• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA

ARESTADO ang dalawang high-value drug personalities sa matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng magkasanib na anti-drug operatives sa Barangay Labangal, General Santos City.
Ang buy-bust operation ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sarangani Provincial Office, sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), at ng General Santos City Police Office Police Station 2.
Ang operasyon ay nangyari bandang alas 9:25 ng gabi July 29, 2025, ay nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek na kinilalang sina alyas Janima, 31 taong gulang, isang negosyante at residente ng Lumbayanague, Lanao Del Sur; at alyas Randy, 47 anyos, tricycle driver at residente ng Brgy. Tambler, General Santos City.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 105 gramo ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money.
“Nananatiling matatag ang PDEA RO12 sa mandato nito na pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon at hinihimok ang publiko na manatiling mapagbantay at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa droga,” sabi ni Director Benjamin C Recites III, PDEA RO12 Regional Director.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (PAUL JOHN REYES)