HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine.
“Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi.
“We all know that if the FDA gives any vaccine the EUA, the safety and efficacy are assured,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.
Ang Sinovac vaccines na dinonate ng Chinese government ay inaasahan na darating sa araw ng Linggo, Pebrero 28.
Sinabi ni Dr. Legaspi na inihanda na ng PGH ang infrastructure at logistical requirements para sa bakuna.
“I think the important thing to remember here is whatever vaccine comes, we should welcome it because it will definitely make a difference in helping control the spread of this infection,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ni Dr. Legaspi na ang 94% ng PGH personnel ay nagpahayag na ng kahandaan na mabakunahan.
“Bago pa man po malaman ng mga tao ng PGH noong early January kung anong bakuna ang darating, ang aming initial survey… 75% are willing to have the vaccine, so I hope we still get that 75% of our population and it will still be a good number,” aniya pa rin.
Pinawi naman ni Dr.Legaspi ang pangamba ng publiko na ang Sinovac vaccine ay magbibigay lamang ng maliit hanggang sa walang proteksyon para sa mga health workers.
Giit nito, ang mga bakunang inaprubahan ng FDA ay ang Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac— na aniya’t nag-aalok ng 100% protection laban sa COVID-19.
“Hindi naman porket nabakunahan ng Sinovac ay walang proteksyon. Ang ibig lang sabihin, ang proteksyon niya ay hindi as high to prevent mild symptoms from occurring, which probably magiging dahilan to para hindi makapasok ang HCWs sa ospital,” ang pahayag ni Dr. Legaspi.
“Siguro ‘yun ang basis ng FDA para sabihin na hindi siya ideal para sa healthcare workers dahil kahit mild symptom, hindi sila papasok pag nagkaroon sila ng mild symptom at mababawasan ang manpower sa ating ospital,” dagdag na pahayag ni Dr. Legaspi.
Samantala, hindi naman inirerekumenda ng FDA ang Sinovac para sa mga health workers bunsod ng mababang efficacy rate na 50.4% para sa nasabing grupo subalit maaari pa rin naman aniyang magpabakuna ng mga ito kung kanilang gugustuhin.
ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.
HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.
KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si retired Gen Camilo Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President.
NASA walo lang ang tinapik, pero may anim na protected list sa pangunguna nina dating national team stalwarts Allana May Lim at Clare Castro ang Parañaque kaya patok pa rin sa nakatakdang dumribol na 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 sa ihahayag na petsa sa lalong madaling panahon.
ANG sakit naman nang nangyari kay National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping bumalik at makapaglaro para sa Team Ignite na kumakampanya sa kasagsagang 20th NBA G League 2021 sa Estados Unidos ng Amerika dahil sa Coronavirus Disease 2019.
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.
IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr. bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9