Valenzuela, unang lungsod sa Pilipinas na nag-deploy ng 41 electric vehicles
- Published on April 26, 2025
- by @peoplesbalita
BILANG katuparan ng layunin ng environmental initiative nitong ‘Go Green Valenzuela,’ at sa pagsisikap na patatagin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay nagturnover ng 41 electric vehicles (EV) para magamit ng Valenzuela City Police Station at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Kasabay nito, pinasinayaan din ng lungsod ang bago nitong EV Charging Station sa ALERT center. Ang Valenzuela ay ngayon ang unang lungsod sa Pilipinas na nag-deploy ng pinakamalaking bilang na 35 electric vehicles para magamit sa mga operasyon ng pulisya at anim naman para sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Ang hakbang na ito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ACMobility at BYD Philippines, na nagtulak sa paggamit ng mga sustainable na solusyon sa transportasyon. Ang inilaang badyet ng mga EV ay umabot sa P75,768,000.00 sa tulong ni Senator Win Gatchalian. May mga anti-theft equipment, regenerative braking, at electronic stability program ang mga sasakyang ito. Dumalo sa seremonya sina Mayor WES Gatchalian, Senator WIN Gatchalian, DILG Secretary Juanito Victor Remulla, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto, at iba pang opisyal.
https://media.philstar.com/photos/2025/04/25/untitled-1_2025-04-25_22-17-59.jpg