• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WPP status ng mag-asawang Discaya atbp, di’ pa pinal at ‘provisional’ pa lamang – DOJ

BINIGYANG linaw ng Department of Justice na nasa ‘provisional acceptance’ pa lamang ang status ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways at mag-asawang Discaya sa kanilang Witness Protection Program.

Batay sa opisyal na pahayag ng kagawaran na ipinadala ni Justice Assistant Sec. Mico Clavano, nilinaw rito na tanging proteksyon pa lamang ang saklaw sa ganitong uri ng probisyon.

Ibig sabihin layon sa programa na maseguro ang kaligtasan ng mga tatayong testigo o mga indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Kung kaya’t itinuturing bilang ‘protected witnesses’ ang mga naisama sa naturang ‘Witness Protection Program’.

Partikular, kabilang na rito ay sina former DPWH Officials Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Henry Alcantara, Roberto Bernardo, at pati ang mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya.

Habang ibinahagi naman ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang pinagkaiba nito sa pagiging state witness.

Kanyang binigyang diin na ang pagiging isang probisyonal ay hindi nangangahulugang awtomatikong testigo ng testigo.
(Daris Jose)