• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 11:37 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Work-from-home scheme pag-aaralan

PAG-AARALAN ng Malakanyang kung dapat ng patulan ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) magkaroon ng “flexible work arrangement” ang mga government employees dahil na rin sa COVID-19.

 

“I think, pag-aralan natin. We will study it,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Sa naging pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza ay sinabi nito na dapat na magkaroon na ng “Flexible work arrangements, telecommuting, and remote work and work-from-home schemes, whenever possible, must be agreed upon by employees and employers. And as soon as they both agreed to adopt it, there should be no diminution of wages and benefits” para sa mga manggagawa para makaiwas sa COVID-19.

 

Hinirit din nito sa mga employer na huwag maging istrikto sa mga late dahil karamihan ng mga empleyado ay nagko-commute patungong trabaho at dumadaan ngayon sa mahigpit na biosecurity protocol sa mga pampublikong sasakyan dahil sa virus.

 

Nauna nang sinuhestiyon ng Department of Labor and Employment ang “flexible work arrangement” kabilang na ang pagbabawas sa araw ng trabaho, rotation at adjusted working hours.

 

Sa kabilang dako, pinayuhan naman ng Malakanyang ang publiko na manatili sa kanilang tahanan kung wala namang gagawing importante sa labas.

 

Pinayuhan din nito ang mga bIyahero o mga nagbabalak na magpunta sa ibang bansa na i-reset na lamang ang kanilang gagawing pag-alis sa bansa para makaiwas sa covid-19.

 

Aminado si Sec. Panelo na malaki ang mawawala sa turismo kahit na papasok pa ang summer season dahil sa COVID-19.

 

Para sa Malakanyang, makabubuting sundin na lamang ang naging pahayag ng Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO) na “to stay put” sa halip na lumabas ng bansa.
(Gene Adsuara)