Wala pang time na ma-in love uli: CARLA, madalas mahilo at himatayin dahil sa heart conditions
- Published on June 26, 2023
- by @peoplesbalita
IT’S sad to know na sa kabila ng pagiging masayahin ni Carla Abellana ay may mga heart conditions pala siya.
Biro niya sa isang interview, “best friend ko na ang cardiologist ko. May “tachcardia” ako which means my heart is beating faster than normal.
“Meron din akong neurocardiogeneric syncope na nahihirapang mag-circulate and blood sa brain ko kaya madalas akong mahilo at himatayin kaya medyo may adjustment po ako sa diet.”
Sa biro kung ready na siyang ma-fall in love again, sagot ni Carla, busy siya sa pag-aayos at paglipat niya sa bago niyang bahay.
May bago rin siyang project sa GMA Network, and “Stolen Life,” na muli nilang pagtatambalan ni Gabby Concepcion at first time nilang pagsasamahan ni Beauty Gonzalez sa GMA Afternoon Prime.
***
HINDI naman makapaniwala si Sparkler actress Bianca Umali na gagawa siya ng isang movie na makakasma si Superstar Nora Aunor.
“Parang panaginip ang lahat sa akin nang matanggap ko ang balita, super excited ako,” wika ni Bianca.
Wala pang details kung ano ang story at kung sinu-sino ang bubuo sa cast ng movie. Pero naka-schedule na raw ang shooting nila sa Siquijor.
Balita ring inaayos na ng GMA Network and susunod na teleserye ni Bianca, ang fantasy series na “Sang’gre.”
(NORA V. CALDERON)