• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:13 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon

HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers.

 

 

Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon.

 

 

Ang Cebu Pacific ang nagsabi na ang kanilang flights ay normal pa rin ang operasyon sa NAIA Terminal 3 para sa kanilang 5J domestic at international flights habang ang CebGo DG flights ay patuloy pa rin ang operasyon sa NAIA Terminal 4.

 

 

Habang ang Air Asia Philippines naman ay patuloy pa rin ang operasyon ng kanilang international flights sa Terminal 3 at ang kanilang domestic flights ay sa NAIA Terminal 2 naman.

 

 

Ayon sa dalawang airlines na tinatangap nila ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) bilang bagong operator ng NAIA na nagsimula noong Sept. 14. Umaasa naman sila na magkakaroon ng konsultasyon sa kanila bago mangyari ang sinasabing terminal reassignments.

 

 

“We would implement terminal reassignments, but that would have to be done over many years,” wika ni NNIC general manager Lito Alvarez.

 

 

Sinabi ni Alvarez na ang lahat ng ito ay plano pa lang at wala pang eksaktong schedule o petsa kung kelan ito ipapatupad. Sa ngayon, ang terminal assignments ay dati at mananatili pa rin.

 

 

Ang Terminal 1 ay para sa Philippine Airlines (PAL) international flights at ibang foreign airlines habang ang Terminal 2 ay para naman sa operasyon ng PAL at Air Asia domestic flights. Ang Terminal 3 ay sa international at domestic flights ng Cebu Pacific at international flights ng Air Asia at iba pang foreign airlines. Habang ang Terminal 4 ay sa CebGo flights.

 

 

Binibigyan ng advise ang mga pasahero na makigpag-ugnayan sa kanilang airline upang matiyak ang terminal kung saan ang kanilang flights. LASACMAR