IMINUNGKAHI ng ilang medical expert na palakasin na lamang ang outdoor cinema sa halip na agad na ibalik ang indoor cinema o traditional cinema para makaiwas sa peligro at posibilidad na makapitan ng covid 19 virus.
Nangangamba kasi ang mga ito sa inaasahang pagbabalik ng operasyon ng mga sinehan sa gitna ng pandemya.
Ayon kay UP-PGH College of Medicine Clinical Associate Professor Dr Menguita Padilla, kulob at air- conditioned ang mga sinehan kaya’t may posibilidad na may mai- infect sa movie goers sakalit may makalusot na carrier ng COVID.
Aniya, may iba namang paraan para matulungan ang nasa cinema industry lalo’t nasa 300,000 katao umano ang umaasa dito.
“Kami ay may suggestion: Puwede pa rin nating tulungan ang mga cinemas na kumita. Kasi sabi ni Secretary Lopez, about 300,000 people ay dependent sa cinema industry for their livelihood, baka puwedeng gawin ng mga LGUs is outdoor cinemas ‘no. Maganda naman iyong outdoor cinemas, sa park, etc.
Ang ikinatatakot ng mga doktor at kasama na kami doon is that kahit bawasan ninyo ang mga tao sa loob ng cinema – kasi kulob siya, kasi airconditioned, maaari pa ring ma-infect,” ayon kay Padilla.
“So this is just a suggestion. Tapos, finally, takot nang marami pa rin na pumunta so baka kung indoor cinemas ay hindi pa rin pumunta ang tao. So iyon lang ‘no. So those are some of our ideas, and I can answer the rest of the questions about vaccine. Me, personally as a doctor, tinanong ako ng isang tao, “Papayag ba kayo na Sinovac,” dagdag na pahayag nito.
Napaulat na di umano’y sa Marso 1 na magbabalik operasyon ang mga sinehan sa NCR na kung saan ay nagsisimula na ang konsultasyon sa mga alkalde ng Metro Manila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
MAY pinatatamaan ang beterano ng National Basketball Association (NBA) player na si Chris McCullough sa tweet tungkol sa naturalization niya nito lang isang araw.
WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility.
HULI ang walong tulak ng shabu matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).
HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.
IPINAHAYAG ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire Lunes ng hapon na nasa hurisdisksiyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (MEID), ang pagsasagawa sa bansa sa hinaharap ng 30th International BasketballFederation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window.
NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships.
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.
SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.