• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:20 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Video greeting ng boyfriend kinakiligan ng fans: RAYVER, proud at forever number 1 fan ni JULIE ANNE

NAG-TURN 31 last May 17 si Julie Anne San Jose at kinilig ang JulieVer fans sa video greeting ng boyfriend na si Rayver Cruz.

“I will always be your forever number 1 fan, super proud ako sa ‘yo my love sa lahat lahat at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita hinding hindi akong mag sasawang sabihin sayo ‘yan everyday,” sey ni Rayver.
Muling magsasama sina Rayver at Julie dahil sa pagbabalik ng ‘The Clash.
Nag-pictorial na ang JulieVer para sa ika-7th season ng reality singing competition ng GMA-7 kasama ang Clash judges na sina Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha, at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
This season ay may aabangan na matinding pasabog ang mga contestants.
Sey ni Julie: “First time in the history of The Clash na mangyayari ito.
Dagdag ni Rayver: “Kasi sa The Clash nangyayari ‘yung lagi kang gulat na parang, ‘Ah, nangyari ‘yon?’ Ang galing ng writer ng The Clash talaga.
Nitong mga nakalipas na buwan ay nagkaroon ng kanya-kanyang projects sina Julie at Rayver.
Napapanood si Julie sa murder-mystery series ng GMA at Viu na ‘Slay’. Si Rayver naman ay huling napanood sa pelikulang ‘Sinagtala’. Kaya sabik ang dalawa na muling magsama sa ‘The Clash’. 
***
HINDI pa raw handang pumasok sa panibagong relasyon si Jak Roberto.
Ito ang naging desisyon ng Kapuso hunk dahil tutok daw muna siya sa ibang bagay sa buhay niya tulad nang pagtatapos ng kanyang bahay, pag-asikaso sa kanyang negosyo at pagbalik sa kanyang workout sa gym.
“Wala muna siguro. Relax relax muna, gusto ko pang mag-discover ng iba’t iba pang business.
“Back on track na tayo sa pagwo-workout ulit, medyo napu-frustrate ako lately, siyempre maraming pinagdaanan, stress eating, etc. Ngayon, game mode na ulit,” pahayag ni Jak sa kanyang interview sa ’24 Oras’.
Naging pambungad nga noong January 2025 ang paghihiwalay nila ni Barbie Forteza after ng kanilang seven years na relationship. Pareho na raw sila ni Barbie na may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan.
Hands-on si Jak sa pag-asikaso ng kanyang business na JC Essentials na sinumulan niya noong 2023 pa.
Handa na ulit na mag-taping ng teleserye si Jak para sa upcoming Kapuso series na ‘My Father’s Wife’ kunsaan co-stars niya sina Gabby Concepcion, Snooky Serna, Kazel Kinouchi and Kylie Padilla.
Huling ginawang teleserye ni Jak ay ang ‘The Missing Husband’ noong 2023. Last year ay nagkaroon siya ng mahabaang guest role sa ‘Black Rider.
***
FOR the first time ay isang may dugong Pinoy ang nanalo sa prestigious Eurovision Song Festival in Switzerland.
Tinanghal na champion ang classically trained Filipino-Austrian queer singer na si Johannes Pietsch sa 69th Eurovision Song Contest with the song “Wasted Love,” a song that combines operatic, multi-octave vocals with a techno twist.
“This is beyond my wildest dreams. It’s crazy,” sey ni JJ na tinalo ang mahigpit niyang kalaban na singer from Israel.
Ang mensahe ng kanyang song ay “love is the strongest force on planet Earth, and love persevered. Acceptance and equality for everyone. Let’s spread love.”
Austrian ang father ni JJ at Filipino ang kanyang mother. Lumaki siya sa Dubai and he speaks German, English, Arabic, French and Tagalog.
Ang Eurovision Music Festival ang pinakamalaking music event sa buong mundo since 1956. Ilan sa mga sumikat na winners ay ang ABBA (1974), Celine Dion (1988), Secret Garden (1995), Olsen Brothers (2000), and Duncan Laurence (2019).
 
(RUEL J. MENDOZA)