• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wini-wish na biyayaan na rin ng anak: Cong. ARJO at MAINE, nag-celebrate na ng second wedding anniversary

DALAWANG taon nang kasal sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Kahapon, July 28, nag-celebrate nga ang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary.
Sa magkasamang Instagram post, makikita ang video ng series of photos na kuha sa kanilang kasal na ginanap sa Baguio City, two years ago, na may caption na ‘happy second’.  Nilapatan ito ng song ni Keane na “Somewhere Only We Know”.
Marami natuwa kaya pinusuan at napuno ng pagbati ang naturang post nina Arjo at Maine.
At dahil natapat sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, na kung saan dumalo si Cong. Arjo, malamang na after ng event ay nagkita ang mag-asawa, nag-dinner somewhere para mag-celebrate ng kanilang anibersaryo.
Ang aming pagbati at wish namin na sa ikatlong taon nila bilang mag-asawa, meron na silang anak na kasama.
(ROHN ROMULO) 
 
Parehong rumampa sa 4th SONA ni Pres. Marcos:
HEART at PIA, ‘di nakaligtas na pagkumparahin ang kanilang OOTD
SPEAKING of SONA, um-attend at rumampa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ginanap sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Ang ganda ng modern Filipiniana white fitted dress na suot ni Pia, kaya imposibleng hindi siya mapapansin. 
Kasama niyang rumampa sa SONA 2025 si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan.
Matatandaang siya ang Undersecretary ng Department of Migrant Workers na pumalit kay Arnell Igncadio na former OWWA chief.
Isa naman sa mga celebrity ambassador si Pia ng OWWA kaya siguro siya naimbitahan sa SONA.
At dahil nga pagdalo ni Pia sa naturang event ay muli naman silang naintriga ng Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista.
Of course, present din si Heart kasama ang kanyang husband na si Sen. Chiz Eacudero na muling nahirang bilang Senate President para sa 20th Congress.
Hindi nga naiwasan mag-komento ng netizens na kaya raw um-attend si Pia para ay makipagtalbugan kay Heart na maraming humanga rin sa kanyang white Filipiniana gown.
Nagtalo-talo nga ang netizens kung alin sa OOTD (Outfit of the Day) nina Pia at Heart sa SONA ang waging-wagi. May nag-comment din na ‘wag na raw pagkumparahin ang dalawa, dahil may kanya-kanya itong istilo ng pagdadamit.
Anyway, si Sen. Chiz ay nakakuha ng 18 boto mula sa kapwa senador, bukod sa kanyang pagboto sa sarili, kaya nanatili siyang Senate president.
Kinabog niya si Sen. Vicente “Tito” Sotto III na may apat na boto mula mga senador na sina Panfilo “Ping” Lacson, Loren Legarda, Risa Hontiveros at Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Sa nominasyon ni Sen. Joel Villanueva, nagpahayag nga ng kanilang suporta kay Escudero sina Sherwin Gatchalian, Ronald “Bato” dela Rosa at Raffy Tulfo.
At base sa Senate rules, ang hindi pinalad na maging Senate president ang magiging minority leader.
Si Sen. Jinggoy Estrada pa rin ang Senate President pro tempore dahil wala siyang kalaban.  Naibalik naman ang pagiging majority leader ni Sen. Joel Villanueva.
(ROHN ROMULO)