NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa GMA Network matapos lumabas sa isang article nila ang tungkol sa pagiging solo entrepreneur ng actress sa kanyang jewelry business, na siya lamang mag-isa ang gumagawa ng mahirap na trabaho.
In this way nagawa raw niyang tulungan ang ibang taong nangangailangan.
Sa Instagram post ni KC: “Thank you @gmanetwork and Ms. Cara Emmeline Garcia @avecmoijewelry and our fellow jewelry lovers who purchased our pieces, were indeed able to provide immediate relief to survivors of the most recent typhoons.”
Kamakailan ay nag-guest din si KC sa Amazing Earth, infotainment program ni Dingdong Dantes sa GMA, na pinost din niya ang clip nito sa kanyang IG account, kaya maraming nagsasabi na maaari raw bumalik muli sa GMA si KC para mag-guest sa iba pang programa roon.
Miss na rin ng mga fans ni KC ang actress na matagal nang hindi napapanood sa TV.
***
MALUNGKOT si Kapuso actress Lovi Poe na miss na miss na ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe from the US.
Sabi nga balik-sila muli sa LDR (long distance relationship).
Lovi spent the holidays in the US with Montgomery and his family from UK na bumisita rin sa kanya. Pero after Christmas bumalik na rin agad si Lovi sa bansa para tapusin ang lock-in taping ng bago niyang romantic-comedy series na Owe My Love, kaya ngayon ay miss na miss na ni Lovi ang boyfriend.
“Being in a long-distance relationship can be tough, lalo ngayong it’s hard to travel because of the pandemic,” sabi ni Lovi.
“Kaya with the distance, mas lalo naming nami-miss ang isa’t isa and he makes an extra effort to make me feel special kahit we’re so far away from each other.”
Medyo nalilibang si Lovi dahil sa pagti-taping, ng Owe My Love na mas light kaysa sa mga nauna niyang serye na masyadong dramatic.
Magiging birthday presentation niya ang serye dahil magsi-celebrate siya ng birthday sa February 11 at magiging post-Valentine offering naman ito ng GMA Telebabad sa February 15, after ng Love of My Life.
Producer nito ang GMA Public Affairs.
***
TIYAK na magugustuhan ng mga K-drama adiks ang bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong February, ang The Romantic Doctor 2.
Ngayong Monday, February 8 na magsisimulang mapanood ang medical K-drama na puno ng aral tungkol sa love, friendship at laban para sa propesyon at prinsipyo sa multi-awarded Korean series na The Romantic Doctor 2 sa GMA Network.
Tampok sa serye ang panibagong journey ng mahusay na surgeon na si Dr Daniel Boo (Han Suk-kyu) na mas kilala sa tawag na Master Kim. Dahil nangangailangan ang pinagtatrabahuhan niyang ospital sa Doldam Hospital ng general surgeon, nagtungo siya sa Geosan University Hospital sa Seoul para mag-recruit.
Nakilala niya roon sina Dr. Wesley Seo (Ahn Hyo-seop) at ang cardiac surgeon na si Dr. Emily Cha (Lee Sung-kyung). May pagkukulang man sila, napili pa rin ni Master Kim ang dalawa para magtrabaho sa kanilang hospital.
Mapapanood ang The Romantic Doctor 2 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng My Korean Jagiya. (NORA V. CALDERON)
NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya.
LUNGSOD NG MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.”
NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer.
Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa.
SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.
BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter.
Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city.