VOTERS REGISTRATION PARA SA BSKE, SINIMULAN NA
- Published on October 21, 2025
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ang unang araw ng voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections .
Alas 8 pa lamang ng umaga ay maagang pumila ang mga magpaparehistrong bagong botante sa Luneta Park na isa sa registration sites ng Commission on Elections (Comelec) .
Mahaba ang pila na nangangahulugang marami ang nagnanais na makalahok sa darating na halalang pangbarangayan sa susunod na taon.
Inaasahan naman ng Comelec na aabot sa 1.4 milyon ang mga bagong registrants para sa BSKE elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi lamang sa Luneta umarangkada ang voter registration kundi mayroon din sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Bukod dito,target ding dalhin ng Comelec ang voter registration sa mga malalayong lugar bilang bahagi ng Special Register Anywhere Program.
Magkakaroon din ng Register Anytime Program, kung saan ilalagay ang registration booths sa mga paliparan, ospital, at call center areas para sa mga nagtatrabaho sa gabi.
Para sa mga magpaparehistro, magdala lamang ng government-issued ID, dahil hindi tatanggapin ang cedula, company ID, barangay ID, o barangay certificate.
Tatanggapin din ang lahat ng uri ng aplikasyon, kabilang ang transfer of registration.
Tatagal ang voter registration para sa BSKE hanggang Mayo 18, 2025, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang mga holiday. (Gene Adsuara)