Walang ‘credible direct threat’ sa Pilipinas ang gulo sa Middle East… Seguridad sa PH nananatiling matatag – AFP
- Published on March 2, 2026
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling matatag ang seguridad ng bansa at walang namo-monitor na “credible direct threat” sa teritoryo ng Pilipinas o sa mga mamamayan nito sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Sa isang opisyal na pahayag ng AFP, inihayag nito na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya ng pamahalaan para bantayan at imonitor ang sitwasyon.
Pinayuhan din ng militar ang publiko na manatiling mahinahon, maging mapagmatiyag laban sa disinformation, at magtiwala lamang sa mga beripikadong impormasyon mula sa gobyerno.
(DARIS JOSE)