• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:49 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.

 

 

Ayon kay National Task Force Against Covid-19 spokesperson ret. M/Gen. Restituto Padilla, bibigyan ng konsiderasyon ang mga indibidwal na pauwi sa kanilang mga bahay subalit mayroon itong “window period” mula alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Kung lalagpas na ang mga ito ay maghihigpit na ang mga tauhan ng PNP (Philippine National Police) na siyang nagmamando ng mga checkpoint.

 

 

Ang NCR Plus Bubble ay binubuo ng NCR, Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal, na isinailalim sa ECQ para pigilan ang patuloy na pagtaas ng COVID cases.

 

 

Dagdag ni Padilla, ang mga 17-anyos pababa at lagpas 65-anyos ay hindi maaaring lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

 

 

Habang ang mga essential workers naman ay dapat ipakita ang kanilang company ID at hindi na kailangan pa ng travel pass.

 

 

Giit ni Padilla, ang local government ay magpapatupad ng curfew batay sa kanilang local ordinances. (Daris Jose)