• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:54 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO, ikinalungkot ang pagkalas ng US sa kanilang organisasyon

NANGHIHINAYANG ang World Health Organization (WHO) sa anunsyo ng Estados Unidos na umalis mula sa organisasyon.
Ang WHO ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa kalusugan at seguridad ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang mga US nationals, sa pamamagitan ng pagharap sa mga ugat ng sakit, pagpapalakas ng mga sistema ng kalusugan, at pagtuklas, pag-iwas, at pagtugon sa mga health emergencies, kabilang ang mga paglaganap ng sakit sa high risk areas kung saan hindi makapunta ang iba.
 Ang Estados Unidos ay kabilang sa founding members ng WHO noong 1948 at patuloy na nakibahagi sa paghubog at pamamahala sa trabaho ng WHO mula noon, kasama ng 193 iba pang mga Estadong kasapi, kabilang ang aktibong pakikilahok sa World Health Assembly at Executive Board.
Sa loob ng higit pitong dekada, ang WHO at ang USA ay nagligtas ng hindi mabilang na buhay at pinrotektahan ang mga Amerikano at lahat ng tao mula sa mga banta sa kalusugan.