• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG KINANSELA

PANSAMANTALA munang ititigil ang voting registration  sa Nobyembre 30 at Disyembre 8 .

 

Sa inilabas na public advisory ng Commission on Election (Comelec), ito ay bilang paggunita sa  regular holiday (Nov. 30) at special non working holiday (Dec. 8),  kaya pansamantalang kinansela ang voting registration at base na rin sa  Presidential Proclamation No. 845.

 

Wala ring magaganap na transaksyon  sa alin mang  opisina ng Comelec  sa buong bansa, kabilang na ang pag iisyu ng voter’s certitification.

 

Ayon pa sa Comelec, ang voter  registration ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon tuwing weekdays habang ang araw ng Biyernes ay ang disinfection day.

 

Nagpaalala din ang Comelec sa publiko na mahigpit na obserbahan at ugaliin ang minimum public health standards sa loob at labas ng kanilang opisina. (GENE ADSUARA)