BALIK Pilipinas na pala ang pamilya nina Anne Curtis at Erwann Heusaff kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia.
Mahigit isang taon din sila sa Melbourne, Australia kunsaan ay nanganak si Anne at nag-stay sila hanggang 11 months old si Dahlia. Siyempre, nag-extend talaga ang stay nila sa Australia dahil sa pag-surge ng COVID-19.
Pero good for them dahil mas medyo normal ang buhay sa Australia at mas naagagapan ng gobyerno ron kaya tulad sa Melbourne, ilang buwan na rin sila na zero cases.
Obviously, dito na magse-celebrate si Dahlia ng kanyang first birthday. Sa maliit na Instagram video ni Erwann, nasabi nito sa caption ang naging proseso nila ng pag-uwi.
Aniya, “Melbourne to Manila and 6 days hotel quarantine done. 8 days of home isolation to go.” Nakita rin sa video ang pag-undergo nila ng swab test.
Ngayong nasa Manila na si Anne, nangangahulugan din ba ito na balik It’s Showtime na rin siya?
***
KITANG-KITA naman sa aura ni Marian Rivera nang makausap namin sa pamamagitan ng zoom mediacon bilang sa ikalawang taon ay endorser pa rin ng Walter Mart na hindi ito na-bother man lang at sey nga niya, tinawanan lang nila ng mister na si Dingdong Dantes ang isyung nakabuntis ito.
Kesyo nabuntis nga raw ni Dingdong ang Kapuso star na si Lindsay de Vera. “Wala nga e. Dedma lang ako,” natatawang sagot niya.
“Sabi ko, alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa. Sabi nga niya, nakita mo ba yung chismis sa akin? Sabi ko, oo, nakakatawa.
“Tawang-tawa talaga ko tapos niloko ko siya, sabi ko, ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis. Sabi ko, beke nemen, baka ako ang susunod diyan. Tapos tawa siya ng tawa.”
Sabi namin kay Marian, mukhang matatag na talaga sila ni Dingdong at wala ng isyu o pang-iintriga pa na pwedeng makasira o magpabuwag sa kanila.
“Well, siyempre, ayaw naming isipin ‘yan. Pero siyempre sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.
“Malay mo, yung mga chismis-chismis na yan, e, magkatotoo,” sey na lang niya.
Pero alam daw kasi nila ni Dingdong ang pinasok nila nang magpakasal sila at sumumpa sila na sa hirap o ginhawa, magkasama sila. (ROSE GARCIA)
INARESTO ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang lalaki sa pangongotong sa isang aplikante na kumukuha ng NBI clearance sa loob ng NBI Headquarters sa Manila.
UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.
Bubusisiin ng Kongreso and dalawang kontrobersyal na hakbang na para raw sa kaligtasan ng mga motorista. Salamat at napakinggan ng ating mga mambabatas ang panawagan na suspindihin ang implementasyon ng Child Restraint System (CRS) at Private Motor Vehicle Inspection System (PMVIS). Nanawagan din ang Pangulo mismo na huwag muna ipatupad ang Child Safety in motor vehicles Act na nilagdaan niya noon. Ang dahilan hindi napapanahon ang mga ito ngayong may pandemya dahil nga dagdag gastos pa ito para sa tao.
Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.
MAGPAPATULOY para sa Meralco ang pagseserbisyo ni veteran swingman Allein Maliksi para sa darating 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa umpisa sa Abril 9.
KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.
TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8.