• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara naghain ng petisyon sa Korte Suprema na humahamon sa House impeachment

NAGHAIN ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na humahamon sa ‘validity at constitutionality’ ng 4th impeachment complaint laban sa kanya.
Ang petition for certiorari and prohibition ay inihain sa Korte Suprema, araw ng Martes, Pebrero 18.
Inihain ang nasabing petisyon ng kampo ni VP Sara sa pamamagitan ng Fortun Narvasa and Salazar law offices.
Sa ulat, napag-alaman na natanggap ito ng Korte Suprema subalit hindi na naihabol pa sa kanilang en banc session.
Sinasabing maliban pa kasi ito sa petisyon ng apat na Mindanaoan lawyers para harangin ang impeachment proceedings laban kay VP Sara.
Sa ulat, hiniling din kasi ng mga abogado na sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva, at Atty. Luna Acosta—na magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) at Injunction para ipawalang-bisa ang impeachment complaint.
Kasama rin sa mga nagpetisyon ang Bise Alkalde ng Davao City, ilang miyembro ng konseho ng lungsod, at mga kilalang political vloggers na sina Darwin Salcedo, Lord Byron Cristobal, at Lord Oliver Raymund Cristobal.
Ayon sa mga ito, depektibo at hindi dapat dinggin ng Senado ang impeachment complaint na inihain ng Kongreso.
Kwestiyonable di umano ang verification process ng impeachment complaint.
Sinabi pa ng mga petitioner, hindi pinag-aralang mabuti ng mga lumagda sa reklamo ang nilalaman nito, at biglaan lamang isinama sa usapin ng impeachment.
Subalit para sa Kongreso, moot and academic na ito dahil nasa Senado na ang reklamo at hindi na ang korte ang may hurisdiksyon dito. (Daris Jose)