?!”

 

 

Narito naman ang naging comment ng nina Pops Fernandez: “You look great!”,

 

 

Ara Mina: “That’s my Ate. So sexy na.”

 

 

Alex Gonzaga, “Sexy!!!!!.” Mariel Rodriguez-Padilla: “Beautiful,” Rica Peralejo: “Awow ANG GANDA.” Jackielou Blanco: “Looking great mama!!!”, Jaya: ”So happy to see you earlier!!! You look amazing!”, at Franco Laurel: “In fighting form! Wow!!!!!”

 

 

Say naman ni Jed Madela, “Super happy to see you today, Ate Shawie!!”

 

 

At nag-reply naman si Sharon ng, “@jedmadelaofficial Me too my Jeddy! You have no idea how much I missed us all together! I love you!”

 

 

Samantala, nagsimula na ang reality talent competition na Your Face Sounds Familiar last Saturday and Sunday na kung saan balik sa pagiging hurado si Sharon at kasama pa rin sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

 

 

Ang ten celebrities na maglalaban-laban sa new season ng YFSF ay sina Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Christian Bables, CJ Navato, Vivoree Esclito, Lie Reposposa, at ang iDolls trio na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario. (ROHN ROMULO)

P6M HALAGA NG KARGAMENTO TINANGAY NG DRIVER AT HELPER

Posted on: February 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINANGAY ng driver at ng kanyang helper ang higit sa P 6 milyong halaga ng kanilang kargamento na dapat ay idineliver nila sa isang negosyanteng buyer sa Malabon city.

 

 

Natuklasan ni Johnson Tan, 24, negosyante at residente ng 920 Asuncion St., Tondo, Manila na hindi pala dumating sa kanyang buyer na si Kevyn Sy sa Balintawak Market sa Quezon city ang idedeliver sanang 100 sako ng monggo at 800 sako ng bawang na may kabuuang halagang P611,000.00 ng mga suspek na sina Marvin Enano, 24, driver at Khen Palajos, helper, kapwa ng Baseco Compound, Tondo.

 

 

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal ng Malabon police, inutusan ni Tan ang dalawa na kuhanin sa Super 5 Cold Storage sa Gov. Pascual, Brgy. Catmon ang mga kargamento noong Lunes ng dakong alas-8:52 ng gabi at i-deliver sa kanilang buyer na si Sy puwesto nito sa Balintawak Market.

 

 

Inakala ni Tan na nai-deliver na ng dalawa ang sako-sako ng monggo at bawang subalit nagulat siya ng tawagan siya ni Sy dakong alas-2 ng hapon kamakalawa at tinatanong kung bakit hindi dumating ang inorder niyang monggo at bawang.

 

 

Tinawagan ni Tan sa kani-kanilang mobile phone ang kanyang driver at helper subalit hindi na sumasagot ang mga ito kaya’t humingi na siya ng tulong sa Manila Police District (MPD) Station 2 na nagpayo rin sa kanyang maghain ng reklamo sa Malabon police.

 

 

Nagsasagawa na ng pagtugis ang magkasanib na puwersa ng MPD at Malabon police para sa agarang pagkakadakip sa mga suspek. (Richard Mesa)