• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2020

CHED nakiisa sa PSC, DOH, GAB; sumunod tayo sa guidelines

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakiisa ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board, at Department of Health sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan  ng student-athletes sa gitna ng the coronavirus disease 2019 pandemic.

 

“Safety of our students is the topmost concern,” ani CHED chairman Prospero De Vera at hinimok ang lahat ng atleta na sumunod sa ipinatutupad na guidelines at safety protocols kaugnay sa pagdaraos ng sports.

 

Nag-ugat ang pahayag na ito makaraang umuugong ang usapin sa dalawang collegiate team na University of Santo Tomas (UST) at National University (NU).

 

Buhat pa noong quarantine, inabisuhan na ni De Vera ang mga estudyante sa kolehiyo na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.

 

Pinasalamatan ni PSC National Training Director Marc Velasco  si  De Vera at siniguro ang buong suporta ng ahensiya sa kaligtasan at kalusugan ng mga atleta.

 

“The PSC will always push to uphold the issuances regarding sports and physical activity and we are happy that CHED is a steady partner when it comes to sports in universities and colleges,” ani  Velasco.

 

Samantala, sa isang pagpupulong, sinabi ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) executive director Rebo Saguisag at Season 83 president Nonong Calano na nakatakda ang UST na tapusin ang imbestigasyon sa kanilang basketball squad.

 

“The fact-finding committee is wrapping up their investigation and will; be forwarding the result to the rector’s office tomorrow.

Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble.

 

Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs.

 

Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas siya ng depression at anxiety.

 

Kung mayroon aniyang pagkakataon ay lalabas na lamang ito sa NBA bubble.


Malaking nakatulong aniya sa ngayon ang pakikipag-ugnayan niya sa psychiatrist ng kaniang koponan.

 

Magugunitang ipinatupad ng NBA ang bubble type para sa mga manlalaro na hindi na lalayo at baka mahawa pa ng COVID-19.

CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

 

Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.

 

Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para sa Cash for Work program ng DSWD.

 

Ang mga cash for work beneficiaries ay maglilinis sa mga barangay,  magtatanim at iba magsasagawa ng iba pang aktibidad para maibsan ang epekto ng climate change. Sila ay tatanggap ng P4,050  matapos ang 10 araw ng trabaho.

 

Maaari lamang mag-apply ang mga Navoteño na edad 22–59, maliban sa mga buntis, hanggang Agosto 28.

 

“Many lost their jobs due to business closure or downsizing. That is why we look for ways to lessen the impact of the crisis in our city and on our people,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.

 

Samantala, personal na namahagi si Navotas Cong. John Rey Tiangco ng 350 smart phones sa DepEd Division of City Schools, Navotas bilang suporta sa kanilang SOS o Support Our Students Program.

 

Ang SOS ay isang tawag ng bayanihan para mapunan ang mga pangangailangan sa distance learning ng ating mga K to 12 learners sa ating lungsod.

 

“Ano mang kabutihang loob na inyong maipagkakaloob ay malaking tulong po sa kabataan ng Navotas. Sa mga nais magpaabot ng suporta, makipag-ugnay po lamang kayo sa DepEd Division of City Schools ng Navotas”, panawagan ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

Ads August 28, 2020

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, kinunsiderang palitan sa puwesto si Customs chief Rey Guerrero

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAMIN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang ikinunsidera na palitan na si retired general Reynaldo Guerrero bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC).

 

Subalit nilinaw ng Pangulo na hindi ito dahil sa korapsiyon kundi dahil sa ipinagkakaloob nitong tiwala  sa mga taong hindi naman dapat pagtiwalaan.

 

Special mention dito ng Pangulo si BOC Chief of Staff Teodoro Jumamil na para sa kanya ay matagal na niyang sinabi kay Guerrero na alisin sa puwesto dahil corrupt.

 

“Well, I was considering — Jagger, I was considering of replacing you not because of anything. I can vouch na malinis ka. Problem is ‘yung — do not entertain loyalties especially in government. If you think that that idiot is going to destroy you, you destroy him first,” ayon sa Pangulo.

