• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 11:43 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 KABABAIHAN SA HUMAN TRAFFICKING HINATULAN NG HABANGBUHAY

HINATULAN  na ng korte ang dalawang  kababaihan na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa human trafficking.

 

 

Ayon sa NBI, habambuhay na pagkakakulong ang ipinataw sa mga akusado na sina Mary Jane Mendoza at Magdalena Viray ng Sta.Cruz, Laguna Family Court Branch 6 .

 

 

Taong 2019 nang maaresto ng NBI- Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang dalawang akusado sa entrapment operation kasama si Warren Masacaya kung saan nasagip naman ang dalawang babaeng biktima  kabilang ang tatlong menor de edad.

 

 

Ayon sa desisyon ng korte, napatunayang guilty beyond reasonable doubt sina Mendoza at Viray at sila ay napatawan ng 5 counts ng Qualified Trafficking in Persons bukod pa sa life imprisonment sa bawat bilang.

 

 

Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng tig P2 milyon nang walang parole at bayaran din ang bawat pribadong  complainants ng halagang P200 libo bilang moral damages at P100 libo  bilang exemplary damages.

 

 

Samantala, pinawalang sala naman si Masacayan dahil sa kabiguan ng pag-uusig na patunayan ang pagkakasala nito. (GENE ADSUARA)