“Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho”-ACT Teachers Representative Antonio Tinio
- Published on August 22, 2025
- by @peoplesbalita
MARIING tinuligsa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative Antonio Tinio ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ukol sa education system ng bansa na nanatili sa “paper and pencil” level.
Ayon sa mambabatas, isa umanong kaipokritohan ang pahayag na ito ng VP kung bibigyang pansin ang naging pangit na performance noong kalihim pa ito ng Department of Education.
“Vice President Duterte has the audacity to criticize the education system when she herself is the worst DepEd secretary ever. Walang karapatan magreklamo ang taong hindi nagtrabaho,” ani Tinio.
Sinabi ng mambabatas na hindi dapat magreklamo ang VP sa kakulangan ng access ng mga estudyante sa modernong teknolohiya gayong hindi nito nagawang masiguro na may sapat na basic textbooks at learning materials ang mga ito.
“Paano niya nasabing kulang tayo sa teknolohiya eh hindi nga niya naibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante?” pagtatanong pa ni Tinio.
Ayon sa Commission on Audit (COA), ang Department of Education sa ilalim ni VP Sara ay nakapagpatayo lamang ng 192 building mula sa target na 6,379 bagong classrooms noong 2023.
“Mas inatupag pa niya ang confidential funds sa Deped sa halip ng learning crisis. You are definitely the worst Deped secretary ever!!” giit ni Tinio.
Inihayag pa nito na ang tinutuligsa ni Duterte na education crisis ay produkto ng kanyang kapabayaan.
“Under her watch, school-based feeding programs achieved only 48% implementation while billions of pesos allocated for education remained unutilized. Ang mga batang gutom at walang aklat, paano matututo ng robotics at coding?” sabi ni Tinio.
Inihayag pa ng VP na problema ng mga high school students na hindi makabasa ngunit hindi nito nabanggit na lumala ang krisis na ito ay lumama sa ilalim ng kanyang liderato.
(Vina de Guzman)