Villaramor, Uratex puntirya pang-2 korona sa WNBL 3×3
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Uratex Dream na binubuo nina Alyssa Villamor, Kaye Pingol, Tina Deacon at Angel Anies ang pangalawang sunod na korona.
Sa pagsiklab ito ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2022 3×3 second leg na sasalihan ng 10 koponan at nakatakdang drumibol umpisa sa Pebrero 26 sa Hoopla Gym ng Angelis Resort sa Muntinlupa City.
“It’s going to be an exciting leg again for our viewers and to our women basketball players,” paninigurado Martes ni WNBL commissioner Haydee Ong sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum.
Hinirit pa niyang ‘di di lang korona at premyong cash kundi ang points na rin para sa International Basketball Federation (FIBA) ranking na maaring magpalahok Pinay dribblers para sa hinaharap na Summer Olympic Games. (CDC)