• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 VP Sara, inihalintulad ang flood control probe ng administrasyon sa zarzuela

PARA kay Vice President Sara Duterte, walang ipinagkaiba ang imbestigasyon ng gobyerno sa ghost at maanomalyang flood control projects sa zarzuela.
Sinabi ni VP Sara na kung nais lang talaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang usapin at kaya niyang gawin ito ng isang araw lamang.
“Magdududa ka kung bakit bigla ngayon ay merong silang palabas ng malaking investigation ng flood control projects. Ibig sabihin meron na naman siguro silang niluluto na behind the scenes na, syempre, hindi natin nakikita dahil lahat tayo nakatutok doon sa flood control,” ang tnuran ni VP Sara sa isang panayam sa The Netherlands.
“Kung seryoso lang talaga ang Presidente, tapos na ‘yan isang araw lang, matuturo niya lahat ng may kagagawan ng corruption sa budget. Pero, well, as you can see, para ngang nanonood tayo ng zarzuela,” dagdag na wika ni VP Sara.
Gayunman, sinabi ni VP sara na ang imbestigasyon ay “too little, too late.”
Aniya, ang usapin ng flood control corruption ay umiiral na bago pa ang termino ng kanyang ama bilang Pangulo, o maging ito ay isa pa lamang Alkalde ng Davao. Gayunman, mas lumala aniya ito ngayon.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na magpapalabas siya ng Executive Order na pormal na lilikha ng Independent Commission na titingin sa mga anomalya.
Samantala, sinabi ni VP Sara na nananatiling buhay pa ang kanyang ama. Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si VP Sara sa bagay na ito.
Ang dating Pangulo ay nasa The Hague, Netherlands para harapin ang asunto sa kanyang crimes against humanity case dahil sa drug war. ( Daris Jose)