• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vet clinic sa lahat ng LGUs, isinusulong ng mambabatas

SA pagsusumikap na makurbahan ang pagkalat ng sakit tulad ng African swine fever (ASF) na tumama sa alagang hayop sa probinsiya, isinusulong ng dalawang mambabatas ang paglalagay ng veterinary clinics sa bawat local government unit sa bansa.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 5059, o Animal Medical Center bill na inihain nina Abra lone district Rep. JB Bernos at asawa nitong si Solid North Party-list Rep. Ching Bernos.

Ayon kay Rep. JB Bernos, nag-ugat ang pagsusulong ng panukala matapos makaranas ang kanilang probinsiya ng ASF.

“Matagal nang problema ang ASF hindi lang sa Abra, kundi sa buong bansa. We believe that with a properly equipped veterinary clinic in every municipality we can help farmers and livestock raisers prevent the loss of their livelihood through timely and affordable, if not free, interventions,” anang kongresista.

Habang naglalaan ang Local Government Code para sa pagbuo ng positions para sa Provincial and City Veterinarian, ay wala namang probisyon para sa designasyon ng municipal veterinarian.

Wala ring isinasaad sa batas ang pagbuo ng isang veterinary clinic o center, o pangungunahan ito provincial at city veterinarians.

“Hindi na dapat optional ang pagtatayo ng mga local veterinary clinics dahil ito ay matinding pangangailangan na may epekto sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at ekonomiya,” pahayag ng lady solon.

Sa ilalim ng panukala, ang clinic ay maglalaan ng ibat ibang serbisyo kabilang na ang veterinary consultations, animal vaccinations, disease diagnosis, treatment, and minor surgical procedures; technical assistance and health management programs for farmers and livestock raisers; at edukasyon para sa responsible pet ownership at humane treatment of animals.

Magsisilbi din ang clinics bilang hub para sa disease monitoring, outbreak response, at vaccination drives.

Gayundin, ang pagsasagawa ng routine vaccinations (tulad halimbawa ng anti-rabies, distemper) at deworming services; spay and neuter programs para sa pet population control; pagemnetene ng database ng registered pets at vaccinated animals sa loob ng jurisdiction ng LGUs at makipag-coordinate sa mga local animal welfare organizations at law enforcement for animal rescue and cruelty cases. (Vina de Guzman)