WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso.
Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa 120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang.
Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino Chinese community sa lungsod na walang magaganap na event sa Chinese New Year.
Dagdag pa ni Domagoso, kabilang sa hindi muna papayagan ang mga concert at parada.
“No event, no concert, no parade, we might meet half way somewhere else” ayon pa sa alkalde.
Sa ngayon umano ay may mga paghahanda nang ginagawa upang sa gayon ay mas maagang maabisuhan ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry in External Affairs dahil hanggang sa ngayon ay may banta pa rin ng Covid-19 bukod pa sa may bagong variant na kumakalat. (GENE ADSUARA)