 

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na may hawak  na dalawang  posisyon si Jumamil, isa aniya sa DBP at  empleyado rin ng Customs Bureau.

 

Giit ng Pangulo na hindi dahil sa nakatulong sa kanya si Jumamil ay magpipikit mata na siya sa mga ginagawa nito na aniyay matagal ng namamayagpag at sisira kay Guerrero.

 

Walang duda ayon sa Pangulo na malinis si Guerrero na ang kailangan ngayon ay tulong sa Customs.

 

Bukod sa PHILHEALTH, BOC naman ang pinasisiyasat ni Pangulong Duterte sa DOJ kaugnay ng sinasabing namamayagpag pa ding katiwalian sa ahensiya. (Daris Jose)

PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.

 

Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.

 

Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.

 

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang — walang — walang ganang — wala nang ganang kumain,” ayon sa Pangulo.

 

“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka. Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing Stage 1 ka sa cancer. So hindi na rin,” aniya pa rin.

 

Bukod aniya sa kanya ay may miyembro rin siya ng gabinete ang may sakit.

 

“Si Bebot ‘yung paa ewan ko kung puputulin ‘yan o hindi. Puro na may sakit so what do we get if we…? T*** i***** ‘yan. Wala na.

Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, “Ginawa ko man lahat. Ito man si Dominguez ang walang pera.” Totoo. Eh saan ‘yang pera? Eh naubos na niya, inutang na niya lahat eh, wala nang magpautang. Si Lorenzana, ah wala ‘yan. Kung bala pati armas may maibigay ‘yan pero medisina kailangan pera, cold cash talaga ‘yan,” lahad nito.

 

Kamakailan lamang ay sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque na mabuti  ang kalagayan ng Pangulo ngayon kahit marami sa miyembro ng kanyang gabinete ang naging positibo sa Covid- 19.

 

Itinanggi rin ni Sec. Roque ang kumalat kamakailan lang na mga balitang lumipad ang Pangulo patungong Singapore para sa isang emergency treatment.

 

Kaugnay nito ay may ilang petisyon na ang naihain  sa Korte Suprema para maisapubliko ang medical records ng Pangulo para malaman kung nasa tamang kondisyon ba siya para pamunuan ang bansa, pero hindi ito kinakatigan ng mataas na hukuman dahil umano sa kawalan ng matibay na basehan. (Daris Jose)

Pacers coach McMillan, sinibak; Spoelstra, nagalit

Posted on: August 28th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang dalawang sunod na pagkatalo sa first round playoffs sa NBA conference, sinibak na ng Indiana Pacers ang kanilang pambatong coach na si Nate McMillan.

Kinumpirma ang pagkakasibak kay McMillan ni President of basketball operations ng Pacers na si Kevin Pritchard.
“This was a very hard decision for us to make; but we feel it’s in the best interest of the organization to move in a different direction,” ani Pritchard. “Nate and I have been through the good times and the bad times and it was an honor to work with him for those 11 years.”

Nakagugulat umano ang naging desisyon ng Pacers dahil noong August 12 ay inanunsyo ni Pritchard na binigyan nila si McMillan ng isang taong extension ng kanyang kontrata bilang mentor ng koponan.

Bago bigyan ng contract extension, pinuri ni Pritchard si McMillan dahil sa abilidad nitong dalhin sa playoffs ang koponan sa kabila ng maraming manlalaro ang nasa listahan ng may injury gaya ni Victor Oladipo at All-Star forward Paul George.

Ikinagalit naman ni Miami Heat coach Erik Spoelstra ang ginawang pagsibak kay McMillan.

“It seems totally ridiculous,” ani Spoelstra. “It seems like you’re talking out of both sides of your mouth. Just two weeks ago at the beginning of our series, you’re giving him an extension – but really it’s just a media fake extension to appease whatever they felt like they needed to appease.