Veteran journo Dindo Amparo, nanumpa bilang hepe ng PBS-BBS
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nanumpa ang veteran broadcast journalist na si Fernando Sanga, mas kilala bilang Dindo Amparo, bilang bagong director general ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS).
Nanumpa si Sanga sa harap ni Communications Secretary Cesar Chavez sa isinagawang turnover ng liderato ni outgoing PBS-BBS chief Rizal Giovanni Aportadera, Miyerkules ng gabi.
Ibinahagi naman ng Presidential News Desk (PND) ang ilang larawan na kuha sa oath-taking ni Sanga.
Sa kasalukuyan, ang PBS-BBS ang nagmamay-ari at nago- operate ng radio stations sa buong bansa kasama ang DZRB Radyo Pilipinas Manila bilang flagship station nito.
Nagsimula ang media career ni Sanga noong 1987 bilang reporter ng DZRB sa Lucena.
Nagsilbi rin siya bilang development information officer ng Philippine Information Agency mula 1987 hanggang 1989 at announcer-reporter sa PBS-BBS mula 1989 hanggang 1994.
Naging ABS-CBN reporter mula 1994 hanggang 2005 at kalaunan ay kinuha ang papel bilang ABS-CBN news bureau chief sa Dubai mula 2005 hanggang 2010.
Nagsilbi rin siya bilang ABS-CBN head ng news gathering at assistant vice president. (Daris Jose)