• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:24 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang nag-expect na posible pala itong mangyari: JAMES, hindi na makapaghintay sa una nilang pagtatambal nila ni KATHRYN

THIS month na magsisimula ang taping nina James Reid at Kathryn Bernardo para sa kauna-unahan nilang teleserye sa ABS-CBN.
Kaya hindi na makapaghintay ang actor-singer at record producer na makatambal for the first time ang Box-office Superstar sa kanyang comeback series.
Hindi naman niyang itinago na magkahalong excitement at nerbiyos ang nararamdaman niya ngayon.
“I’m very excited and very blessed. Grabe yung support and it hasn’t even started shooting yet, so I’m very grateful,” ayon sa interview niya sa ABS-CBN.
“And I can’t wait to work with Kath. Very excited. Yeah, it’s something new and exciting.”
Pag-amin pa ng guwapong aktor, matagal na niyang pangarap maka-collab sa isang proyekto si Kath.
“Actually, it’s something that I’ve wanted to do for a while. So I’m very grateful I get to work with Kathryn. She’s extremely talented. So it should be great,” pahayag pa ni James.
May matinding pressure sa pagbabalik niya sa teleserye after almost seven years, “It’s very new again. I’m still getting used to it.
“There’s always pressure, but pressure is good. It means people have high expectations, it means everyone’s very excited.”
Ang unang teleserye nina James at Kathryn ay ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.
“It’s something we’re going to work out along the way. It’s very exciting. It’s my first time working with another leading lady,” say pa niya. 
“So I’m trying to just give it my best, give it my all, and then see what happens. Hope for the best.”
Samantala, nauna nang nagpahayag si Kath tungkol sa pagtatambal nila ni James. Na mangyayari na nga.
“Hindi ko in-expect. Baka si James din hindi niya in-expect,” kuwento ni Kath sa TV Patrol.
“Sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang taon, at galing pa kami ng kanya-kanyang love team, na magkakasama kami para sa comeback teleserye namin? Posible na talaga ngayon. Excited na kami.”
Dagdag pa ni Kathryn sa mga dapat abangan sa kanilang teleserye, “Nakakapanibago ito. Ang ganda-ganda ng konsepto ng series na ito.
“Sa lahat ng kwentong ipinakita, ito talaga ang gusto kong gawin kasi hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagkakaibigan, pamilya, at mga babae.”
Tunay nga namang kaabang-abang ang pagsasamang ito nina James at Kathryn, na siguradong papatok sa viewers worldwide.
 
(ROHN ROMULO)