• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YEN, binura na ang lahat ng posts at photos kaya mas lalong nagduda ang netizens sa kanila ni PAOLO

DAHIL binura ni Yen Santos sa kanyang IG account ang mga pictures nilang dalawa ni Paolo Contis mas lalong nagduda ang netizens na may relasyon nga sila ng aktor.

 

 

Bakit naman tinanggal ni Yen ang pictures nila ni Paolo kung wala naman silang itinatago?

 

 

Mas lalo tuloy naisip ng nga netizens na may romantic involvement sila ng Kapuso actor.

 

 

Kaya para matigil ang bashing ay inalis na niya ang photos nila ng dating karelasyon ni LJ Reyes.

 

 

Pero mas lalo lang umigting ang paniwala ng netizens na there is more than friendship ang namamagitan kina Yen at Paolo.

 

 

     ***

 

 

PINAGKAKAGULUHAN sa isang soft porn site ang picture ni Marco Gallo, ang leading man sa upcoming horror love story na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

 

 

May butt exposure kasi si Marco sa mga litratong posted sa site. Kuha ang mga photos mula sa eksena ng movie na dinirek ni Darryl Yap.

 

 

Tuwang-tuwa ang mga beki na nakatuklas sa litrato ni Marco. Flawless ang skin ng binata.

 

 

Sa soft porn site lang lumabas ang photos ni Marco. Hindi naman ito pwede ilabas sa FB or sa IG kasi bawal ang hubad na litrato at baka ma-block pa ang account mo for sharing such kind of photos.

 

 

Kaya yung mga beki na nakakita ng pictures ni Marco ay malamang na magkakainteres na panoorin ang pelikula ni Darryl Yap na ipalalabas via streaming simula October 1.

(RICKY CALDERON)