Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo
- Published on October 17, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station ang isinagawang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela police at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag.
Kaugnay ito ng pagkakapaslang sa beteranong reporter na si Percy Lapid kung saan ay pinagbabaril ito ng hindi pa kilalang salarin na isa sa tinitignan motibo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.
Nakiusap naman si Col. Destura sa mga mamamahayag na kung sakaling mga may banta sa kanilang buhay ay huwag mag-atubiling lumapit o pumunta sa kanyang tanggapan at ipaalam sa kanila ang anumang uri ng pagbabanta.
Siniguro din Col. Destura na bibigyan nila ng proteksyon at agarang paimbestigahan ang sinumang mamamahayag na komokober sa CAMANAVA area partikular sa Valenzuela City na nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay para sa kanilang kaligtasan, maging ang mga mahal nila sa buhay.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang dayalogo si ACOPA PLt Col. Aldrin Thompson, SIU chief PLT Robin Santos, SS-2 commander P/Major Randy Llanderal at chief SCAS P/Major Gina PariƱas. (Richard Mesa)