• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wright Player of the Week ng PBA GC sa Pebrero 11-13

NANALANTA si Matthew Andrew Christopher Wright ng 27 points at 10 assists nang manehohin ang Phoenix Super LPG sa pagtakas ng 93-92 win laban sa TNT sa 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup eliminations nooong Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

 

Tampok sa pabida ng 31-year-old, 6-foot-4 Fil-Canadian guard-forward ang pagnakaw ng bola kay Jayson William Castro ng Tropang Giga saka mabilis na tumakbo at saluhin iyon upang isalpak ang pang-eskapong puntos ng Fuel Masters.

 

 

Kaya pinagpasyahan Lunes ng mga sportswriter na kumokober ng mga laro sa unang Asia’s play-for-pay hoop na igawad kay Wright ang PBA Press Corps Player of the Week para sa Pebrero 11-13.

 

 

“I have to be better on that scenario but I’m happy we got the win,” suma ni Wright, na tinalo para sa weekly award sina Christopher Elijah Newsome ng Meralco at Rain or Shine rookie Michael Joseph Nieto. (REC)