Wala ring problema sa billing ng ’Sessionistas’: ICE, thankful na natuloy at sold out na ang pre-Valentine concert
- Published on January 17, 2025
- by Peoples Balita
MARAMI nga ang nag-aabang sa upcoming pre-Valentine concert na “Love, Sessionistas” na binubuo nina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti Navarro, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Nyoy Volante, lalo na ang kani-kanilang fans.
Sa almost 3 hours ang concert, tiyak naman may kanyang-kanyang solo ang pitong Sessionistas at highlights para nga sa kanilang tagahanga.
Plus ang pagsasama-sama nila sa production numbers, tulad ng ginagawa nila sa ‘ASAP’.
Ang “Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert” na gaganapin sa The Theater at Solaire sa February 8, 7 p.m. ay mula sa direksyon ni Ice.
Pagkukuwento niya sa pagdidirek sa mga kaibigan…
“When we were doing the repertoire, may mg amabilis sumagot, may ibang napakabagal, nagsara na ‘yung repertoire hindi pa rin nagbibigay kung anong kakantahin nila.
“Ako naman ay naniniwala na of course, friendship is friendship but of course you have to be professional.
“When it comes to that, I’d like to think that I can be professional at punumpuno naman ng respect sa artistry ang bawa’t isa.
“Ang maganda kasi sa show na ito, we made sure na may inputs ang bawa’t isa. They’re all artist may kanya-kanya silang kaalaman, may kanya-kanya silang star power, and gusto ko itong concert na ito ay to represent each other’s expertise, kung baga may ilalagay kami ni Liza dito pang-break lang.
“Ako rin as an artist, I don’t wanna do something that I’m not comfortable with, so ito masasabi ko na halos lahat sa amin except for one (Kean) comfortable sa gagawin nila,” mahabang sagot ni Ice.
Pagdating naman sa billing ay pinatanong daw ni Ice sa asawang si Liza Diño kung sino ang mauuna at sino ang mahuhuli at wala namang naging problema.
“Siguro that’s one thing I love about this group siguro kaya we really love to work together because there’s no ego. We’re all confident sa sari-sarili naming mga talent pero pag magkakasama kami, all ego left out of the door parang ang goal is to have fun, to have good music and be happy,” pahayag pa ni Ice na sobrang happy dahil natuloy na rin ang pagsama-sama nila sa isang big concert.
Say naman ni Nyoy nu’ng nagkatanungan daw tungkol sa billing ay hindi kumibo ang lahat, “Parang lahat nag-freeze, we didn’t want to tackle that. Parang, ‘puwede ba wala na lang ‘yan?’ Unfortunately, siyempre as professional artist kailangan pero kung tatanungin, lahat walang sumagot kasi ayaw pag-usapan.”
Sabi naman ni Kean, “Parang gets na rin ng mga agency namin na kung sinuman ‘yung mga kasama namin ngayon sa mga karera namin ay ito ‘yung project na gusto talaga naming gawin. Gagawin namin ito na hindi ‘yung may bahid na dapat ganito-ganyan, hindi ganu’n. Sabi nga ni Ice walang ego na involved.”
Nagpasalamat din ang lahat na ang Fire and Ice ang producer ng “Love, Sessionistas” dahil hindi mangyayari ang show at maganda ang pakikipag-usap sa bawa’t isa.
Samantala, nilinaw ni Ice na nagpaalam din sila sa “ASAP” dahil ginamit nila ang Sessionistas bilang titulo ng concert at pangalan na rin ng grupo nila.
“Nagpaalam ako sa kanila. We have a very small industry and as much as possible we don’t want to burn bridges and Malaki ang respeto naming sa ABS-CBN especially sa ASAP because sila ang nagbuo sa amin, eh at na-excite nga sila for us,” pahayag pa ng OPM Icon.
Personal din nilang inimbita ang mga executives ng Sunday show para manood ng concert at lahat naman ay nagsabing manonood ng one night show sana, pero dahil sold out na, magkakaroon ito ng second night sa April 4.
Nag-inquire din sila sa management nina Richard Poon at Nina, pero hindi raw sila available. May pre-Valentine concert din si Nina sa February 7, kaya imposible talaga na mapasama siya.
Ang “Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert” ay presented by Fire and Ice Entertainment at produced ng Fire and Ice LIVE, in partnership with Profero Aesthetics.
Pinasasalamatan ng Fire and Ice Entertainment ang Platinum Sponsors: The Platinum Karaoke at Katinko at ang Gold Sponsor: HG Studio.
Kabilang din ang Media Partners: Magic 89.9, True FM 105.9, Philippine Concerts, and WhenInManila.com at sa pre-sale inquiries para sa April 4 repeat concert maaring tumawag sa 0917-700-3262 or e-mail: tickets@fireandice.ph.
(ROHN ROMULO)