NANINIWALA si John Estrada na mas mahirap daw silang i-handle noong mga teenager pa lang sila at nag-aartista.
Katwiran niya, “Tingin ko po ngayon with the technology and the internet, alam niyo, sobrang advance na po ang mga bata ngayon.
“Minsan nga yung mga anak ko pa ang nagtuturo sa akin.”
Si John ang isa sa cast ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na Babawiin Ko Ang Lahat at magsisimula ng mapanood sa February 22, kunsaan, kasama niya rin sa mga “senior” cast na sina Carmina Villarroel, Tanya Gomez, Gio Alvarez at Tanya Garcia.
Pero marami rin silang kasamang mga kabataang artista tulad ng bida ng serye na si Pauline Mendoza at sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa kaya napagkukumpara yung panahon nila at panahon ngayon.
Bilang isang magulang, ang masasabi raw niyang pinakamahirap para sa kanya ay nang magsabi ang panganay na anak, si Inah de Belen na handa na itong magpakasal.
Ang longtime boyfriend ni Inah ay si Jake Vargas.
“Pinakamahirap yung sasabihan ka ng anak mo na ready na siyang mag-asawa. Yun ang pinakamahirap at talagang malaking tinik yung nilunok ko noong sinabi sa akin.
“But then again, it’s inevitable at alam naman natin na talagang mag-aasawa ang mga anak natin. Yun lang, yung reality lang na medyo mapait din pala.”
Sa huli, nilinaw rin ni John na nagsabi pa lang daw si Inah na ready na itong magpakasal, pero hindi pa naman daw ikakasal na ang anak at si Jake.
Kumpara sa marriage nila ng ina ni Inah na si Janice de Belen, ang payo niya raw sa anak kapag nagpakasal na, “I hope it will last. I hope it’s forever.”
***
MISMONG ang ina ng anak ni Kristoffer Martin na si AC Banzon ang kumontak na raw sa pep.ph para magsalita at sabihin ang side niya sa totoong kuwento raw nang naging hiwalayan nila.
Sa interview ni AC, inamin nitong bago pa lang pala silang naghihiwalay pagkatapos nilang magsama ng ilang taon. Pareho silang taga-Olongapo ni Kristoffer kaya hindi rin nakapagtataka na noong pandemic, sa Olongapo nag-stay ang Kapuso actor.
Ayon kay AC, December 2020 lang daw sila naghiwalay. Right after na manggaling ni Kristoffer sa lock-in taping ng bago nitong serye, ang afternoon prime na Babawiin Ko Ang Lahat na magsisimula na sa February 22 sa GMA-7.
Ayon kay AC, one-sided decision ang naging break-up nila, hinabol pa raw niya si Kristoffer, hoping na magkaka-ayos pa rin at magbabago ang desisyon nito.
In fairness to AC, wala itong sinabi na third party or may iba na si Kristoffer. Ito ay sa kabila ng nali-link ang actor sa co-star rin niya sa Babawiin Ko Ang Lahat na si Liezel Lopez at ang isyu nga, nagka-debelopan ang dalawa during the lock-in taping.
Nang tanungin namin si Kristoffer tungkol dito, hindi siya sumagot ng diretso pero inamin nitong naging very close sila at nag-uusap. Pero wala itong definite answer kung tungkol saan ang pag-uusap nila.
Noong Valentine’s Day, nag-post si Kristoffer na naka-staycation sa Boracay. Wala itong pinost na kasama. Pero may hirit ang kapwa niya Kapuso star na si David Licauco at tinatanong ito kung sino ang kasama niya.
Hindi ito sinagot ni Kristoffer, pero may netizen na maaaring nag-aassume lang or kung may alam man na siyang sumagot nang, “Si Liezel.”
Ang bagong Kapuso female star nga ba ang dahilan kung bakit nakipag-break ang actor sa ina ng kanyang anak?
***
KAHIT na nagdo-double digit halos ang rating ng The Lost Kitchen, tuloy pa rin daw itong magtatapos by March yata.
Pero hindi malayong magkaroon ito ng season 2 sa magandang reception ng mga manonood. At siguro, habang ire-ready ang season 2 kung matutuloy man, ang Heartful Café muna ang mapapanood at bagong offering naman ng GMA News and Public Affairs.
Mukhang may bagong tambalan na naman na mabubuo ang Kapuso network with Julie Anne San Jose at David Licauco.
Hindi naman siguro promo lang lalo na at ngayon, parang ang mga promo naman sa mga short-lived serye e, hindi na yung hard-sell na i-push ang dalawang bida o loveteam.
Pero may napi-feel daw na kilig ang nakakasama at nakakakita sa dalawa dahil bagay raw ang mga ito. Tapos, si David pa raw, nahihiya pero excited sa magiging lock in taping nil ani Julie.
Well, tingnan natin… (ROSE GARCIA)
INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na.
Kailangan ang mahigpit na kampanya laban sa mga colorum na sasakyan. Inaagawan nito ng hanapbuhay ang mga legal na pumapasada at delikado ito sa mga pasahero dahil walang personal passenger insurance ang mga colorum. Pero paano kung ang mismong polisiya na dapat panlaban sa mga colorum ay tila mas mabigat ang parusa sa mga may prangkisa? Ito ang dapat suriin muli ng mga transport officials sa umiiral na Joint Administrative Order no. 2014-01.
MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa.
NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.
SINABI ni Education Secretary Leonor Briones na maingat silang magtatakda ng school break lalo pa’t ang mga estudyante ay nagkaroon na ng anim na buwan na bakasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits.
NASAWI ang isang riding in tandem habang naaresto ang kasama nito matapos mambiktima ng estudyate sa Malate, Maynila .
Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1.