• February 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Variety Show handog ni Mayor Allan De Leon para sa pagdiriwang ng Hamaka Festival 2026

NAGSAGAWA ng isang variety show ang Bayan ng Taytay para sa pagdiriwang ng Hamaka Festival 2026 na ginanap noong ika 7 ng Pebrero taong kasalukuyan sa New Taytay Public Market.

Ito ay pinangunahan ni Singing Mayor Allan De Leon kasama si Vice Mayor JV Cabitac at mga Sangguniang Bayan Council na sina Konsehal JV Valera, Konsehal Minchie Bermundo, Konsehal Patrick Alcantara, Joanne Calderon at iba pa.

Nagkaroon ng exhibit ng mga damit mula sa Taytay at sa iba’t ibang lugar sa Rizal at Laguna para ipakilala ang mga produkto kasunod ang pampasiglang sayaw na sinundan ng videoke challenge na nanalo ng limang daan piso, limang kilong bigas at 20 kilong bigas ang naipamigay sa mamamayan ng Taytay.

Sumabak naman sa kantahan ang The Singing Mayor sa videoke challenge kasama si Vice Mayor JV Cabitac at mga Konsehal nito upang pasayahin ang mga mamamayan ng Bayan ng Taytay.
(Jeremiah Solomon / Photos by Boy Morales Sr.)