• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero balance billing sakop na LGU hospitals sa 2026 – DOH

MAGANDANG balita dahil pagsapit ng taong 2026 ay maaaring sakupin na rin ng zero balance billing ng pamahalaan ang ilang local government unit (LGU) hospitals sa bansa.
Ito, ayon sa Department of Health (DOH), ay matapos na isama na ng Senado ang P1 bilyong budget para sa pagpapalawak ng programa, sa idinaos na Bicameral Conference Committee (bicam) meeting.

Kaugnay nito, nagpasalamat si DOH spokesperson Albert Domingo sa Senado dahil nagpasok sila ng Zero ­Balance Billing Expansion sa Local ­Government Unit hospitals.

“Nagpapasalamat kami sa Senate kasi sila ang nagpasok ng Zero Balance Billing Expansion to Local Government Unit hospitals. Sa diskusyon kagabi, mukhang magkakaroon ng P1 billion,” ani Domingo. Sa naturang budget, maaaring i-tap ng DOH ang mga Level 3 LGU hospitals.

Kaugnay nito, sinabi ni Domingo na nagdarasal sila na madagdagan pa ang alokasyon.

Ilan aniya sa mga kandidatong LGU para dito ay ang Sarangani, Laguna, Aklan, at Benguet. Tinitingnan na rin umano nila ang Pampanga, Bataan, at Quezon.

Batay sa datos, mahigit 1,078,000 Pinoy na ang nakinabang sa zero-balance billing policy ng pamahalaan sa loob lamang ng pitong buwan.

Upang mai-avail ang zero-balance billing, ang mga pasyente ay dapat na i-admit sa basic accommodation o ward upang ang PhilHealth ang magbayad ng 100% ng kanilang bill.