• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 4:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WNBA star Sabrina Ionescu mainit na sinalubong sa bansa

MAINIT na sinalubong ng mga basketball fans si WNBA star Sabrina Ionescu.

Huling bumisita ito sa bansa noong nakaraang pitong taon bilang student-athlete mula sa University of Oregon at bilang miyembro ng Team USA sa Fiba 3×3 World Cup 2018 sa Philippine Arena.

Sinabi nito nagulat siya dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya.

Nagsagaw rin ito ng shooting drill sa mga basketball fans sa lungsod ng Taguig.

Ang 5-foot-11 na New York Liberty guard ay naging unang overall pick ng 2020 WNBA Draft.

Nasa bansa ang basketbolista para sa promosyon ng isang  sports brand sa loob ng tatlong araw.