• July 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YORME ISKO HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA PAMBANSANG PAMAHALAAN

HANDA ang Lungsod ng Maynila na tumbasan ang ipinakitang tiwala ng pambansang pamahalaan ng mga kongkretong resulta.

Ito ang tugon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa ikalimang “State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. a mahalagang papel ng Local Government Unit (LGU).

“Ang kumpiyansa ng Pangulo sa lokal na pamahalaan ay pananagutan naming suklian ng resulta, hindi ng pangako,” ani Domagoso.

“Ang tiwalang iyon ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang pagpapanatiling malinis at maayos ang Maynila, pagbutihin ang serbisyong pangkalusugan at edukasyon, palakasin ang kapayapaan at kaayusan, gawing moderno ang imprastraktura, at tiyaking ang bawat pisong ipinagkakatiwala sa pamahalaang lungsod ay nagagamit nang wasto, malinaw, at para sa kapakinabangan ng bawat ManileƱo,” dagdag pa niya

Ayon sa alkalde, ang pagkilala ng Pangulo sa mahalagang papel ng mga LGU sa nation-building ay nagpapatibay sa paniniwala ng Maynila na ang mabuting pamamahala ay nagsisimula sa lokal na antas.

Tinukoy ni Domagoso ang apat na pangunahing prayoridad na binanggit sa SONA na may direktang epekto sa mga lokal na pamahalaan kabilang ang as mataas na National Tax Allotment (NTA), pagpapalakas ng kakayahang pinansyal at administratibo ng mga LGU; mas mahusay na koordinasyon sa pagitan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan; at pagbibigay ng mas malaking responsibilidad sa mga LGU sa paghahatid ng serbisyo publiko at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.

Malugod din niyang tinanggap ang hakbang ng Pangulo upang tugunan ang matagal nang suliranin sa pagkalugi at mga kakulangan sa sistema ng paniningil sa kuryente. Aniya, anumang repormang magpapababa sa hindi kinakailangang gastos at titiyak na makatarungan lamang ang binabayaran ng mga konsyumer ay malaking hakbang para sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino.

“Nagpapasalamat kami sa Pangulo sa kanyang kongkretong hakbang upang tugunan ang usaping ito. Ang mga repormang magpapalakas ng kahusayan, transparency, at pananagutan sa sektor ng kuryente ay tiyak na makikinabang ang milyun-milyong Pilipino, kabilang ang mga mamamayan ng Maynila,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)