• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte nilinaw na hindi sila nag-apply ng interim release sa Australia para sa amang si ex-Pres. Duterte

NILINAW ngayon ni Vice President Sara Duterte na hindi sila nag-apply para sa interim release ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Australia.

Kasunod ito sa naging pagtanggi ng gobyerno ng Australia hindi nila tatanggapin ang temporary release ng dating pangulo at hindi rin nila ikinokonsidera na maging host para sa dating pangulo.

Sinabi ng pangalawang pangulo na ang kanilang defense team ay kailanman hindi sila nakipag-ugnayan sa gobyerno ng Australia.

Dagdag pa nito na hindi naman kasama ang Australi sa dalawang bansa na pinangalanan ng defense team para sa urgent request ng interim release bago ang International Criminal Court.

Nakatanggap umano ito ng sulat mula sa gobyerno ng Australia na kanilang hindi tatanggapin ang kaniyang ama.

Magugunitang nagtungo ang bise presidente sa Australia noong nakaraang mga araw para pulungin ang mga Filipino community doon.

Nais umano nito ng makapulong si Australian Foreign Minister Penny Wong noong Hunyo 23 subalit dahil sa kakulangan ng oras ay hindi na ito natuloy. (Daris Jose)