• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zaldy Co, 11 pa pina-subpoena ng Senado NAGLABAS ng subpoena ang Senado para kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at 11 pa para dumalo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects sa susunod na linggo.

“For the record, I issued 12 Subpoenas Ad Testificandum,” sabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Kasalukuyang wala sa bansa si Co matapos magbitiw sa House noong Setyembre 2025.

Ang dating mambabatas, na may warrant of arrest, ay nananatiling malaya, at ang kanyang huling lokasyon ay naiulat na nasa Portugal pero kanselado na ang pasaporte nito.
Bukod kay Co, may subpoena rin na inilabas para kina ex-DPWH secretary Manuel Bonoan; Commission on Audit Chief Mario Lipana; ex-DepEd Usec. Trygve Olaivar; negosyante at contractor na si Maynard Ngu na may kaugnayan umano kay Sen. Chiz Escudero; dating aide ni Co na sina Orly Guteza at John Paul Estrada; ex-regional director ng DPWH-Mimaropa Gerald Pacanan; dating district engineer ng DPWH ng Bulacan Arjay Domasig; ex- DPWH-Metro Manila official Gerald Opulencia; Carleen Yap-Villa, dating aide ng dating Sen. Nancy Binay at isang Mark Teksay. ( Daris Jose)