Walang dapat na papel si PBBM sa bicam
- Published on May 23, 2025
- by @peoplesbalita
IGINIIT nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at ACT Teachers Partylist Rep. elect Antonio Tinio na walang dapat na papel si Presidente Bongbong Marcos sa bicameral conference committee (Bicam) para sa national budget.
Ayon kay Castro, ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura at hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo.
“Ang presensiya ni Marcos o ng sinumang kinatawan ng ehekutibo sa Bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang pressure at banta
sa kalayaan ng mga mambabatas na magpasya batay sa interes ng mamamayan, hindi ng Palasyo,” ani Castro.
Sinabi naman ni Tinio na ang bicameral conference committee ay hindi isang secret club para sa Pangulo at kanyang kaalyado para pagdesisyunan kung papaano gagastusin ang pera ng taumbayan.
“Walang lugar ang Pangulo sa bicam. Dapat ay lantad at bukas sa publiko ang lahat ng pag-uusap. Panahon nang wakasan ang mga closed-door negotiations na nagtatago ng tunay na dahilan ng mga budget cut at dagdag sa
sa pork barrel,” dagdag ni Tinio.
Muling nanawagan si Castro na magkaroon ng full transparency at public scrutiny ang susunod na Bicam.