• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang away sa mga Villar, prayoridad ng gobyerno na plantsahin ang problema sa tubig at suplay ng kuryente- PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang hakbang ng administrayson na i-take over ang palpak na pasilidad ay hindi nag-ugat sa personal na away sa makapangyarihang business families.
Binigyang diin ng Pangulo na kailangan lamang na tiyakin na nananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang suplay ng tubig at kuryente.
Sa kanyang pinakabagong podcast episode, tinugunan ng Pangulo ang pag-takeover ng gobyerno sa Siquijor Island Power Corporation (Sipcor), isang Villar-owned power firm.
Ang desisyon aniya ay upang kaagad na maibalik ang serbisyo ng kuryente matapos ang mahabang panahon ng kawalan ng suplay nito.
“Hindi na tayo puwedeng mag-antay. Kawawa ang tao eh. So sabi ko, kunin na natin, tayo na magpatakbo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Mula noon aniya ay ginawang matatag ng National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente sa nasabing lalawigan.
Ukol naman sa usapin ng suplay sa tubig na iniuugnay pa rin sa Villar-owned firm, PrimeWater, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi dapat iniisip na ito’y pamumulitika. Nais lamang aniya ng pamahalaan na ayusin ang public services.
“Nothing is personal. They are friends of mine and I respect them. But we have to fix the problem. People have to have electricity, people have to have water. So whatever the reason is, let’s fix it. Help me fix it,” ang sinabi ng Pangulo.
Tinukoy ng Punong Ehekutibo sina dating senador Manny at Cynthia Villar, at mga anak nito na sina incumbent Senators Mark Villar at Camille Villar.
Sinabi pa ng Pangulo na may ilang electric cooperatives sa buong bansa ang ‘underperforming’ dahil sa politicized management.
“The electric cooperatives were created with the consumers as members… but when politics came in, the competence level dropped,” ani Pangulong Marcos.
Binigyang diin naman ng Chief Executive ang agarang reporma sa mga lugar sa Metro Manila kung saan ang tubig ay nananatiling unavailable sa loob ng 12 oras kada araw.
“Kung anong kailangan kong gawin para magkaroon ng kuryente at tubig, gagawin ko,” aniya pa rin. ( Daris Jose)