• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VINTAGE BOMB, NAHUKAY

ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal.

Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery Projectile

Pinayuhan naman ng pulisya ang construction firm na mag-ingatĀ  sa paghuhukay sa lugarĀ  at agad na ipagbigay alam sa otoridad sakaling mayroon pang madiskubreng kahalintulad na bagay .

Dinala na sa DECU MPD office ang nasabing bomba para sa tamang disposisyon. (GENE ADSUARA)