Walang overcharging na nangyari sa gitna ng iniuutos nitong refund sa mga customers ng Meralco -ERC
- Published on July 9, 2022
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-diin ng Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha nito mula sa kanilang customers.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay diperensiya lamang sa kanilang naging projection noon at base sa aktuwal na pinagbabayaran ng MERALCO.
Aniya, kadalasan talaga ay nagkakaroon ng diperensiya at wala aniyang mali ukol dito.
Tinatayang, aabot sa 21.769 billion pesos ang iniutos ng ERC na i-refund sa mga customers nito partikular dulot ng overcollection mula July 2015 hanggang June 2022.
Base sa 68-page ERC order na may petsang June 16, 2022, kailangang mag-reflect na sa July billing ng mga customers nito ang refund. (Daris Jose)